"Class I have an important project for you." Tumingin sa akin si Miss Geraldine, ang guidance councillor/ Values teacher namin.
"Sinasabi kong important ito kasi the result of this project will be printed on your year books."
"Tawagin nating Reflection paper niyo ito." Isinulat niya sa board ang word na 'Reflection'.
"Ang project nyong ito ay makatutulong not for others but for yourselves also."
"May kasabihan ngang 'First impression lasts'. At dito sa project na ito ay malalaman nyo kung tama ba yang kasabihang iyon."
"I'll assign you your partners. Itong mga partners nyo ay mga hindi nyo masyado close para may thrill. You need to do anything para makilala niyo ang isa't-isa, kung ano ang something na iyon ay sariling diskarte nyo na iyon. Sana seryosohin nyo itong project na ito. Any questions?"
Nung umiling ang lahat ay nagtawag na si Miss Ghe ng mga magkaka-partners at binigyan din ng sariling seating arrangement.
"Althea Alcatraz and Cyrus Dizon." Tinuro ni Miss Ghe ang unang column ng upuan sa 1st row. Umiling nalang si Thea at nag good luck sakin.
Nagpatuloy lang ang pag a-arrange niya habang kaming hindi pa natatawag ay nakatayo lang sa gilid at nag i-intay na tawagin kami.
Sana mabait yung maka-partner ko.
"2nd column, 1st row. Montenegro, Acel.." Tinuro niya ang upuan sa harap niya kaya lumapit ako dun at umupo.
"..and Canavarro, Raven." Narinig kong nag-gasp yung iba. Kanina ko pa rin naririnig na ayaw nila maka-partner si Raven kaya siguro ganun ang reaksyon nila.
Napatingin ako kay Thea sa gilid ko.
"WTF?" she mouthed. Nag kibit balikat nalang ako at tiningnan si Raven. Ready na ako sa violent reaction niya. Usually kasi nakikipagtalo pa yan kasi ayaw niya umupo sa unahan.
Nakaub-ob lang siya sa dati niyang upuan.
'Hay! ang tigas talaga ng ulo nun. Pinatatayo kanina hindi manlang tumayo. Simpleng instruction lang eh.'
Tinapik siya ni Dylan at may binulong. Nag unat siya at tumingin sa paligid niya, kay Miss Ghe at..sakin.
Naging matagal ang pagtitinginan namin. Natapos lang yun nung tumayo siya. Nagdala ng ingay ang upuan niyang umusod pagtayo niya. Kinuha niya ang backpack niyang mukhang walang laman at isinakbit sa kanang balikat niya. Ang bleached white hair niya ay magulo. Halatang bagong gising. Kuminang naman ang diamond earing niya sa kanang tainga nang dumaan siya sa may sinag ng araw. Ang polo niya ay nakabukas ang dalawang unang butones, at ang necktie ay nakasabit lang sa leeg niya.
Ipinasok niya sa bulsa ang kanyang mga kamay. Nagsitunugan ang chain na nakatali sa may bulsa niya. Naka agaw naman ng atensyon ko ang puting-puti niyang sapatos. He's definitely a delinquent. Actualy, siya at ang dalawa pang pugo. May mga sarili silang hair color. Kung kay Raven ay bleach white, kay Cyrus naman ay purple at kay Dylan ay rainbow.
Kung tutuosin ang pangit tingnan kasi mga estudyante palang sila pero masasabi kong bagay sa kanila. Gwapo naman kasi sila. Yung dalawang pugo nga laging laman ng pageants eh. Ang balita ko inaaya din nila si Raven but being Raven he refused.
Bumalik ako sa realidad nung tumunog ang upuan sa tabi ko at nakita ko ang lalaking kulay puti ang buhok na naka ub-ob sa lamesa niya.
'Tulog na naman?'
![](https://img.wattpad.com/cover/23927902-288-k671873.jpg)