Naiinis akong umakyat ng stage at napapagod na akong ngumiti na parang gusto ko itong ginagawa ko. Sinulyapan ko si Vince. Nakangiti din siya sa pagkamay sa mga bisita pero kita mo sa mata niya na malungkot din siya.
On the side of this room nakita ko si Jiji at Eun Neul. Si Jiji nakayuko lang tapos si Eunnie ay ngumiti ng malungkot sakin. Katulad namin nasasaktan din silang dalawa. Pinilit din ni Yi Min na maghiwalay si Eunnie at ang boyfriend niyang si Jung kook. Supposedly next year ay kasal na nila pero hindi na yun matutuloy dahil nakakulong na si Eunnie sa kontrata ng EC. Kung kay Mr. Eun Choi okay lang naman na magka-boyfriend si Eunnie pero dahil nabago na ang CEO pinapaltan niya ang mga contracts at pinagbawalan ang lahat na magka lover.
Si Jiji naman ay kitang-kita ko ang pag-iyak kahit nakayuko. Sino ba naman ang sasaya kung ang boyfriend mo ay ikakasal na? Oo, si Vince na at si Jiji pero dahil pa din kay Yi Min hindi na naman happy ending ang nangyari. Bitter yata yung bwisit na yun eh!
"Vince si Ji..." Napatingin din si Vince sa tinitingnan ko.
"Masakit Acel pero hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag hindi ako pumayag at mag-resign nalang, kakasuhan niya ako ng breech of contract. Ano nalang ang mangyayari sakin o samin kung ganun? Baka mahead line pa ako na isang prosecutor kinasuhan ng breech of contract. Baka tanggalan pa ako ng lisensya, sayang lahat ng pinaghirapan ko."
"I understand you Vince, lahat naman kasi tayo nakatali sa kontratang yun eh. Pag natapos talaga yun aalis ako dito." Sabi ko.
"Kasal na tayo nun Acel, wala ding nangyari."
"Pero hello! May divorce kaya dito sa Korea." Naalala ko tuloy ang sinabi ni Ven dati na kapag nagka-asawa na ako gagawa siya ng paraan para maghiwalay kami. Sana gawin niya parin yun.
Nakarinig kami ng pags-static ng microphone kaya napatingin kami lahat sa stage. Nandoon na si bwisit at nags-speech tapos maya-maya ay pinapunta na kami sa gitna.
"And we also invited you to Acel and Vincent's wedding!" Nagpalak-pakan ang lahat.
"Stop the party!" Natigil ang lahat nung may sumigaw mula sa likod. Hindi ko siya makita masyado dahil medyo madilim sa pwesto niya pero feeling ko kilala ko yung taong yun. Kilala siya ng puso ko.
At tama nga ako. Kilala ko siya. Kilalang-kilala.
"V-ven.."
"Cannavarro?"
Nakatingin ang lahat sa lalaking naka casual suit at diretsong nakatingin sa akin.
Naiiyak ako. Gusto ko siyang yakapin at sabihing mahal ko siya. Mahal na mahal.
Tumingin siya sa gawi ni Yi Min.
"I am Raven Cannavarro. I owned 80% of EC entertainment so I guess I should be the one who is on your place now." Naglakad siya papalapit kay Yi Min hanggang sa nagkatapat na sila.
"W-what did you say?" Gulat na sabi ni Yi Min.
"You heard me Mr. Yi Min Choi, I am the new owner of EC."
( ´°̥̥̥̥̥̥̥̥Д°̥̥̥̥̥̥̥̥`)
Gulat ako na nakatingin kay Ven. S-siya? Owner ng EC?
"I know you know all of this but you still do what you like doing. And now that I'm here I will put you ti your right place. The place where heartless like you should belong." Mula sa likod ay may mga dumating na pulis at kinaladkad si Yi Min. Nagsisigaw ito pero hindi ko na siya pinansin dahil nakatulala lang ako kay Ven.
Tumingin siya samin ni Vince. Hindi ako makagalaw nung lumapit siya. I saw the pain on his eyes habang nakatingin sa kamay ko. Napatingin din ako dito, suot ko ang engagement ring na pinasuot samin ni Yi Min.
"Ven.."
"You leave me...again." His last word cuts my heart.
"Ganun ka ba talaga? Kapag may problema aalis ka nalang bigla? Iiwan ako at eto? Magpapakasal ka sa kanya?" Turo niya kay Vince.
"Akala ko ba mahal mo ako? Ano yun trip mo lang? O baka naman gumaganti ka dahil sa nangyari dati?"
"Ang bilis mo naman sumuko Nichi. Hindi mo manlang naisip na naghintay ako ng limang taon! 5 effin years Nichi! Tapos konting misunderstanding lang aayaw ka na?"
Hindi ako makasagot sa kanya dahil iyak ako ng iyak. Hindi ko na pinansin ang mga tao, dahil mukhang hindi din naman yun napapansin ni Ven.
"Ayaw mo na ba talaga?" Mahina niyang tanong. I look into his eyes, nag-aantay siya ng sagot.
I shook my head.
"Eh bakit ganyan ka? Bakit mo ako iniwan? Bakit ka magpapakasal sa kanya?"
"Pare.." Singit ni Vince.
"I'm not talking to you Saavedra." Singhal ni Ven.
"Hindi siya makakasagot sa estado niya ngayon." Pilit pang sabi ni Vince.
"Shut the fuck u--"
"You shut up!" Itinulak ni Vince si Ven kaya napa-upo ito. Agad ko naman siyang dinaluhan.
Lumapit din sila Jiji para awatin si Vincent.
"Hanggang ngayon hindi ka parin marunong makinig Cannavarro. Tingin mo masasagot ni Acel ang mga tanong mo sa kanya ngayon? Look at her.." Turo ni Vince sakin.
"She's emotional. At alam mong kapag umiiyak yan ng ganyan hindi siya makapag salita tapos humihingi ka ng sagot? Ako ang kausapin mo. Ako ang sasagot sa mga tanong mo at kung pwede lang wag dito! Ang daming tao o? Sumunod ka sakin." Tumalikod na si Vince at naglakd pero bumalik ulit at kinuha ang kamay ni Jiji at sunama siya sa kanya.
***
"So that's the whole story." Sumandal si Vince at nag-cross arms matapos ikwento ang dahilan sa engagement namin.
Tumingin sakin si Ven.
"Bakit hindi mo sinabi sakin." Tanong niya.
"I was afraid na baka galit ka at wala ng pakialam sakin. And ayoko na din idamay ka." Medyo humuhupa na ang sinok ko dahil sa pag iyak kanina.
"Oo galit ako pero I still care about you. At kahit hindi mo sabihin, damat na ako dito. I am your boyfriend for someone's sake Nichi!"
"I-I'm sorry.."
"Mag-usap na kayo, mag-uusap din kami. Let's go Ji Eun."
Pagka-alis nila Vince at yumakap ako sa nakatalikod na si Ven.
"I-I'm so sorry Ven. Sorry dahil umalis ako, sorry kung iniwan kita, sorry sa pagiging selfish ko. Mahal na mahal kita." I sob on his back. Naramdaman ko hinawakan niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya.
"Shhh.. I love you too. Tahan na." He kissed my tears.
"Alam mo namang hindi kita matitiis." Niyakap niya ako at hinalikan ang ulo ko.
"I almost die nung nakita kong wala na ang gamit mo sa condo ko. At first akala ko lumipat ka lang ulit sa condo ni Saavedra, pero pagkarating ko dun ay wala ka kaya puna check ko agad ang airport at dun ko na-confirm na umalis ka na." Kwento niya.
"Susundan na dapat kita kaso nagka-problema sa isang branch ng hotel kaya na-delay ako pero nalaman ko sa boyfriend ni Erika na binebenta na ni Mr. Choi ang shares niya sa EC so I grabbed it." Umupo kami pero nakayakap pa din ako. Namiss ko talaga siya.
"So-sorpresahin dapat kita pero ako pala ang maso-sorpresa. Akala ko kanina ginusto nyo ni Saavedra yung engagement eh."
"No." Bulong ko sa dibdib niya. "Never Boo. Sayo lang ako magpapa-engage 'no?" Tumingin ako at ngumiti.
Ngumisi din siya.
"Talaga?" Tanong niya.
"Pero kung tatanungin mo ako ng walang singsing, manigas ka dyan." Tumawa siya.
"Darating tayo dyan Boo." And he kissed me.