Chapter 17: Mom's knows best

85 2 0
                                    

Weeks had passed at pasukan na naman. At eto ngayon si Thea at nangangarag na dahil next week ay Senior Week na.

"Thea wag kang mag-alala dahil sa last day pa naman yun isho-showing. Ginawa ko nalang M-W-F yung movie booth natin tapos gumawa nalang tayo ng isa pang booth. Wala naman daw problema dun sabi ni Ma'am Ghe." Paliwanag ni Pres. Free cut namin dahil may meeting ang mga teachers sa office kaya gumawa din kami ng sarili naming meeting.

"Oyun naman pala e. So we still have one week and four days to prepare. Mahaba pang oras yun." Sabi ni Royce. Tumango lang ako.

"Best wag kang mataranta gagawa tayo ng paraan." Sabi ko.

"Uhm. Excuse guys natawag si Kuya Ruel." Tumayo siya bago sinagot ang tawag.

After awhile bumalik na siya.

"Guys may kailangan akong baguhin sa script." Balita niya pero mukhang hindi na siya problemado.

"Bakit?" Tanong ni Cy.

"May inadvice kasi si Kuya Ruel and I think may plano siya pero we still need to talk about it so Best, hindi mo na ako ihahatid later."

"Okay lang yun." Ngumiti ako at dun na natapos ang meeting namin.

***

"Nichi!" Napalingon ako sa tumawag.

"O Ven may problema ba?" Nakangiti kong tanong.

"Wala naman tara hatid na kita sa inyo." Nauna siyang naglakad habang ang mga kamay ay nasa bulsa niya. Naiwan naman akong nakanganga.

"Te-teka!" Iika-ika akong lumapit sa kanya. Hanggang ngayon kasi masakit pa din yung sugat ko.

"Masakit pa din ba yan?" Turo niya sa paa ko.

"Hindi na naman gaano. Masakit lang kapag napapayapak. Pero teka, talaga bang ihahatid mo ako?"

"Oo. Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto! Tara na!" This time ako naman ang nauna maglakad. Napapangiti ako habang naglalakad tapos parang natetense ako pero masarap ang feeling. Siguro nga love itong nararamdaman ko. Pero anong gagawin ko? Ipapa-alam ko ba sa kanya? Paano 'pag hindi niya ako gusto? Sigurado masakit yun.

"Penny for your thoughts?" Hindi ko namalayan na nakatigil na pala kami. Lumingon ako sa paligid. Hala! Nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Hala sorry nandito na pala tayo." Akmang bababa nako pero pinigilan niya ako.

"Ako na." Bumaba siya ng kotse niya at umikot para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." Nakangiti kong sabi. Tumango lang siya at pumasok na ako ng bahay nung umalis siya.

"Acel anak, kakausapin ka daw ng Papa mo sa loob." Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Si Mama.

Nakangiti siya pero seryoso ang mga mata. Wait. Did they see Ven? Naku!

Kinakabahang pumasok ako ng bahay. Nakita ko agad si Papa na nakaupo sa harap ng TV.

"Pa andito na po ako." Mahina kong sabi.

Tumingin siya sakin at nakita ko ang seryosong tingin niya. Napalunok ako. Si Papa ay mapagmahal na ama. Spoiled ako sa parents ko dahil only child ako pero pag dumating na sa point na may nagagawa akong mali, my father is my disciplinarian. Hindi siya strict. Protective lang siya. Hindi din siya perfectionist, mahal niya lang talaga ako at gusto niya na habang hindi ko pa daw kaya maging independent, siya ang gagabay sakin.

"Sinong naghatid sayo?" Tanong niya sa authoritative na boses. By the way, strict manager daw siya sa company na pinagtatrabahuhan niya.

Umupo ako sa katabi niyang sofa. Si Mama nasa kusina ata.

"Si R-raven po Pa." Sagot ko.

"Raven Cannavarro?"

"Opo."

"Bakit ka niya hinatid?"

"Naawa po ata sakin gawa nitong paa ko. Tsaka he's my friend po Pa."

"I don't want you friend with him. Hindi mo ba siya kilala Acel? Napaka-basagulero ng batang iyon! Kilala iyong bully! Hindi ka ba natatakot sa kanya?"

"Pa, mabuti pong tao si Raven. Hindi po siya katulad ng iniisip niyo."

"Nabubulagan ka na Acel. Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga tao sa kanya? Delikado ang pagsama sa kanya. Malay mo may gang pala yun tapos napahamak ka. Maraming ibang tao jan Acel, humanap ka nalang ng ibang kaibigan. Hindi siya mabuti para sayo. Tsaka tingnan mo hitsura niya. Hitsura ba ng mabuting tao ang puting buhok? Nakayuniporme nga siya pero tingnan mo kung paano niya dalhin yun. Ayoko sa kanya. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Pero Pa--"

"Ano? Ipagtatanggol mo siya? Makinig ka sa akin."

"Pa wag ka naman pong judgemental. Kilalanin nyo po muna ang isang tao bago niyo siya husgahan. Hindi naman po makikita ang pagiging mabuti ng tao sa labas ng anyo niya kundi po yung kalooban niya. Pa give him a chance to prove to the people na mabuti po siya. Hindi yung nakikinig po kayo sa ibang tao."

"Walang sasabihing ganun ang mga tao kung wala silang patunay Acel. At hindi lang iisa ang nagsasabi! Naiintindihan mo ba?" Medyo tumataas na ang boses ni Papa at naiiyak na ako. Nasaan ang pagkakapantay-pantay ng tao kung may mga taong ang bababaw mag-isip.

"Pa, sabihin na po nating naging masama nga siya pero hindi natin dapat husgahan ang tao base sa mga ginawa niya. At tsaka ibang-iba po ang sinasabi niyo sa pagkakakilala ko sa kanya Pa mabuting tao po siya."

"Anu man ang sabihin mo Acel hindi na magbabago ang pasya ko. Layuan mo siya o ako mismo ang gagawa ng paraan para maglayo kayo." Tumayo at umalis si Papa. Ako nama'y naiwan dito at ang pinipigilan kong luha kanina ay bumagsak na.

***

Ginawa kong busy ang sarili ko para makalimutan ko ang sinabi ni Papa. Bakit ang judgemental niya? Nila?

Ibinuhos ko nalang ang atensyon ko sa scrap book na ginagawa ko nung naalala ko si Thea.

"Nakauwi na kaya yung lukang iyon?" Kinuha ko ang paldang sinuot ko kanina para kunin ang cellphone ko pero kinapa-kapa ko na wala dito.

"Nasaan na yun?" Tiningnan ko ang bag ko at kinalkal ang laman pero wala din.

"Hala saan napunta yun?"

*Knock!Knock!*

Binuksan ko ang pinto. Si Mama na tila malungkot, pero hindi halata dahil ang amo ng mukha niya.

"Anak pinabibigay ni.."

"Ni?"

"Ni Raven, Anak." Bigla ako nakaramdam ng takot dahil baka nakita siya ni Papa.

"M-ma.."

"Kanina pa niya yan binigay nung magkausap kayo ng Papa mo." Nanlaki ang mata ko. Narinig kaya niya kami?

Mukha namang nabasa ni Mama ang nasa isip ko.

"Mukhang narinig niya kayo. Medyo malungkot ata siya nung kinausap ako."

"Kinausap ka niya Ma?"

"Hindi. Nakiusap lang na ibigay ko yan sayo. Nahulog mo daw sa kotse niya."

"Ah ganun po ba?" Malungkot si Ven? I have the urge to hug and comfort him tonight. I don't want him sad.

"Nak, I don't want to confuse you, pero tandaan mo na walang taong tunay na nakakaalam ng tama o mali dahil kahit alam nating mali minsan ginagawa natin dahil dun tayo sumasaya. Kaya sana wag puro tama ang hanapin mo o ang sundin mo. Sundin mo ang puso mo at kung saan ka sasaya atleast kahit later on marealize mo na mali ka, sumaya ka naman." Ngumiti si Mama bago ako iwan na nakatulala sa sinabi niya.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon