"Teka saan ba talaga tayo pupunta?" After ng umm... friendly kiss? (>\\\\>) Hinila niya ako palabas ng classroom. Hawak-hawak niya yung kamay ko papuntang parking area hanggang sa ito nga... we're on the road.
"Sa haven ko." Ngumiti siya na parang ang saya-saya niya tapos nag-glance pa siya sakin mas lumawak pa ang ngiti niya na parang mahahati na ang mukha niya.
Shitzu! Dahil ba yun sa umm.. friendly kiss? Darn it! Yung totoo Acel? Nababaliw ka na.
"Bakit umm.. bakit tayo pupunta dun?" Nag-iwas ako ng tingin kasi pakiramdam ko maso-suffocate ako sa tingin at ngiti niya. Yung puso ko naman parang puso ng kabayo 'pag nangangarera. Seriously? Puso talaga ng kabayo?
"Sabado ngayon di ba? Nakalimutan mo na?"
Sabado? May nakalimutan ba akong event ngayon?
Napansin niya siguro akong malalim na iniisip kung anong meron ngayon kaya sinagot na niya ang katanugan ng isip ko.
"Quality time. For the project remember? Di ba usapan natin na every weekend we will get to know each other?"
"Pero di ba everyday na tayo magkasama? Gagawin pa ba natin yun?"
Sumulyap ulit siya sakin bago tumingin ulit sa daan. This time nawala na yung ngiti niya at kumunot ng konti ang noo niya.
"Nagsasawa ka na ba sa pagmumuka ko? Ayaw mo na ba akong kasama?"
Napa-amang ang bibig ko at gulat na napatingin sa kanya.
How can he say that? Hindi ba niya alam na halos magselos na si Thea sa kanya dahil mas madami na ang "QUALITY TIME" namin than her. Bigla akong nakaramdam na parang gustung-gusto ko aminin sa kanya ang nararamdaman ko pero paano? Natatakot ako. Paano kapag hindi ganun ang nararamdaman niya? Paano kung one-sided love lang ito? Love. I think this is really love. Paano kung masaktan na naman ako?
"H-hindi naman sa ganun Ven." Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. Pakiramdam ko tumingin siya sakin, nakatigil kasi ang kotse kasi naka-red light.
"Naalala ko kasi yung part-time job namin ni Thea. Every weekend din kasi yun tsaka I think hindi na natin kailangan kilalanin ang isa't-isa. Kasi we already know each other di ba?"
"Pero wag mo sana isipin na ayaw kitang kasama. I enjoy your company. Gusto kita kasama. Promise." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko to prove na hindi ako nagjo-joke.
Tumingin siya sa kamay ko tapos ngumiti at umapir!
"Sabi mo yan ah? Sana kahit minsan magawa pa din natin ito. Kahit once in a month nalang?"
Natawa ako sa kanya. Nagpa-pout kasi siya parang bata kaya umoo nalang ako.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako kailangan sa part-time job namin e. Trip lang naman kasi namin tumambay ni Thea dun sa shop ni Kuya Ruel kaya one time inalok niya kami na maging assistant niya pero nasa amin kubg gusto namin pumasok o hindi. Trip niya lang din naman kaming kasama dun sa shop kaya niya kami inalok ng ganung work. Siguro dahil mag-isa lang siya at nabo-bored siya minsan pag walang customer.
Naisip ko na kailangan na muna namin itigil yung sinasabi niyang "quality time" for our own good. Baka kasi pag everyday na kaming magkasama, lalo akong ma-fall at sabi nga nila lahat ng nafa-fall pag hindi nasasalo, nasasaktan. Tsaka naisip ko din si Papa. Ayaw niya akong lumalapit kay Ven, kahit pa sinabi ni Mama na mas importante ang happiness ko hindi naman ako tuluyang magiging masaya if alam kong may ginagawa akong ayaw ni Papa.
"Hey." Napatingin ako sa kanya tapos sa paligid.
"Nandito na tayo, are you okay? Mukhang malalim ang iniisip mo." Nandito na nga kami. Dito sa isang malawak na parang burol. Yung madalas namin tinatambayan.