Chapter 48: The Q and A

37 2 0
                                        

Nagising ako nung may kumakatok.

Grrr! Sino ba ito? Grabe naman makapang-istorbo! Hindi ba niya alam na late na ako nakatulog? Psh!

Inaantok akong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok bago ulit bumalik sa kama ko at natulog. Wala na akong paki kung masamang loob siya basta makatulog lang ako.

"Good morning! Rise and shine!" May narinig akong boses pero hindi ko pinansin. Antok na antok pa talaga ako. ( ˘ω˘ )zZZ

Maya-maya pa'y may nararamdaman akong kumikiliti sa tenga ko.

"Ughh! Wag! Inaantok pa'ko!" Nagtaklob ako ng kumot.

"Wake up sleepy head!" Malambing na sabi nung kung sino mang makulit.

"Let me sleep. Get out."

"Aww get out talaga? Paano yan I trapped in your heart I can't go out?"

"Then kill me and open my heart. Just let me sleep!" Wala sa sarili kong sabi. Jusko! Kulitin mo na ang bagong gising wag lang ang taong inaantok.

Nakarinig na ako ng tawa. Tss! Ang ingay!

"Nichi pag hindi ka bumangon diyan.." Tunanggal niya ang kumot sa mukha ko. I felt air near my face.

"Hahalikan kita." Agad akong napamulat nung na-recognize ko ang boses na yun.

(⊙⊙)‼

"KYAAAAHHHH!!!"

Napabangon ako at binalot ang sarili ko ng kumot.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay sa kanya na halos magkalapit na kami ng mukha kanina. Kaya pala may hangin akong naramdaman eh, hininga niya pala.

Ngumiti siya bago umupo sa kama ko.

"Pinapasok mo ako." Simpleng sagot niya. Oo nga pinapasok ko siya pero bakit siya nasa kwarto ko?

"At pumasok ka naman! Lumabas ka nga mag-aayos lang ako. Hay! Ano bang hitsura ko?" Pabulong kong sinabi ang last sentence.

"You always look good Nichi. Wag ka nang mahiya sa akin." He said with a smile.

"Whatever babo! Get out, mag-aayos ako." Medyo tinulak ko siya pero langya naman ayaw patinag!

"Babo? Isn't that mean stupid? You just call me stupid?" Ngumiti siya ng nakakaloko bago unti-unting lumapit sa akin.

"A-anong ginagawa m-mo? B-bakit ka lumalapit? H-huy! E-expression ko l-lang yung babo. W-wag kang l-lumapit. Ven naman eh!" Pinagdikit niya ang mga noo namin. Shocks! Ano bang hinithit nitong uwak na ito?

"Your breathe smells so good even you just woke up." He said in a husky voice. Gosh! Ano bang ginagawa niya?

"V-ven---"

Pinutol niya ang sasabihin ko nung naramdaman kong mabilis na lumapat ang labi niya sa labi ko at mabilis din niya itong tinanggal. Smack kiss?

"Let's have a date. I'll wait you outside Nichi."

Iniwan niya akong tulala. D-did he just kiss me? At ano daw? Date?

Ganun nalang yun? Sinabi kong magpaliwanag siya pero parang tine-take advantage niya yun.

Dali-dali akong nag-ayos bago siya harapin na nasa sala at nanonood ng TV na never ko pang binuksan since I stayed here.

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya at ngumiti.

"Ang bilis mo naman mag-ayos. Tara let's have breakfast first." Pinatay niya ang TV bago kunin ang kamay ko, pero agad ko ding binawi.

Nagtataka siyang napatingin sa akin.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon