"Acel, naghihintay na sila sa conference room." Nakangiting paalala ni Desiree sa akin. Ngumiti ako pabalik bago ayusin ang sarili ko.
Anong meron ngayon sa conference room? Hindi ko alam. Kanina kasi pagkapasok ko agad na ibinalita sa akin ni Desiree, my new secretary, na may meeting daw. First time ko aattend ng meeting sa 3 weeks ko dito sa C&G Corp. kaya medyo na-excite ako. Hindi ko kasi alam kung paano ba mag-meeting ang board members ng isang malaking kumpanya.
Pagkalabas ko ng office ko ay nagulat ako na may kasabay pala akong lumabas din sa sarili niyang office. Nagkatinginan kami. Gusto ko umiwas ng tingin, pero the way he looks--no scratch that-- the way he stare, it demands a stare back. I wonder how he become the CEO. Hindi naman sa pagiging judgemental pero nung highschool kami hindi ko aakalain na magiging ganito siya. Yung dating bad boy look niya na white messy hair, piercings, yung fashion niya na tumataliwas sa school rules, at yung kadena na laging nakasabit sa kanya ay ngayong wala na. Ngayon ang desente na niya. Napaka-authoritative na ng mga actions niya. Naka-three piece suit siya, CEO na CEO ang dating. Yung buhok niya palagi nang nakataas ang bandang unahan kaya kitang-kita na ang gwapo niyang mukha na nagpapa-head turn sa mga babae kapag dumadaan siya. Pwede na nga siyang model. Ay! Actually nagmodel na pala siya sa isang magazine. The youngest billionaire, the man of the hour, the hot bachelor on his own company at marami lamg ibang bansag sa kanya. Siya na! Samantalang ako kilala lang sa pagiging 'acoustic princess' ng Korea.
Naputol ang titigan namin nung sabay na dumating si Aiza at Desiree para paalala na kanina pa sa conference room ang board.
Nakakahiya! Nakita kaya nila kaming tila may sariling mundo na nagtititigan? Kantyaw na naman ang aabutin ko nito kay Desirée. -____-
Halos magkasabay kaming apat na naglakad papuntang conference room. Nauna lang kami ng konti ni Desiree. Nadidinig kong may mga sinasabi sa kanya si Aiza pero I don't hear a response from him.
Nung makarating na kami ay hindi muna ako pumasok.
"Acel okay ka lang?" Hindi ko pinayagang tawagin akong Ma'am ni Desiree. Para kasing hindi bagay. Magkaibigan kami at mas comfortable ako kapag hindi kami formal.
Nagets ata ni Raven ang dahilan ko kaua nagpatiuna na siya saka ako sumunod. Nagtayuan ang mga taong nasa loob. I even heard a gasp. I look at her---sila Thea at Cy katabi naman ni Cy si Dylan.
"Good morning everyone." Bati ni Raven. Bumati naman sila pabalik. Naiilang ako. All eyes were on me.
"Before we start I'd like you all meet Miss. Acel Montenegro. She's Mr. Eun Choi's representative as my new business partner." Kahit medyo nababaguhan ako sa formalization ay nagawa kong mag-step forward at bumati sa kanila.
After nun ay umupo na si Raven sa executive's chair niya sa dulo ng mahabang lamesa. May bakante sa tabi niya sa right part kaya dun na ako umupo. Wala naman sigurong naka-upo dito.
"Hindi ba hija ikaw yung sikat sa Korea?" Nakangiting tanong ng isang lalaking nasa mid-40's na ata.
"Ah eh.. hindi naman po ako ganun kasikat. Pero singer po ako sa Korea." Nakangiti kong sagot.
"Sabi na eh! Ikaw nga iyon. Ikaw yung last na nag-concert dito sa Pilipinas hindi ba? Alam mo bang iniidolo ka ng anak ko? Humingi pa siya ng pera sa akon makabili lang ng VIP ticket sa concert mo."
Namula ang mukha ko.
"Talaga po? Naku marami pong salamat."
"Napakagandang bata." Sabi ng isang babae na nasa may bandang una ng lamesa na mukhang giliw na giliw sa akin.
"Sinabi mo pa." Pagsang-ayon ng mga nasa tabi niya.
Natigil lang ang lahat ng tumikhim si Raven. Yung lalaking nasa unahan naman ay naalerto. Siya siguro ang magpo-propose ng project for the company.