"..and ayun po umalis na siya kasama nila Cyrus at Dylan."
Napahawak si Ms.Gonzales sa kanyang ulo, ang guidance councillor. Ang bata pa niya pero ang laking problema ang binibigay sa kanya ni Raven.
"Hay! Sa totoo lang Acel matagal nang sakit sa ulo ko yang si Raven. And I'm sure this time magsasampa na ng kaso,ang pamilya ni Vincent sa board and I'm not sure kung this time makakatakas pa siya. Mabigat na kaso ang physical injury at napakalaking sira sa pangalan ng St. Claire High ito lalo pa't nangunguna tayo sa anti-bullying campaign." Huminga siya ng malalim.
"Bilang teacher niyo din, mas nag-aalala ako sa future ni Raven. He's graduating at sigurado akong masisira ang kinabukasan niya na pag na-expel siya. Malamang wala ng school ang tumanggap sa kanya."
"M-may maitutulong po ba ako Miss? Bilang PRO ng klase namin at siguro bilang classmate niya gusto ko po sana na sama-sama kaming ga-graduate kaya kung may maitutulong po ako sabihin niyo lang po at gagawin ko. Alam ko po sa sarili kong mabuti si Raven. Ginagawa niya yun dahil may dahilan."
"Ano namang dahilan yun, sa tingin mo?"
*Flashback *
Pauwi na ako sa galing sa paghatid kay Thea sa bus stop. Since walking distance lang naman ang bus stop sa bahay ay nilalakad ko nalang ito. Pati na rin twing papasok ako sa school sa umaga.
Sa isang eskinita may napansin akong kaguluhan.
"Si Vincent ba yun?" Lumapit ako ng konti pero nag tago ako sa likod ng isang gate na nakabukas.
"TAMA NA PO! MAAWA KA!" Hirap na hirap na ang tinig nung lalaki pero patuloy pa rin ang pagsipa sa kanya ng nerd kong kaklaseng si,Vincent.
Napatakip ako ng bibig ng makita kong naglabas siya ng ice peak at sinaksak sa hita ang lalaking puro dugo na.
"Siguro naman magtatanda ka na. Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo nang hindi mo nayayapakan ang sapatos ko." Hinubad niya ang sapatos niya na mukhang mamahalin at bago pa at ibinato sa lalaking hirap na hirap na.