Chapter 25: Stay Strong Acel

59 2 1
                                    

Umupo din siya sa sahig katabi ko. Hindi ako makagalaw. After 2 long years, nagkita na naman kami.

"Kamusta?" Tanong niya.

"Okay lang." Sagot ko. Okay nga lang ba? Ngayong nakita ko na naman siya biglang bumalik lahat ng nakaraan.

"It's been two years pero mukhang--"

"Ikaw ba nagpakulong sakin?" Pinutol ko na ang sasabihin niya. I don't want to hear anything from him kasi his words are like a knife. It cuts so deep.

"Oo. I want to talk to you." Sabi niya.

"Two years gone like a wind right? Everything passes so quick. I became more popular and you became... you."

Hindi na ako makapagsalita. Prepare yourself Acel. Stay strong.

"Masaya ka na ba? Did you moved on from everything?" Tumingin siya sa akin na parang binabasa ang iniisip ko. Pero buti na nga lang hindi niya yun kayang gawin kundi baka malaman niya kung gaano ko siya pinapatay sa isip ko.

Tumawa siya nung hindi ako sumagot. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Siguro nga you moved on. How nice is it? Mabuti ka pa." Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harapan ko.

Umalis kanina yung mga tao kaya kaming dalawa nalang ang nandito. Oo nga pala, inilipat namin ang booth namin sa isa sa mga classrooms dito sa school kaya walang makakarinig sa kung anu man ang pag-uusapan namin.

"Samantalang ako. I distracted myself from what happened by doing a good job in showbiz pero look where am I right now. Still talking to a past."

"Sabihin mo na kung anong kailangan mo at pwede ba tantanan mo na ako?"

"Leave you alone? You must be kidding me. How can I leave you alone if you're the reason why I am still miserable? If you're the reason why I can't moved on!"

"You killed him." Napapikit ako nung marinig na naman iyon. At dun na bumalik ang lahat. Lahat ng sakit!

Napaiyak ako. No! I didn't!

"You killed my brother. You killed Martin! You killed him!" Sumigaw siya.

"Hindi!" Tumayo ako at umiyak.

"I didn't killed him. He killed himself!"

"That is because of you! He killed himself dahil isa kang malaking paasa!" Galit na galit siya at namumula na ang mukha tulad ng mga nakikita sa mga pelikula niya kapag galit siya at frustrated siya.

"You give him false hopes."

"I didn't. Una palang sinabi ko na sa kanya ang limitasyon namin. Sinabi kong kaibigan ko lang siya. Napaka-bata pa namin. Hindi ko kayang suklian ang kung ano man ang nararamdaman niya. I'm just 15 back then." Humihikbi na ako.

Martin committed suicide after he confessed and being rejected. 15 years old palang ako samantalang 18 na siya. I treated him as my brother since I don't have any siblings. But all my care and sweetness for him was misunderstood lalo na nung sinabi niyang mahal niya ako.

Sinabi ko sa kanya na kuya lang ang pagtingin ko sa kanya. It was a brotherly love from the beginning. Nasaktan ako dahil nasaktan ko siya. Mahalaga siya sa akin e, pero ayokong maging sinungaling sa nararamdaman ko.

After that day nalaman namin na nagpakamatay siya. He shoot himself. And his family especially Jacob blame it on me. Walang nakitang suicide note kaya until now they hate me so much. Hindi ko naman sila masisisi. I know it's also my fault dahil naging careless ako sa feelings niya. Siguro nga. Siguro nga tama si Jake. I give him false hopes. I killed him.

"Ngayon, parehas na tayong walang Kuya. No one would care for me like the way he did when he's still alive. Kinuha mo iyon sa akin. Madamot ka." Sabi niya habang naka yuko. Umiiyak na din siya.

Umalis na siya at padabog na sinara ang pinto nitong rehas ko.

Umiyak nalang ako. Ito naman talaga ang alam kong gawin eh. Ang umiyak. Ang umiyak na parang walang bukas.

"I'm sorry Mart! I-i'm so sorry!"

Nakaramdam ako na may yumakap sakin.

"It's okay Best. Everything will be alright." Sabi ni Thea habang niyayakap ako ng mahigpit.

***

*Cyrus's POV*

"Kamusta na daw si Raven 'tol?" Tanong sakin ni Dylan. Tiningnan ko si Acel na natutulog dito sa clinic. Ewan ko ba, twing maririnig ko ang pangalang Raven napapatingin ako sa kanya. Tapos naaalala ko pa si Raven sa kanya. Ganun din kaya tingin sa amin ni Thea?

"Wala akong balita Dude. Mula nung nag-usap kami hindi na siya ulit nagparamdam."

"Baka nagso-soul searching." Sabi ni Dylan.

"Kung nagso-soul searching siya dapat nandito siya sa tabi niya. Hindi yung magpapaka-emo na naman siya."

"Malay mo Cy naguguluhan talaga siya. Hindi biro pinagdadaanan niya ngayon, hayaan nalang muna natin."

"Palagi naman eh. Pero alam mo kahit anung angas niya ang sarap niyang bugbugin. Obvious naman siya eh. Siya lang talaga ang nagpapagulo ng sitwasyon."

"Hala pabayaan mo na nga lang. Pero Tol nakaka awa pala si Acel ano?"

"T*ngna tumahimik ka baka marinig ka." Sabi ko sa babaerong madaldal na ito.

Nakita at narinig namin ang pag-uusap nila Acel at nung Jacob kanina. Hindi din biro ang pinagdadaanan ni Acel. Iyak siya ng iyak kanina at palaging sinasabing "sorry Martin" hanggang sa nakatulog siya.

Kami muna pinagbantay ni Thea sa kanya. At dahil mahal ko yung sadistang babaeng iyon, ayun pumayag na ako dahil pumayag siyang lumabas kami after ng battle of the band sa friday. It's our first official date mula ng nanligaw ako.

"Asan si Thea?" Nagbalik ako sa katinuan ko nung magsalita si Acel. Gising na pala siya. Tiningnan ko naman si Dylan. At ang walang hiya! Tulog! Sarap ihulog. Tss.

"Ahh nasa labas. Inasikaso lang saglit yung mga booth." Sagot ko. Natulala naman siya at hindi na nagsalita. Maya-maya'y bumaba na siya sa hospital bed.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko. Tumingin siya at ngumiti. T*ngna! Halatang made in China ang ngiti. Anong nangyari kay Acel?

"Kakain. Hindi pa ako nagla-lunch." Tumingin ako sa wall clock na green. 2:47 PM na. Naku patay ako nito kay Raven!

"Eye her for me for awhile. Don't let her skip her meals or else.."

L*ngya patay na!

"Amm.. tara samahan na kita." Tumayo ako.

"Naku hindi na. Baka hanapin ka ni Dylan. Tsaka gusto ko sana uhh.. mapag-isa." Halos bulong nalang yung huli niyang sabi.

Tumango nalang ako.

"Okay. Pero Acel wag mong solohin yan ah? Baka kasi sumabog ka nalang. Tandaan mo na nandiyan si Thea at kaming mga kaibigan mo. Tutulungan ka namin."

Ngumiti ulit siya sabay patak ng luha niya. Agad naman niya iyon pinunasan.

"Maraming salamat Cy. Boto ako sayo. Ingatan mo si Thea ah?"

"Hindi mo kailangan sabihin yan Acel. I'm bound to protect her."

"Good. Mauna nako." Tumango ako.

"Cheer up Acel."

"Thank you Cy."

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon