Chapter 15: Leave Her Alone Cannavarro

63 0 0
                                    

*Thea's POV*

"GET OUT OF MY WAY!" Nagulat kami sa sigaw kasabay ang malakas ng pagbukas ng pinto.

"Acel!" Pinahid ko ang luha ko at napanganga sa nakita ko.

It's Cannavarro.. carrying my unconscious, dirty and soaking wet best friend.

"Tawagan nyo na sila Dylan, sabihin nyo andito na siya." Narinig kong sabi ni Jenny na sumunod sakin sa kwarto namin.

Nakita kong ibinaba ng maingat ni Cannavarro si Acel sa kama nya.

"He-hey wait!" Pigil ko sa kanya nung nakita kong itinataas niya pahubad ang damit ni Acel.

"WHAT?!" Bulyaw niya sakin.

"What are you doing?" Mukhang natauhan na siya sa ginawa niya kaya nag iwas ng tingin.

"Basang basa siya at nilalagnat. Palitan nyo siya ng damit." Tumingin pa siya kay Acel. And the way he looks at my best friend, parang nasasaktan siya.

"May sugat siya." Napatingin kami kay Jenny na hawak ang paa ni Best. At napangiwi ako at naiiyak.

May nakabaong bubog sa paa niya.

"Sh*t!" Rinig kong sabi ni Cannavarro. Napahilamos siya ng mukha bago tiningnan ang bubog.

"Malalim ang pagkakabubog niya." Nag-aalalang sabi ni Jenny. Lumapit naman ako kay Best at hinawakan ang pisngi niya.

"Ghad! She's hot. Jenny magpatawag ka ng doktor!" Namumutla na si Acel at nagulat ako ng humikbi siya.

"Sh*t!"

"Cannavarro ano bang ginagawa mo?" Humikbi ulit si Best na parang nasasaktan.

"Stop that! Can't you see  she's hurting?! Are you really that dumb?!" Binubunot niya kasi ang bubog pero umiiyak na si Acel.

Tumingin siya ng nahihirapan kay Acel.

"Lumabas ka muna, papalitan ko siya ng damit." Utos ko.

Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ako peto bago siya lumabas ay tumigil siya sa may pinto.

"What?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nothing. Just-just be gentle." Nahihirapang sabi niya bago lumabas. Ngayon ko lang siya nakitang ganun maglabas ng emosyon. It's just like he's not the Cannavarro we knew.

"Best, what did you do to the bad boy?" Tanong ko kay Best bago ko siya linisan.

***

"How is she? Did you get the sh*t out of her feet?" Nangunguna si Cannavarro sa paglapit sa family doctor nila Royce nung makababa ito sa sala kung saan ay nandito kaming lahat at nag aantay sa pagbaba niya.

"She's okay now. Natanggal ko na din ang bubog sa paa niya and I'm afraid to say na malalim ang pagkakabubog niya. Medyo mahirap at baka matagalan yun bago gumaling.."

"Nabasa siya ng ulan tapos mukhang stress pa siya kaya siya nilagnat. Nagpapahinga na siya ngayon." Nagbilin lang ang doctor ng mga gamot na dapat inumin bago siya umalis. Napahinga naman kami ng maluwag.

"Alam kong pagod na tayong lahat. Can we call it a night?" Tanong ni Tito Calvin.

"Yeah night!" Nagkanya-kanya na kaming pumasok sa aming kwarto pero pagpasok ko ng kwarto ko ay nagulat akong nandoon na naman hawak ang kamay ni Acel.

"Matulog ka na Cannavarro, nasa kwarto na sila Cy." Sabi ko at umupo sa kama ko.

"Dito muna ako." Sabi niya sa mababang tono na hindi tumitingin sakin kundi kay Acel.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon