Chapter 26: He's back

57 1 0
                                    

*Dylan's POV*

"Woah! Welcome back bro!" Nakipag fist bump lang siya at tumingin kay Acel na ngayon ay nakatulala.

"Sinabi sayo ni Cy?" Tanong ko.

"Dumating ba ulit yung lalaki?" Tanong niya habang nakatingin parin kay Acel.

"Hindi na pero ganun parin si Acel. Laging nakatulala. Puntahan mo kaya." Tinulak ko siya ng konti pero hindi siya gumalaw.

"Mamaya na. Nasaan si Cy?"

"Kasama ni Thea sa jail booth." Tumango lang siya at lumabas na. Langya! Ano? Ako ang baby sitter ngayon ni Acel? Psh. Buti nalang gwapo ako.

*Acel's POV*

It all came back. Napapanaginipan ko na naman siya. Ang pag-iyak niya, ang pagtawa niya lalung-lalo na yung hitsura niya nung nireject ko siya.

Kasalanan ko nga. Sana nireject ko nalang siya in a nice way hindi yung ang rude nung pagkakasabi ko.

"Ayoko sa'yo. Hindi kita mahal."

Siguro kung nabubuhay pa siya ngayon kinantahan niya ako ng..
why you're got to be so rude~

Hay! Pero wala na. Nangyari na eh. Wala na si Kuya Martin.

Tumingin ako sa paligid. Busy ang lahat ng kasama ko dito sa auditorium. Dito ulit ako inassign ni Pres, siguro dahil ayaw niyang maalala yung nangyari kahapon sa jail booth pero wala e. Kung ano pa yung mga bagay na gustung-gusto mo kalimutan yun pa yung mga bagay na lagi mong naaalala.

"Acel lunch break na. Tara na!" Ngumiti ako kay Dylan. Napansin kog kanina pa siya nandito. Hindi ba siya sumasama kay Cy? Sabagay magmumuka siyang chaperone dahil laging magkasama sila Cy at Thea.

"Sige tara. Nagugutom na nga ako e." Tumayo ako at inayos ang bag ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya habang naglalakad papuntang canteen. Tiningnan ko siya.

"Oo naman. Kailan ba ako hindi bag ng okay." Tumawa ako. Siguro sa tinagal-tagal na ng panahon namaster ko ng gumawa ng akala nilang totoong ngiti. Kailangan eh.

The hardest part of pretending to be happy is to be happy.

I need to show my fake smiles all over the years not to show to others that I'm happy, but to tell myself that I am.

Mas gugustuhin ko pang paniwalain ko ang sarili kong okay ako kesa sa isipin na hindi ako okay. It's a self pitty.

"Gago ka talaga Cannavarro!" Bumalik ako sa realidad nung marinig ang boses ni Thea. Nandito ba pala kami sa canteen.

At nandito na din siya.

"Tara sa kanila." Ngumiti lang ako at naglakad palapit sa kanila.

"Uy hi Best!" Nagbeso kami ni Thea.

"Ang hyper mo ata ngayon Best? Kayo na ba? Ha?" Tumawa ako habang inaasar sila ni Cy.

"Hindi ano?" Sagot ni Thea. Tumawa naman si Cy at inakbayan siya.

"Hindi pa. Pero malapit na." Pinisil niya ang pisngi ni Thea.

"Okey!! Nilalanggam na ako. Kumain na tayo!" Umupo na si Dylan kaya umupo na din kami. Magkaharapan kami ni Ven.

"Hello Ven, aga mo nagbakasyon ah?" Bati ko sa kanya na nakangiti. Nakatingin lang siya sa akin na parang may hinahanap sa mata ko saglit bago ngumiti din.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon