Chapter 10: Ven

69 1 0
                                        

Dalawang linggo na ang nakaraan since nagstart kaming mag getting-to-know-you ni Raven. I must say na tama ako. He's not that bad. He maybe a war freak outside but he's definitely gentle on the inside.

Nakita ko na ang soft spot niya and those are kids. Hindi ko inaakala na ang tulad niya mahilig sa bata. Nakita ko yun nung minsan ko syang nakita sa "Raven's Haven" na nakikipaglaro sa mga bata doon. At first, akala ko kaya nagtatakbuhan ang mga bata ay dahil inaaway sila ni Raven, pero yun pala nakikipag habulan lang sila.

"Okay Best, sauluhin mo na yang script mo dahil bukas mag shu-shoot na tayo." Inabot sakin ni Thea ang xerox copy ng story na ginawa niya. Bago siya tumalikod ay inirapan niya si Raven.

Hindi kasi siya pabor sa set up namin ni Raven. Kesyo baka daw binu-bully ako o di kaya mapahamak ako sa palaging pagsama ko sa kanya. Minsan nga naiinis ako sa kanya sa mga sinasabi niya kay Raven, pero hindi ako titigil hangga't hindi ko mapapatunayan na mabuti si Raven. Na tao din siya at may puso.

"Forever doesn't exists" Binasa ko ang title ng story ni Thea.

"Guys meeting tayo!" Sigaw ni Jen the President sa unahan. As usual ang buong officers ay nasa unahan na except sakin.

"Acel tayo ka na jan." Akmang tatayo na ako nung bigla akong hilahin paupo ulit ni Raven. Tumingin ako sa kanya ng nagtataka.

"Pwede naman siguro kayong mag meeting ng hindi na niya kailangan tumayo di ba?" Walang expresyon niyang tanong kay Pres. Tumingin sakin si Pres.

"May problema ba Acel?" Tanong nya. Hindi ko sya sinagot kundi tumingin ulit ako kay Raven.

"Blood." Sabi niya.

"Blood?"

Tinuro nya ang palda ko. (。ŏ_ŏ)

"May tagos ako?" Mahina kong tanong sa kanya. Ang mabuti sa set up namin ni Raven ngayon ay hindi na ako nahihiya sa kanya. He's like my boy best friend.

Tumango siya at saka tumingin muli sa unahan. Napansin ko pang namula ang pisngi niya. Siguro naiinitan sya.

"Uhmm Pres dito nalang ako pwede?" Tapos I mouthed "My tagos ako." Nagets naman nya kaya hindi na ako pinilit. Niyaya ako ni Thea sa CR, as usual siya na ang girl scout. Laging may extra.

"Ganun na ba kayo ka-close nung Cannavarro na yun?" Out of nowhere niyang tanong.

"Is it a bad thing?" Lumabas na ako mula sa cubicle.

"Yes. Kilala mo si Raven Besty. Don't you think ang pagiging close niyo ay maganda?"

"Ikaw na din ang may sabi Thea. Kilala ko si Raven. I know him more than anyone - syempre except Dylan and Cyrus. At sa pagkakakilala ko, he's no harm. Mabait siya Best. Give him a chance to prove himself."

Yun din ang sinabi sakin ni Ms. Ghe dati. Proving himself na nagbago na sya ay malaking impact para maka graduate siya. And I will do my best to help him for that.

"Yehey!!!" Isang nagkakagulong classroom ang binalikan namin ni Thea. Nakita kong tuwang-tuwang inakbayan ni Dylan si Raven samantalang si Raven naman ay naka-poker face lang. (-_-#)

"Anong meron?" Tanong ko kay Vincent na nasa may pinto. Isang linggo na din simula ng pumasok siya ulit, good thing na hindi na ulit siya pinagti-tripan nung tatlo. I guess nabalaan na sila ni Ms. Ghe.

"Si Cannavarro yung magiging lead actor sa kwento ni Thea." Sagot niya.

"What? Are they insane?" Linampasan ako ni Thea at inis na kinausap si Pres. Napailing nalang ako.

"Mukhang nagkakasundo kayo ni Cannavarro ah. Aren't you scared of him?" Nagulat ako sa sinabi ni Vincent. It looks like na ibang tao na ang kausap ko, hindi ang nerd na laging nauutal.

Kahit naguguluhan ay sinagot ko pa din ang tanong niya with such coolness, katulad ng pagkakatanong niya.

"Why would I Vincent? Mabait siya."

"May mabait bang halos pumatay na? Don't you forget? He almost killed me." Bulong niya na hindi nakatingin sa akin.

"Kung ano man ang ginawa niya I'm sure may rason siya. Based sa pagkakakilala ko sa kanya, may matindi siyang dahilan kung bakit niya yun ginawa." This time tumingin na siya sa akin at doon ko napatunayan. He's no longer the nerd Vincent.

Bumalik na lang ako sa upuan ko. Ewan ko, nakaramdam ako ng inis kay Vincent. Bigla na namang bumalik sa akin yung ginawa niya dun sa lalaki sa eskinita. Tama lang palang mainis ako sa kanya.

"Mababali na yang lapis mo." Simpleng sabi ni Raven habang naglalaro sa iPhone niya. Binalingan ko siya.

"Ven totoo bang ikaw ang lead actor ng--"

"What did you just call me?" Napatigil ako at pati siya.

"Ha?"

"Tinawag mo ba akong... Ven?"

"Uhmm bawal ba? Sorry Raven--"

"No. That's alright. Nanibago lang ako na may ibang pangalan na ako aside from Raven, bad boy, bully.. name it. Go ahead call me Ven. I like it." Ngumiti siya na parang ang saya saya niya.

"Sige.. Ven." (^u^)

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon