Ilang linggo na mula noong debut ko and I can say na maayos naman ang lahat. Everything falls to it's places and malaki na ang improvement ni Ven. Minsan nga iniisip namin na kakambal niya itong kaharap namin pero sigurado ako na wala siyang kakambal, si Ms. Ghe na mismo ang nagsabi.
"Acel pinapatawag ka ni Ms. Ghe sa office niya." Sabi ni Royce pagkapasok niya. Napakunot ako ng noo at tumingin kay Ven.
"Hala ka maga-guidance ka." Panakot niya na may nang-aasar na ngiti.
See? Siya ba talaga si Raven Cannavarro na bully?
"Che!" Inismiran ko siya bago tumayo. I heard him chuckles kaya napangiti din ako.
Ang baliw talaga nun! >///<
Habang pababa ako ng hagdan nawala ang hagdan ko nung nakasalubong ko si Vincent.
"Hi Acel! Saan ka pupunta?" Nakangiti siya ng malapad.
Something's wrong.
Ngumiti din ako ng bahagya bago sumagot. I don't want to be rude.
"Ah hello. Sa guidance office, pinatawag ako ni Ms. Ghe." Hindi ko na siya inantay na sumagot at nagmadali na akong lampasan siya.
Hapung-hapo ako nung makarating sa office ni Ms. Ghe. Kumatok ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto.
"Ms. Ghe?" Nakita ko siya sa usual spot niya--sa may veranda.
Lumingon siya at ngumiti ng bahagya pero kita sa mata niya ang err---problema?
"Pasok ka Acel." Pumasok ako at pinaupo niya ako sofa sa gilid niya.
"May nangyari po ba?" Tanong ko nung ilang minutong katahimikan.
"Si Vincent." Panimula niya. Yumuko siya na parang ang lalim ng iniisip.
"He wants my baby bro to get in jail." Nanlaki ang mata ko.
"Po? Bakit daw po? Di ba po ang gusto lang nila ay i-expel si Ven? Bakit naman po lumala?" Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Ven na nasa likod ng rehas. Madiin kong pinikit ang mata ko at umiling.
"Marami daw kasing nagsampa pa ng kaso against sa kanya at sinabi niya na kung hindi makukulong si Raven, image ng school ang maaapektuhan."
"Eh di ba po pag-uusapan pa yan ng board? Antayin nalang po natin muna ang desisyon ng board."
"Sa tingin ko Acel mas papaboran ng board si Vincent at ang iba pang nagsampa ng kaso. Sino ba namang hindi kakampi sa mga biktima di ba?"
"Biktima? Sa ginagawa po nila ngayon si Ven ang biktima eh. Blackmail po yung ginagawa ni Vincent Ms. Ghe. Mali din yon. Tsaka bakit niya ngayon lang ito ginagawa? It's been four months since nung last na na-bully siya nila Ven."
"Hindi ko din alam Acel. Pero I have this feeling na he has something in mind. Ibang-iba ang Vincent na kausap ko kanina sa kilala kong nerd."
"Galing po siya dito?" Takang tanong ko. So dito siya nanggaling nung nakasalubong ko siya?
Tumango lang si Ms. Ghe.
"Kakausapin ko po siya Ms. Ghe." Determinado kong sabi.
***
"Acel durog na yang piatos mo." Napakurap ako at napatingin sa hawak kong piatos.
Oh no! Ang piatos ko! Huhuhu.
"May problema ba Nichi?" Nag-aalalang tanong ni Ven na nasa tabi ko.
"Ah wala naman. Bigla ko lang naalala na may nakalimutan akong gawin. Mauna na ako ah?" Hindi ko na sila inantay sumagot at dali-dali akong umalis ng canteen. I heard them calling me pero I have no time to look back.