"WHAT?" Gulat na tanong ni Vince kay Manager Kim. Kahit ako ay nagulat pero hindi ko parin maiwasan na maging masaya.
"There's a big project for Acel here in the Philippines, Mr. Eun Choi is the one who contacted me about this." Paliwanag pa ni Mgr. Kim.
"But why urgent? I mean, I thought we're just here because of the concert and her 3 days vacation. We supposedly leave tomorrow!" Pinakalma ko si Vince.
Umpisa pa lang kasi ayaw na niya pumunta dito, for him South Korea is our home. Yun din naman ang tingin ko eh. Nandun yung bahay at mga ari-arian ko plus yung trabaho ko but then I won't deny na gusto ko pa rin ang Pilipinas kasi my parents are living here.
"I understand you also have a life in Korea but this isn't about you Vincent. You, being a lawyer of EC entertainment is out of her job! You don't need to stay here for the whole time of her project, if you want you can leave us here. We don't need you here!" After Mgr. Kim said that she stormed out of my room.
Tiningnan ko si Vince. Nangangatal siya sa inis.
"Hey relax. Uminom ka muna." Inabot ko sa kanya ang tubig na binigay sakin ni Jiji kanina.
"I can't leave you here Acel." Sabi niya sakin.
"Vince, okay lang ako. Wag mo na ako isipin. I can take care of myself tsaka I still have my girls here." Turo ko kila Jiji at Eunie na tahimik na naka-upo sa couch. Tumango lang sila.
"Hindi naman yun yung inaalala ko Acel eh. Ayokong nasasaktan ka. At habang nandito ka sa Pilipinas mas prone ka na masaktan. Remember, nandito yung mga taong nanakit sayo before."
"Vince wala na yun. Hindi na ako yung dating Acel na naïve. Tsaka I am here for my career, hindi dahil sa kanila.Trust me Vince, let me do this please?"
Hindi siya sumagot pero alam kong hindi niya ako matitiis.
Like his plan bago kami magpunta dito sa Pinas, after ng concert at 3 days vacation ay babalik na siya ng SoKor. Ayaw man niyang umalis ay wala siyang magagawa. Corporate lawyer siya ng EC entertainment, hindi body guard ko at isa pa pinababalik na siya doon nung isang araw pa kasi may problema ata, kaya kahapon lumipad na siya pabalik ng Seoul.
"So Acel you have a contract signing to one of your endorsement company later so we need to get ready." Paalala ni Mgr. Kim pagkatapos namin kumain.
"What brand?" Tanong ni Jiji.
"Forever 21." Sagot ni Manager.
"After that we have a meeting to one of the big bosses of C&G Corporation. They are your biggest project here." Tumango nalang ako. Hindi naman kasi familiar yung C&G na yun.
***
Mabilis natapos ang contract signing sa forever 21. Next week may photoshoot ako para sa bago daw nilang billboard. Then ang next stop namin ngayon ang C&G corporation.
"Wow! I never thought that there has this big building here in the Philippines." Bulalas ni Jiji pagkababa namin ng van. Tama siya, kahit ako'y napahanga sa laki nitong building na ito.
"Based on my research C&G has many fields." Napatingin kami kay Eunie na hawak ang tablet niya.
"They have chains of hotels and restaurants around the world, they also have malls and the fruits and vegetables they sell on their supermarket are came from their own farms, they are one of the dealer of luxury cars like Ferrari, Porsche, Volkswagen and the likes. They---"
"Stop!" Pinatigil ko na siya.
"Okay I think I got it. So this C&G is the best Company here in the Philippines?" Tanong ko.
"Absolutely!" Nakangiting sagot ni Eunie.
"So now you know why Mr. Choi Eun wanted this project for you." Singit ni Manager Kim. Tumango ako.
Wow! Bigatin nga itong kumpanyang ito. I never thought na magta-trabaho ako sa kanila. Pero teka, ano bang trabaho?
"Good morning. I'm Kim Ga Eul from EC entertainment from South Korea, is the CEO up there?" Tanong ni Mgr. Kim sa reception officer. Magalang naman siyang sinagot ni Ateng nasa reception. Kanina pa daw pala kami inaantay ng CEO.
"Okay thank you." Ngumiti ako kay Ateng maganda pagkabigay samin ng Visitors I.D at sinabihang umakyat sa 20th floor.
"I really love Filipinos, they are so pretty and hospitable." Nakangiting sabi ni Eunie pagkasakay namin ng elevator.
"Hey, proud Filipino here!" Kumaway ako sa kanya.
"Yes you are." Natatawa nalang kami sa loob ng elevator.
May mga pumapasok na employees at nagpapa-picture pa sila sa akin pag nakikilala nila ako.
"Ang ganda-ganda mo talaga Acel. Nakakainggit ang kutis." Sabi ng isang employee. Nginitian ko siya at sinilip ang I.D niya.
"Ikaw din naman Francine. We are all beautiful, because we are His masterpiece."
"Oh gosh! Bakit gumaganda ang pangalan ko pag ikaw ang nagsasabi?" Namumula na siya sa sobrang tuwa.
Nichi
Napa-iling ako. Ayaw ko din ng second name ko kasi maraming nagkakamali sa pag pronounce nun. Madalas 'Ni-ki', lalo pag bago lang nila ako nakikilala. Pero si... hay! -___- Fine, I'll say it. Pero si Raven, una palang tama na ang pagkakasabi. At siya lang ang bukod-tanging tumatawag sakin ng 'Ni-chi'.
Many people say your name.
But only one makes it sound so damn special."Maganda naman talaga ang pangalan mo. Francine."
"Ang ganda nga ng pangalan ko, ang pangit naman ng tawag nila sakin dito. Eseng! Porke ba maintenance lang ako dito?" Nakanguso niyang sabi. Umiling ako.
"Marangal na trabaho ang maintenance so wag mo yang maliitin. Tsaka hindi naman makikita sa uri ng trabaho mo at pangalan kung anong uri ka ng tao, and kung i-judge ka nila base dun who cares? Remember that you know yourself better than them."
(T^T)
"Wow! Hindi ka lang maganda. Ang bait mo din. Paselfie pa nga ng isa." Natawa ako nung iniharap niya ulit yung cellphone niya sa kin.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa 20th floor. Inihatid pa kami ni Francine kasi may lilinisin daw siya sa floor na yun.
"Bye Ms. Acel. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito." Nagwave na siya at umalis na.
"Looks like you found another friend." Pang-aasar ni Jiji.
"What else is new Ji Eun? She's everyone's friend." Sabi pa ni Eunie.
"Whatever." Pabiro ko silang inirapan at sumunod na kay Mgr. Kim na kausap ang secretary ata ng CEO.
Ang gaganda naman ng mga empleyado dito. Sigurado lalaki CEO dito tsaka may lahing Chinese. Sa laki ba naman ng business niyang ito, tinalbugan sila Henry Sy.
"Let's go Ms. Everyone's friend. You're daydreaming again." Naiiling na sabi ni Jiji habang hinihila ako papasok sa glass door na malaki.
"Sir nandito na po ang mga taga-EC entertainment." Magalang na sabi ni Ateng secretary sa lalaking nakatalikod.
Bigla akong kinabahan nung narealize kong familiar yung lalaking ito.
Siya ang CEO? Bakit ang bata?
At hindi nga ako nagkamali. Bata at kilala ko nga ang lalaking ito nung humarap siya.
"Mr. Cannavarro." Bati ni Mgr. Kim bago makipagkamay sa lalaking nakatingin lang sa akin.
Si Raven talaga ang CEO nito?