Chapter 13: Masakit

74 1 0
                                    

Nag-aayos pa sila Pres at Thea sa kwarto namin. Nauna kasi akong make-upan kaya para hindi ako mabore pagtambay sa taas ay bumaba ako para uminom. Bigla akong nauhaw.

"Woah! Acel isda you?" Napa-atras si Royce nung nagkasalubong kami sa kitchen. Nakasuot siya ng white na longsleeves na tinupi sa may siko.

Nahihiya kong hinila pababa ang dress ko.

"You look beautiful." Namula ako sa kumento niya.

"Wag ka ngang ganyan. Nakakailang." Nahihiyang sabi ko. Kumuha ako ng juice sa ref tapos ininom ko, pero nandoon pa rin si Royce na nakatingin sakin.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan Royce. Okay ka lang ba?"

Para naman siyang nagulat bago sumagot.

"A-ah oo naman. Pero seryoso Acel you're so beautiful. Sino palang date mo?"

Sumandal siya sa may pintuan habang hawak ang glass of wine ata yun. Hindi na ako nagtaka kasi may cellar ang tito nya dito.

"Umm.. required ba talaga ang date?"

"Oo eh. Bar code nila. Yung mga walang date binibigyan nila ng dare na uminom ng 20 tequilas."

Napanganga ako.

"Seryoso? Paano yun hindi ako umiinom? Ikaw, sinong date mo?"

"Si Desiree. Tinext niya ako kanina eh. Sayang, if kanina pa sana kita nakita sana ikaw ang date ko ngayon." Ngumisi siya tapos tumitig sakin habang umiinom ng wine niya. Bigla ako kinabahan.

"Umm.. sige, aakyat na ulit ako." Lalampasan ko na sana siya kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko. As my initial reaction nagpumiglas ako.

"Don't touch me." I hissed. Naamoy ko ang alak sa kanya.

Lasing ba siya?

Nakangisi siya habang nakatingin sa mukha ko tapos unti-unting bumaba sa dibdib ko. Napaatras ako, siya nama'y humakbang palapit sakin.

"Wag kang lalapit Royce. Lasing ka." Atras lang ako ng atras hanggang napasandal ako sa pader sa gilid ng pinto. Tumingin ako sa paligid, walang tao siguro'y busy sa pag-aayos ang lahat. Nasaan kaya ang mga maid?

Lumapit pa sya lalo sa akin hanggang sa macorner niya ako. Nag-smirk lang siya at pilit na akong halikan.

"ROYCE!!! WAG!" Tinutulak ko siya at nagpupumiglas pero inipit nya ako gamit ang katawan niya.

"Stop-hmmmp! Wag!!!!"

"Sh*t! Get off her!"

Napahawak ako sa labi ko at nagulat sa mga nangyari. Ang nakita ko nalang ay nasuntok na ni Ven si Royce at nakahandusay na ang walang malay na si Royce.

Susugod pa sana ulit si Raven pero pinigilan ko na siya.

"Wag! Tama na." Hinawakan ko siya sa braso. Nanginginig siya at nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Royce.

"Oh my gosh what happen!!" Napatingin ako sa nasa may pinto na si Desiree.

***

"I'm really sorry sa inasal ng pamangkin ko hija. Ganyan kasi talaga siya pag nakakainom eh." Sabi ni Tito Calvin habang nakatingin sa natutulog ng pamangkin.

"You mean nanggagahasa siya pag nakakainom?" Sinaway ko si Ven na nasa tabi ko.

"Hindi naman sa ganon hijo. Hindi niya lang kasi alam ang ginagawa niya."

"Amm.. Okay lang po Tito, naiintindihan ko po." Sabi ko.

"What?!" Bumaling sakin si Ven. "You we're nearly raped tapos sasabihin mo okay lang?!" Galit na sabi niya tapos nag walk out na.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon