"So you mean is he is the new owner of EC?" Gulat na tanong ni Eunie habang naka-turo kay Ven na naka-akbay sakin.
"Yes. I am and from now on be sure to come after your boyfriend again. I will allow every artists to have their personal life as long as it doesn't ruin your career." Nakangiting balita ni Ven tapos kiniss ako sa noo.
I am happy is an understatement. Sobra pa sa pagiging masaya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako na-bless ng ganito pero kahit ano pa man yun sobra akong thankful. Naging mahina man ako at natakot, nagpapasalamat ako na naging malakas si Ven for the both of us.
"Aww.. how I wish he still wants me back. I destroyed him and if he don't need me anymore.." Yumuko si Eunie at medyo garalgal na ang boses bago magpatuloy. "I will accept it. Like what Taylor Swift said on her song Back to December, 'If the chain is on your door, I understand.' I need to face all of the consequences of my decision."
Nagkatinginan kami ni Jiji. Hindi biro ang pinagsamahan nila ni Jung Kook. Matagal na sila, ang alam ko ay marami na ding problema ang nalampasan nila at nakakalungkot na isang rule o kontrata lang ang nakapagpapahiwalay sa kanila.
"Nalulungkot ako for Eun Neul." Umupo ako sa sofa habang nagtatanggal ng sapatos ko. Umupo din sa tabi ko si Ven.
"Malalampasan niya yan. Base sa mga sinabi niya kanina nakita ko na she's strong. And I know something about Jung Kook, he is proud of Eun Neul since he is a trainee of some entertainment company. That only proves na mahal nila ang isa't-isa. They will survive it Boo." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ay hinalikan ang knuckles.
"Ikaw na ang magaling mag-intindi ng nangyayari." Pabiro ko siyang itinulak sa mukha bago tumayo.
"Mag-order nalang tayo o magpapaluto ako ng food?" Tanong ko bago lakasan ang heater. Malamig kasi winter.
"You wanna go outside?" Tanong niya.
"Nah. Masyadong malamig Ven tsaka pagod na ako." Sinimagutan ko siya.
"Okay then magpaluto ka nalang. I want to taste the foods you are eating here." Ngumisi siya.
"Wala namang bago sa mga pagkain na kinakain ko dito at ang foods sa Pinas. Filipino ang cook ko." I winked at him.
"Filipino?"
"Yup. Si Vincent." I laugh nung sumimangot siya.
"From now on I am the only one who will cook your foods. Arasso?"
I smiled. I really love this possessive boy
"Neh. Arasso."
***
"Finally!" Thea beamed at nagpapa-palakpak.
"Sa wakas! Binata ka na Dude!" Nag-fist bump si Dy at Cy.
"I am happy for the both of you Acel!" Niyakap ako ni Pres.
"Inuman na! Let's party!" Sabi ni Royce na may hawak na bote ng whiskey.
Umuwi kami kahapon ni Ven para ibalita sa mga kaibigan namin na 'kami' na. Akalain mo yun? After all the hide and seeks, at misunderstandings kami pa din pala. Sana siya na talaga. Siya lang naman ang pinangarap ko ever since eh. I may not admitted that before, but all my actions shout it.
"Acel..." Napatingin kaming lahat sa likod.
"Erika." She smiled bago ako yakapin.
"I'm happy for the both of you PRO." Bulong niya. I hugged her too. After ko makita ang kissing scene nila ay aminado akong nainis ako sa kanya. She's my friend pero inisip kong katulad din siya ng iba na nakiki-close lang sakin para mapalapit din kay Ven. Pero sabi ko nga, everything is just a misunderstanding. Dahil sa maliit na misunderstanding na yan nagkanda-leche leche kaming lahat.