Chapter 32: Proving Himself

45 1 0
                                        

Kanina pa ako paikut-ikot at hindi mapakali.

"Bakit naman Ma ang tagal nila mag-usap?" Tinulungan ko si Mama na ilagay ang spaghetti sa lamesa. Like what they'd plan before magkakaroon ng munting salu-salo dahil debut ko kahapon.

Hays, ganito ba talaga kapag 18 ka na? Mafi-feel mo na talaga ang problems at yung parang--argh! I can't pick the right word to describe it. Shocks!

"Acel ikaw'y magrelax na. Maya-maya pa'y darating na ang mga bisita mo napaka-haggard mo na. Mag ayos ka nga bg sarili mo. Tingnan mo iyang buhok mo, suklayin mo naman." Utos niya habang naglalagay ng cheese sa ibabaw ng spaghetti. Yum!

"Tapos, wag mong isipin ang Papa mo at si Raven. Magtiwala ka sa Papa mo. Ginagawa niya lang iyon para protektahan ka." Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Mama. Tiningnan ko siya sa mata pero naging mailap ang tingin niya.

"Ma. Anong gagawin ni Papa?" Kinakabahan kong tanong. I know my father. He always do what he thinks is right. Oo madalas para sa ikabubuti ng lahat ang ginagawa niya pero may mali sa mga actions niya. Bias kasi siya sa pagdedesisyon. Mas papaboran niya ang mga taong malapit o mahalaga sa kanya.

Ang ikabubuti ng lahat na lagi niyang sinasabi ay hindi para sa lahat. Para lang iyon sa sarili niya o kaya sa mga taong pinapaboran niya. Tamang desisyon, maling action--ganun siya palagi.

Naalala ko minsan ang sinabi niya nung lasing siya:

"Marrying your mom is the best action I did."

"Anak magtiwala ka lang." Mahinahon niyang sabi.

"Ma, paano ako hihinahon? Kilala mo si Papa. Alam mo kung ano ang mga baluktot niyang pamamaraan. He do something that will surely hurt someone in the end in return of the satisfying feeling he will get."

"Hindi ganun ang Papa mo Acel. Ginagawa niya yun dahil gusto ka niya sumaya."

"Pero Ma naman. Paano niya malalaman na magiging masaya ako if hindi niya ako tinatanong?"

"Dahil anak ka niya. He knows you very well Acel Nichi. Kahit hindi mo sabihin, we feel and we know it. Sa amin ka galing. That's what you called parental instinct and I never fail in that."

Iniwan ako ni Mama para abangan ang mga bisita ko. Naunang dumating si Thea at Cy.

"Best I'm really sorry. Hindi ko naman kasi alam na hindi ka umuwi kagabi, bigla ka kasi nawala. Naawa ako kay Tita nung hinanap ka niya sakin. I lied to them twice and ayoko na sana dagdagan pa yun. They became my second parents."

Every time na hindi ako umuuwi or naka-uwi ang tinatawagan nila ay si Thea at kagabi nga tinawagan nila siya. At nung malaman nila na hindi kami magkasama nasabi niya na baka kasama ko si Ven, which is tama naman. Siguro kaya siya nagao-sorry kasi akala niya galit ako? Well nung una oo. Pwede naman kasi siya magdahilan, pero na-realize ko na wala naman siyang ginawang mali. She just tell where she thinks I am.

"It's no big deal Best. Sorry hindi ako nakapag-paalam kasi bigla ako hinila ni Ven eh."

"Speaking of Raven. Acel, you missed it! You missed it last night!" Naguluhan ako sa sinabi ni Cy.

"Ano? Anong namiss ko?"

"He did a biggest change on his life last night." Proud siyang nakangiti. Lalu namang kumunot ang noo ko at tiningnan si Thea. Ganun din ang reaksyon niya.

"I won't tell you. You should be there. Siya nalang ang tanungin niyo." Lalo siyang ngumiti. Nakaka asar naman! Ano kaya yun?

***

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon