Dalawang araw nang wala si Ven. I can't contact him. Sila Cy at Dylan naman hindi sumasagot ng matino.
Kahapon nga kinorner ko si Cy ang isinagot niya lang sakin.
"May importante lang siyang ginagawa ngayon."
Ganun ba yun kaimportante at nakalimutan na niya ako? Charot! Feeling mo naman special ka Acel? Hay!
Nasa theatre booth naman ako naka-assign ngayon at nagpapaka busy sa pagbebenta ng tickets. Last monday was a success! Madaming natuwa sa story ni Sara. Comedy naman kasi tapos nakakatuwa pa na even mga teachers nanuod din at ang ganda ng mga sinasabi nila. Bigla tuloy kaming na-pressure sa movie namin. At hanggang ngayon hindi pa kami nagkaka-sneak peak. Ano kaya hitsura ko dun? Hindi ko na nga naintindihan yung flow ng story eh. Konti lang kasi yung mga shinoot namin, sobrang dami pa nung mga nalikdangan na scenes. Paano kaya yun magagawang movie? Hay! Bahala na daw si Thea at Kuya Ruel dun. Mag relax nalang daw kami.
Napansin kong may nagkakagulo sa may pinto nitong auditorium kaya lumapit ako.
"Excuse me anong nangyayari?" Tanong ko kay Pres na nagmamadaling makapasok.
"May dumating na mga trespassers. Galing kabilang school." Sabi ni Pres. Hindi na ako nagtaka dun dahil open to the public naman itong event na ito.
"Eh anong masama dun? Open naman tayo di ba?" Takang tanong ko.
"Aceeel!!!" Nakita nami si Thea na nakipagsiksikan din para makapasok at nagmadaling pumunta samin.
"Oh anyare?"
"They're here." Hinihingal niyang sabi. Napatingin ako kay Pres. Tumango lang siya.
Sinong sila?
"Si Jacob." This time kalmado at seryoso na niyang sabi. Bigla akong natigilan.
What?
"He's looking for you." Sabi pa ni Pres.
Jacob Lopez. Ang taong matagal ko ng kinalimutan. Ang taong kinatatakutan kong makita. Ang taong... hay! Nandito siya.
"Anong plano mo Best?" Naupo kami sa harap ng lamesa na pinagbebentahan ng ticket. Pansamantala muna namin itinigil ang pagbebenta g tickets kasi nagkakagulo sila sa labas dahil sa dalawang dahilan: Dahil nasa labas si Jacob at dahil maraming bumibili ng tickets.
Jacob is a star. Artista siya.
"I don't know Best." Umiiling kong sagot.
"Acel I think it's about time para kausapin siya. It's been two years since then." Sabi naman ni Pres. They know what happened last two year. They're there.
"Yow!"
"Hello!"
Napatingin kami sa pinto nung pumasok ang dalawang pugo. Nanghinayang ako nung makitang wala pa din si Ven.
"Bakit kayo nagsosolo dito?" Tanong ni Cy sabay baba ng bitbit niyang pagkain ata.
"Breakfast." Ngingiti niyang sabi nung sinilip namin kung anong laman nung supot.
"Ang chwit nemen!" Pang-aasar ni Pres sabay tingin kay Thea na nagb-blush.
"Good for three yan. Kainin niyo na." Umupo si Cy sa tabi ni Thea. Si Dylan naman mukhang nasa computer area inaayos ang projector.
"Thank you Cy!" Sabi ni Pres sabay subo ng hotcake niya. Coffee naman ang kinuha ko.
"Thanks." Simple kong sabi.
"Welcome Girls." Nakangiting sagot niya.
"By the way. What's the commotion outside?" Tanong niya.
"May artista sa labas." Parang wala lang na sabi ni Thea sabay kagat ng burger niya.
"Artista? Sino?"
"Jacob Lopez." Sagot ni Pres.
"Wow! Ganun kaganda ang event natin para puntahan tayo ng mga celebrity?"
"Bakit wala ka bang tiwala sa mga organizers nito ha?" Tinawanan ni Thea si Cy nung bigla nitong naalala na isa sa mga organizers si Pres.
"Excuse guys!" Pumasok si Nicole at Sara.
"Acel, may kaso ka." Sabi ni Nicole naay dalang posas. Sila yung bantay ngayon sa jail booth e.
"What? Teka hindi ako pwede!" Agad nilang nahawakan ang mga kamay ko at pinosasan.
"Wala! Sa presinto ka na magpaliwanag." Sabi ni Sara.
"Bet na bet mo pagiging pulis mo Sara ano?" Natatawang sabi ni Cy.
"Aba oo naman. Makakaganti na ako sa mga nagsampa ng kaso sakin kahapon. Akala niyo ah." Tinuro pa niya sila Dylan at Cy. Paano ba naman pinagtripan nila kahapon na sampahan ng sampahan ng kaso si Sara para hindi maka-attend sa premiere ng movie niya. Ang loloko ng dalawang pugong ito.
"Tara na!" Hinatak na ako ni Nicole sa braso.
"Teka! Thea please call my lawyer." Nagtawanan lang sila sa sinabi ko. Feel na feel ko daw pagkaka-aresto sakin.
Yung simpleng jail booth kasi namin ay ginawan namin ng twist. Aside sa paglabag sa mga kunyaring rules namin, maaari mo ding ipakulong ang isang tao tapos magbabayad ng P25.00 ang nagsampa ng kaso. Yung nakulong naman ay maaaring may mag-tubos o babayaran niya ang kalayaan niya ng P50.00.
"Huy sino bang nag-kaso sakin? Inosente po ako. Huhuhu!" Pumalag-palag pa ako habang naglalakad para naman maging makatotohanan ang drama nitong dalawa.
"Mga kotong siguro kayo ano? Sabihin niyo sino nag-kaso sakin?"
"Ang daldal mo ngayon PRO." Nataaang sabi ni Sara.
"Okay lang yan Sara, nilulubos-lubos na niya ang pagdaldal niya sa room kasi hindi pwede. Masisira image niya." Natawa ding sabi ni Nicole.
"Huy wag kang maingay Nicole baka may makarinig." Natawa na din ako.
Pagdating namin sa booth ay madaming tao. Ang dami atang nakulong ngayon?
"O ikulong na yan!" Nag-act na masungit si Vincent na siyang head daw ng police ngayong araw. Napailing nalang ako. Simula ng mapalapit ako kay Ven never ko na siya naka-usap last time ay yung nagplano kami for this event after nun wala na. Tahimik na siya pero minsan ko siyang nakikitang masamang nakatingin kay Ven.
"Uy Acel bakit ka nandyan?" Nakita ko si Cookie na nasa tabi lang ng rehas kuno namin.
"May mabait na nag-kaso sakin e." Simpleng sagot ko. Nakakainis! Bakit ako lang ang nandito? Akala ko pa naman madami kami yun pala ako lang? Bakit ang daming tao sa paligid?
"Hala! Gusto mo tubusin kita?" Nag-aalalang tanong niya.
"Umm.. okay lang?" Nahihiya kong tanong. Pag kasi nakikita ko siya naaalala ko yung kiss niya sa cheeks ko. Hay! Awkwaaard!
"Sure. Teka lang." Lumayo siya at pumunta kay Vince. Kinausap niya ito at tumigin sila sa akin tapos maya-maya ay umiling si Vince. Napakamot naman ng ulo si Cookie. Ano bang pinag-uusapan nila?
"Acel sorry." Malungkot na lumapit sakin si Cookie.
"Mabigat daw ang kaso mo. Reclusion perpetua. Langya! Sino kayang nagpakulong sayo?"
Grabe naman yan. Ano dito na ako maghapon?
Nagsorry siya sakin tapos umalis na dahil may practice sila ng basketball. Ako nama'y umupo nalang sa sulok. Hay!
"Acel." Nanigas ako nung marinig ang boses niya. Unti-unti akong lumingon sa kanya.
This is it.
"Jake."