"Best maaga pa naman nung umuwi tayo kahapon ah? Bakit parang maleta yang eye bags mo?"
Hindi ko siya sinagot at sumimangot ako at umub-ob sa desk ko. Sino ba naman ang makakatulog sa nangyari kagabi? Ako lang yata yung sobrang active kahit 3am na.
Ikaw ba naman ang makakita ng pagtawa ng taong ipinanganak na atang nakasimangot, hindi ka ba matutuwa? Improving yun! Pero oo, 3AM na nung nakatulog ako kasi ka-chat ko si Miss Ghe and here comes the bad news..
"Acel, nagsampa na ng kaso ang Sandoval family."
At ang hearing ay sa March na. The day before the Graduation. Ang magiging pasya ng board ang makakapagsabi kung makaka-graduate si Raven o hindi.
"Good afternoon class."
Naramdaman kong may sumipa ng upuan ko kaya napa tingin ako sa kanya.
"Nandyan na si Ma'am." Simpleng sabi ni Raven on his patented cold tone.
Tumingin ako kay Miss Ghe, binigyan niya ako ng matipid na ngiti bago mag-check ng attendance namin.
"So class may short quiz tayo. Prepare 1/4 sheet of paper." Umupo na si Miss Ghe sa teachers table sa unahan.
Quiz? Sa values education? Seriously?
Wala na akong nagawa kundi kumuha ng papel. Napatingin ako kay Raven na naka ub-ob na naman sa desk niya.
Tingnan mo itong taong ito, siya ang nagsabi kanina na nandyan na si Ma'am pero siya ngayon itong tulog. Naka headset pa!
Tinapik ko siya ng mahina pero wa epek kaya itinulak ko siya na ikinalaglag niya.
"Oops!" Napatingin samin ang lahat. Yung dating takot na naramdaman ko sa kanya ay biglang bumalik. Ang mga tawa niya kagabi ay napalitan na ngayon ng galit niyang ekspresyon.
"Sinong tumulak sakin?!" Galit na tanong niya habang nakatayo.
"Mr. Canavarro please sit down. We will start the quiz." Mahinahong sabi ni Ms. Ghe.
"I don't f*cking care! Tell me, sinong tumulak sakin?" Galit na galit niyang tanong.
Oh my gosh Acel! You're now dead.
Unti-unti kong itinaas ang kamay ko.
"A-ako. I'm sorry hi-hindi ko naman sinasadya. Bi-bibigyan lang sana kita ng papel." Nanginginig kong inabot sa kanya ang papel.
Yumuko ako. Now I know the feeling ng mga sinisigawan ni Raven Canavarro.
Naramdan kong kinuha niya ang papel tapos ay umupo na ulit sa upuan niya sa tabi ko na walang sinabi.
Napatingin ako sa kanya. Bumalik naman ang atensyon kay Ms. Ghe na kasalukuyang nag a-announce.
"You should be lucky, I don't hit girls." Seryoso niyang sabi na hindi nakatingin sakin.
Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para mapigilan ang pag iyak.
'Ang weak mo Acel! Ang weak weak mo!'
Nagsimula na ang quiz at mabilis ko yung sinagutan tapos ay nagmadali akong lumabas ng classroom at nagdiretso sa CR, at dun umiyak.
"Best!" Agad akong niyakap ni Thea na kasunod ko lang pala. Umiyak lang ako ng umiyak sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Hindi naman niya ako sinaktan di ba?
'Hindi nga ba?' tanong ko sa sarili ko.
