"If you need anything don't hesitate to call me."
"Alright. Thanks." Isinara ko na ang pinto ng condo niya na pansamantalang akin.
Maganda ang condo niyang ito. Color black and white. A typical bachelor's pad. Kumpleto ito sa gamit. May flat screen TV sa kwarto at sala. Sa kitchen naman kumpleto din lalo na yung ref, ang daming laman.
"Oh piattos!" laking tuwa ko nung makakita ako ng Piattos. Namiss ko ito. Pinagbawalan kasi ako ni Manager na magkakain ng ganito kasi maalat daw. Hmmp! Ang sarap kaya.
Inilibot ko ang mata ko sa buong bahay. Malaki ito for one person pero balak pa niyang pag-isahin ito at ang condo niya sa kabila? Anong gusto niya gumawa ng mansyon sa gitna ng building?
"Hay ang sakit sa paa!" Inalis ko ang pumps ko at naglibot pa sa bahay ng naka-paa habang bitbit ang piatos at isang C2.
May second floor ito pero sabi niya bakante daw yun. Wala kasi siyang maisip na ilalagay dun. Eh sa laki ba naman nito mauubusan ka talaga ng idea. Pero kung akin ito gagawin ko itong music room.
"Wow!" Totoo ba ito? Ang kaninang sinasabi kong music room ay nagkatotoo.
"Diing!" Pinindot ko ang isang tiklado ng grand piano sa gitna.
"Sound proof ba dito? Testing nga. RAVEN!!" Nag echo ang boses ko pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Pader lang naman ang hati nito pero hindi niya narinig yung sigaw ko.
"Sound proof nga." Sabi ko.
Napansin ko ang gitara sa tabi ng keyboard.
"May grand piano na may keyboard pa? Kung sabagay nagba-band sila before." Kinuha ko ang gitara at umupo sa carpeted floor.
"Bago ba ito?" Mukhang bago pati amoy kahoy pa.
*strum! strum! strum!*
I am here, in the new but old memory..
"Ay ang charot! Ang comfortable naman dito." Humiga ako at niyakap ang gitara.
Madali akong nakaka-compose ng song kapag kumportable ako sa lugar.
"This will be a great working area." Nag strum na ulit ako at nag-try sundan ang first line na nasabi ko kanina.
***
"Ms. Acel this will be your office. Si Sir na daw po yung mag-papakilala sa inyo sa magiging secretary nyo." Umupo ako sa swivel chair.
Hay bakit naman kailangang kaharap ng office ko ang office niya? Paano ako makakapagtrabaho ng maayos nito?
"Ah okay. Thanks Aiza." Nagpaalam na siya at ako nama'y tumunganga na. Ano ba kasi gagawin ko ngayon? Mula nung naging 'acting' partner niya ako wala na akong ginawa kundi tumunganga. May ginagawa naman ako. Pinabasa niya sakin yung mga ilang files kaya medyo naiintindihan ko na ang flow ng business niya. Pati yung training ko dati, nagawa ko naman ng maayos.
Nagla-laptop ako ng makita kong dumating na siya. Napatingin siya sa pinto ng office ko habang kausap si Aiza pero alam ko namang hindi niya ako makikita. Tumango siya kay sa secretary niya bago pumasok sa office niya.
Kahit magkapit bahay na kami pinipilit ko paring mauna sa kanya. Hindi nga ako lumalabas sa condo kasi baka magkasabay kami sa elevator or baka magkasalubong kami. Hindi ko pa rin alam kung paano ko siya haharapin. Oo, nakapag-uusap na kami pero hindi ko parin maiwasang mailang.
Natauhan ako nung biglang may kumatok.
"Come in." Tiningnan ko yung pumasok.
"Ms. Acel pinapatawag po kayo ni Sir." Sabi ni Aiza.
Ito na nga bang sinasabi ko eh. Ayaw ko nga kausapin eh pero pinapapapunta naman ako sa office niya. Ano bang gagawain ko sayo uwak?
Ngumiti lang ako at tumango.
"Pinatawag mo daw ako?" Bigla akong natigilan may kausap kasi siyang babeng naka red fitted dress. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita nag mukha niya.
"O Ms. Montenegro, have a sit." Turo niya sa upuang katapat ng upuan nung babae. Sumulyap siya ng tingin dun sa babae bago umupo din.
"So Nichi.." Panimula niya.
Nichi. Nagtayuan ang balahibo ko.
How my name sounds so beautiful when he say it?
Ay baliw! Ano ba Acel?!!
"This is your new secretary." Pakilala niya sa babaeng kaharap niya. Tiningnan ko ang babae.
"Desiree?" Gulat na sabi ko.
"Hello Acel!" ^___^
-------------------
MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!
