Chapter 41: Reunion

32 1 0
                                    

"Again, thank you sa pagpunta Staars! The best talaga kayo, let's see somewhere again. Kamsahamnida." Nag-bow ako bago umexit sa stage.

Wooh! Another concert done.

"Congratulations Asur!" Sinalubong ako nila Eunie sa backstage.

"Thank you Eun, Jiji and Vince!" Humiwalay ako sa yakap nila tapos inabutan ako ni Vince ng isang bouquet ng red rose.

"Oh. Thanks Vince." I kissed him on the cheeks.

"You're the best Acel." Ngumiti siya.

"I know. Tara let's party!" Masaya kong sabi.

Dinala kami ni Manager Kim sa isang bar.

"Oh yeah! Liquors all around!!" Masayang masayang sabi ni Jiji. Hinigit ko naman ang damit niya para umupo na ulit. Buti nalang at nasa VIP room kami kaya okay lang magwala.

"Tss. Lasengga." Inis na bulong ni Vince. Napailing nalang ako at uminom ng drink ko.

"Everyone let's have a cheers for a successful concert of our very own Aceeel!!"

"CHEEERS!!!" We clank our glasses at sabay-sabay nag sip.

"Wait I need to pee." Sabi ko at tumayo.

"Samahan na kita." Tumayo din si Vince na siyang ikinatawa ko.

"Seriously Vince? Sasama ka?" Natatawa kong sabi. Mukhang nagets din naman niya kaya hindi na siya nagpumilit.

Lumabas ako ng VIP room. Maraming nakakakilala sakin pero wala namang problema dun kasi mga sikat na celebrities lang din yung mga nandito. Exclusive kasi itong bar na ito.

"Hey Acel paselfie naman ng isa jan." Tumigil ako sa table nila Anne Curtis kasama ng mga host ng Showtime.

"Naku ang ganda talaga ng batang ito." Kiniss ako ni Vice Ganda sa cheeks.

"Same to you din Vice. Mas maganda ka sa personal."

"Bakit pangit ba ako sa TV?" Tumawa ako at umiling.

"Hindi naman po." Tumawa lang din sila at nagselfie kasama sila.

"Acel mag-guest ka naman sa showtime sa Friday." Sabi ni Vhong na ginatungan pa ng iba.

"Sure sure!" Nagsipag si-yehey naman sila.

I excused myself to them after kasi ihing-ihi na talaga ako.

"Acel!!" Ano ba yan? Ihing-ihi na ako eh. Lumingon ako sa tumawag sakin with a smile on my face.

But that smile slowly fades nung nakita ko kung sino ang mga tumawag sakin.

"E-erika..Hi!" Yes. Si Erika together with those people na ayaw ko makita. But I guess this is the time kung kailan kailangan ko na sila harapin.

"Woah! Ang ganda mo na ngayon PRO!" Tumayo at niyakap ako ni Erika.

"Nice to see you again Eka." Nagbeso kami.

"Hello long time no see guys." I wave sa kanilang nakatingin sa amin.

"O gosh! Acel!" Nagulat ako nung bigla akong dinamba ni Pres kaya ayun na-out of balance kami kaya ang ending? Umiiyak siya na magkayakap kami sa sahig. Mabuti nalang hindi kami nasaktan.

"Hey Pres." I tapped her shoulder. Pero mas lalo siyang yumakap. Hay! Paano ko nagawang idamay siya sa mga taong iniiwasan ko?

"I miss you Acel." Hinawakan niya ang mukha ko.

"I miss you too Pres." Naiiyak na din ako. Walang nagbago kay Pres, iyakin at emotional pa din.

"Oy tama na yan, kami naman!" Inalalayan kami nila Royce at Dylan na makatayo bago sila yumakap din sakin.

"Langya! Ang ganda mo lalo. Single ka ba?" Binatukan ko si Dylan. Palabiro pa din eh.

"Patay ka kay Yumi, Dy." Natatawang sabi ni Royce.

"Ohh looks like I missed something." Sabi ko habang naka-akbay sakin si Dylan.

"You miss alot Acel." Seryosong sabi ni Pres.

"I'm ready to catch up, but hindi sa kwarto ha?" Joke ko tapos tumingin kay Raven na nasa tabi ni Erika.

"Ah he-he. Bakit naman sa kwarto?" Tila nagtatakang tanong ni Pres.

"Ay hehe wala lang." Nag-peace sign ako.

"Uhh-- hi Acel? Still remember me?" Nag aalinlangang tanong ni Cy na tumayo sa tabi ni Thea. So sila padin?

"Of course Cyrus! Kamusta?" Hinug ko siya mukha namang nabunutan siya ng tinik.

"Eto gwapo padin." Tumawa siya.

"I won't argue with that. So kayo pa din?" Tiningnan ko si Thea na kanina pang stiff sa upuan niya at ngumiti.

"Oo naman. Forever na 'to." Inakbayan niya sa Thea na awkward na tumawa. Ngumiti ako.

"It's so good to hear that." Lumapit ako kay Thea.

Throw the bitterness away Acel! Throw away! Chant ko sa sarili ko.

"Hey Thea!" I hugged her. Niyakap niya din ako then maya maya pa'y naririnig ko siyang humihikbi.

"I'm so-sorry Best. I'm so sorry." At umiyak na nga siya. Yung luha kong kanina ko pang pinipigilan ay tuluyan ng tumulo and there... we both cry just like the old times.

"It's okay Thea. It's okay." Tinapik-tapik ko ang likod niya.

"Ampangit mo parin umiyak." Biro ko sa kanya.

"Ikaw nang maganda parin kahit umiiyak." Inabutan niya ako ng tissue at nagtawanan. Inabutan nila ako ng drinks at pinaupo sa table nila.

"Ehem! Acel baka may nakakalimutan kang batiin." Pang-asar na sabi ni Dylan. Tumingin ako sa nginuso niya--si Raven.

"Hey there." Kumaway ako kay Raven. Nakita ko namang siniko siya ni Erika.

"Hey." Simpleng sabi niya.

Kayo na ang sweet! Kayo na!

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon