*Raven's POV*
"The night na nalaman ng Papa mo na ako ang kasama mo nung nabaril ka agad niya akong kinausap..."
*FLASHBACK *
"WALANGHIYA KA!! Sinasabi ko na nga ba. You won't bring any good with my daughter!" Nakayuko lang ako habang tinatanggap lahat ng masasamang salitang sinasabi ng Papa ni Nichi. I deserve it. Kulang pa nga ito.
She brought out the best in me while I brought her to danger.
Tama sila. I am dangerous. I am bad.
Nangako ako kay Nichi na hindi ako magpapa-apekto sa sinasabi nila but f*ck! Ito na. Totoo naman lahat! The truth is in front of me already.
"I told you to stay away from her pero ang tigas ng ulo mo! Kapag may nangyaring masama sa anak ko ipapakulong kitang h*yop ka! Kung nauuto mo ang anak ko, ibahin mo ako." Pilit siyang pinapakalma ng asawa niya, ng mama ni Nichi.
"I'm sorry sir."
"The damage has been done. I will kill you if something happened to my daughter."
Iniwan na niya ako at ako nama'y nanlalambot na napaupo sa gilid.
"I'm so sorry." Hindi ko na alam pero for the first time I cried. I cried like there's no tomorrow. Natatakot ako, hindi sa Papa niya kundi dahil baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Hindi ko kakayanin yun!
She's the most important person to me now. I love her. Mamamatay ako kung mawawala siya.
Makalipas ang isang araw dineclare na stable na si Nichi.
