"Is that Acel?"
"Oh gosh! Si Acel!"
"Kunan niyo dali. Kunan niyo!"
"Are they dating?"
Ngiti lang ako ng ngiti sa lahat ng mga nakakasalubong naming guests at media.
"Good evening Sir, Ms. Acel." Nakangiting bati ni Aiza na naka-fitted red halter dress. Ang ganda niya.
"Good evening Aiza. You're so gorgeous." Nakangiti kong sabi tapos bumeso sa kanya. Sa 3 weeks ko sa company I treat them as my friends. Minsan nga kasabay ko sila ni Francine na mag-lunch eh.
"Naku ang bolera mo talaga Ms. Acel. Anyway dito po yung pwesto niyo." Sinundan namin siya habang kaliwa't kanan ang bati sa mga guests.
"Raven!" Napatigil kami nung biglang may humarang sa amin. Maging si Aiza ay napatigil.
"Travis." Bati ni Raven. Napatingin ako kay Raven. Naka-poker face lang siya habang itong si Travis daw ay nakangiti.
"This event is...gorgeous!" Sabi ni Travis na tumingin sa akin habang sinasabi ang huling word niya at ngumiti. I instantly flashed my smile.
"Just like the lady here." Pahabol pa nito.
"Hello. You must be Acel. I've heard the medias talking about you. I'm Travis." Inilahad niya ang kamay niya.
Gwapo itong si Travis. Mukhang model. Sa pagkaka-fit palang ng coat niya sa braso alam na sexy ito. Ay shet! Ano ba Acel? Kelan ka pa naapektuhan sa mga sex appeals na iyan?
Ngumiti ako at dahan-dahang tinatanggal ang kanang kamay ko sa pagkakahawak ko sa braso ni Raven pero naudlot ito nung bigla itong pinigil ni Raven at siya ang nakipag kamay kay Travis.
"Nice to see you Travis. Please do enjoy yourself. If you excuse us." Naglakad na siya kaya nakaladkad ako. I give Travis an apologetic smile. Tumango siya at ngumiti din.
"What's wrong with you? He's a guest." Bulong ko sa kanya nung maka-upo na kami sa upuan namin.
"Technically he's not invited. So he's not our guest. He's a gate crasher." Ininom niya ang wine na inabot kanina ng isang waiter.
"Paano siya nakapasok kung ganun?"
"Inimbita siguro siya ng isang guest. Siguro ni Mr. Pangilinan, he's dad."
"Invited ang dad niya pero siya hindi?"
"Mr. Pangilinan, he's a car collector at ang mga invited dito ay mga taong may kinalaman sa mga kotse like car dealers, collectors, at racers."
"Eh hindi ba siya car enthusiast?" Tukoy ko kay Travis.
"He called himself as one, siguro dahil sa influence ng dad niya but mas gusto niyang maging model. And siguro kaya siya nandito ay dahil it's one big event at maraming media na invited. He's a fame whore."
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya pero wala naman siguro siyang reason para mag-imbento.
"Let's entertain our guests. Shall we?" Tinanggap ko ang kamay niya at kinausap ang ilang guest. Pinakilala niya ako as Mr. Choi's representative.
"Mr. Cannavarro and Ms. Acel isang picture naman po." Natigil kami at ngumiti sa harap ng isang photographer. Taga Philippine Star siya base sa I.D niya.
"Mr. Cannavarro can I ask some questions?" Tanong ng isang media na kasama ni Kuyang photographer.
"I'm sorry Miss but this event is for the launching of the newest model of Mercedes Benz. Mr. Cannavarro should not answer any of questions not related to the launching." Magalang na sabi ni Aiza na kanina pa naming kasunod.
![](https://img.wattpad.com/cover/23927902-288-k671873.jpg)