Chapter 35: Moving On

34 1 1
                                        

"Congratulations hija." Naiiyak na sabi niya.

"Thank you Ma'am." Ngumiti ako sa screen bago ito naging black.

I just finished my home school lesson for the week. Pinagko-close ko na ang mga windows sa laptop ko tapos isinara ko na ito.

Hay! Another stressful day for me, buti nalang last na ito ngayon makaka-hinga na din ako ng maluwag sa wakas!

*Knock! Knock!*

"Come in!" Sabi ko habang itinabi ang scrap book na kanina'y ginagawa ko.

"Hey Acel!" Napangiti ako nung sumilip si Vincent.

"Hello Vince!" Inilapag niya sa side table ko ang dala niyang junk foods.

"Kamusta?" Nakangiting tanong ko. Inayos ko ang kwelyo ng polo niya medyo lumukot na kasi.

"Eto! Nakaka-pressure maging valedictorian, ang daming gawain." Sumandal ako sa head board ko siya nama'y umupo sa edge ng kama.

"Kaya mo yan! Ngayon ka pa nagreklamo kung kailan last day na?" Natatawang biro ko.

"The heck! Mabuti nalang talaga at last day na I can't wait to wear my white graduation gown." Sumeryoso ang mukha niya na parang may naalala.

"I wonder how you look on that gown." Nakatingin siya sakin at nakita ko ang pain at guilt sa mata niya.

"Hey Vince." I touched his face.

"You may not see me wearing it, but I'll promise you to be the first one who see me in my black gown." College toga ang tinutukoy ko. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko tapos hinalikan.

"You know you still can go--"

"Napag-usapan na natin yan Vince." I said with a warning tone.

"I know Acel but I know you missed Thea and... and him." Kibit-balikat niyang sabi pero kita ko pa din ang pain.

Napapikit ako and again, I saw his face.

"Nakapag desisyon na ako Vince. Let's just stick to the plan." Ngumiti ako ng pilit at tumingin sa mga bag na nasa paanan ng kama ko.

"Are you sure you're ready? You know, I already let you go but--"

"But I keep coming back to you. It's my choice Vince. Sasama ako sayo di dahil you asked me six months ago, kundi dahil gusto ko. Ginusto ko ito Vince and whatever plan or threat you told me before, hindi na iyon kasama sa mga kinonsider ko sa desisyon ko ngayon."

Six months had passed. Madaming nangyari pero I think, ang pagsama ko kay Vince bukas after THEIR graduation ceremony is the for the best.

After the incident before, one thing had come to my mind. I need to go and move on. I need to leave, and be gone. It's for the sake of everyone around me. I guess I won't be needed here anymore.

Mula nung nabaril ako noong araw na iyon marami akong nalaman. I was unconscious for a month. Napasarap ang tulog ko eh. Just kidding! (*^^)v

But kidding aside mula nung nagising ako para akong taong napag-iwanan ng panahon. Everything changes, as in everything! Even him.

Papa put all the blame to him--to Ven. Sabi niya una palang tama na siya sa kutob niya kay Ven na he will never do good. Na mapapahamak lang ako sa kanya at masasaktan pero he respected my decisions kaya I ended up hurting.

Isa sa nalaman ko ay naging si Thea at Cy na. Matagal nang sila pero Thea never tell me about it. Nagalit ako sa kanya. I am her best friend pero ako pa ang huling naka-alam. Sila na pala a month bago ang gun incident na iyon.

"How the hell can I tell you if you we're always busy with Cannavarro?"

Nasampal ko siya nun. Pero I until now I regretted it, then after that she shouted:

"I regretted to have a selfish best friend like you. Go to hell!"

Now, I don't have Thea. I don't have a best friend.

After ng "break up" namin ni Thea, the same day nalaman ko na may girlfriend na si Ven--si Erika. O di ba? I get two heart breaks in just one day.

I saw them kissing on the chapel sa hospital kung saan ako naka-confine. They didn't saw me and thankful ako na hindi nila nakita kung paano nabasag ang ngiti at ang puso ko. That day kasi sasagutin ko na dapat siya pero buti nalang din hindi ko ginawa kasi nalaman ko kay Papa na not even once, hindi siya dumalaw sa akin. Mula ng pagkakabaril sakin ng dati niyang ka-fraternity ay hindi manlang siya nagpakita. At dun ko  napagpasyahan na mag take nalang ng home school. Ayoko na kasing pumasok sa school noon dahil ayokong makita ang kahit sinong nagpapa-alala sakin sa mga taong nanakit sakin. Dun ko din narealize na ang gullible ko pala. Napakadali kong nagpaloko.

Si Vince lang ang laging nasa tabi ko. Napaka persistent niya na humingi ng sorry. I asked him one time why he's asking my forgiveness, kung siya ba ang utak sa pag-baril kay Ven na tumama sakin.

"Do you think I can do that? I am here asking for your forgiveness kasi I feel bad na ipinilit ko ang sarili ko sayo na sobrang mali kasi alam kong you will never be mine."

Like what I've said, everyone changes or--not at all. Baka lang hindi ko sila tunay na kilala. At yun nga ang nangyari kay Vince. Mali ang pagkakakilala ko sa kanya. I know him as a bad and selfish person but I'm wrong. He was there since day 1 until now. Binawi pa nga niya ang mga sinabi niya dati. Iniurong na din daw niya ang kaso ni Ven kahit walang kapalit.

He's all that I have. And naisip ko na it's the time to return the favor. Sasama ako sa kanya sa Korea at dun na titira. Wala na akong ikinakatakot ngayon, wala na kasing mawawala sakin. I have my parents consent. They thought kami ni Vince at wala na kaming ginawa para baguhin ang paniniwala nila. Isa pa, Papa likes Vince. Botong-boto siya dito.

"Okay Acel, I won't argue with you anymore. Kelan ba ako nanalo sayo?" Ngumiti siya.

"Basta right after the graduation pupunta ako dito para sunduin ka para maka-alis na tayo agad." Tumango ako.

"Ikaw na din pala ang kumuha ng diploma ko." Sabi ko.

"Hindi ka ba manlang sisilip? Ayaw mo bang panuorin ang speech ko?" Nag pout siya kaya pabiro ko siyang hinampas.

"Alam ko na ang speech mo baliw. Ako kaya gumawa nun." Dahil sobrang busy niya, nag presinta na ako na ang gagawa ng valedictory speech niya.

"Whatever. So paano? I let you rest kahit almost six months ka ng pahinga--joke!" Nag peace sign pa siya nung sinamaan ko siya ng tingin.

"Ay wait Vince!" Awat ko nung paalis na siya. Inabot ko sa kanya ang scrapbook na ginawa ko.

"Last favor. Pakibigay sa kanya." Mukhang nagets naman niya kung sino ang tinutukoy ko kaya tango nalang ang ginawa niya bago lumabas ng kwarto ko.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon