"Ayan na naman sila Raven mam-bubully na naman."
"Kawawa na naman ang mabibiktima nila."
Natahimik ang lahat nang tingnan niya kami ng masama.
"Mind your own f*cking business. You will never like it if I do." Napaatras sila Nicole at Sarah.
"Oh don't waste your time on them Raven. We still have an important business here." Ngumiti ng nakakaloko si Cyrus matapos tapikin sa balikat ang tahimik na si Vincent.
Nakayuko lang siya habang kinakain ang tanghalian niya. At halata ang panginginig niya sa tuwing susubo siya.
"Mukhang masarap yang ulam mo ngayon Best friend ah." Bati sa kanya ng isa pang kaibigan ni Raven na si Dylan.
Walang nagsasalita. Lahat nakatutok sa gagawin nung tatlo sa favorite nilang punching bag na si Vince.
"Best friend! Kamusta?" Saktong susubo muli si Vince ng umakbay-- este batukan siya Raven.
Natapon ang pagkain niya na ikinatawa ng dalawang pugo sa tabi niya.
"Oops. Pasensya na." Sabi ni Raven matapos ay tumawa muli at nakipag apir sa mga pugo.
"Tss. Wala na silang ginawang mabuti. Dapat sa kanila pinapaalis dito eh." Narinig king bulong ni Thea sa tabi ko.
"Shh. Baka marinig ka nila." Sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa palabas sa harap ko.
"Best friend mukhang namumuti ka ah. Tingnan mo oh pati labi mo maputi na." Asar muli ni Raven.
"Bro, hindi yan maputi. Namumutla na yan." Sabi ni Cyrus.
"Oo nga. Baka himatayin na yan mamaya, kunin mo na yung dapat kuhanin para maka-sibat na tayo." Tiningnan ni Dylan ang relo sa pader at umarteng bored na.
"W-wala akong pera." Bulong ni Vince na hindi nakalampas sa pandinig ko.
"Anong sabi mo?" Inilapit ni Raven ang tenga niya sa mukha ni Vince at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi ni Vince.
"W-wala akong pera." Sabi ni Vince na medyo malakas na.
"Ano?" Mas inilapit pa niya ang tenga niya ngunit makikita pag-ngisi niya.
"Wala akong pera."
"Ano ulit?" Tinakpan pa niya ang isa niyang tenga at mas idinikit ang kabila sa bibig ni Vince.
"SABI NG WALA AKONG PERA EH!"
O--O
Nagulat ang lahat sa pagsigaw ni Vince. Ngayon lang namin siya narinig na sumigaw at talagang nakakagulat.
"Uh-oh bad move." Bulong ulit ni Thea. Napakunot naman ang noo ko lalo.
Nawala ang mapang asar ng ngiti sa mukha ni Raven at napalitan ng 'oh-so-scary' image niya. Nakakatakot ang mga matatalim niyang tingin ksy Vince, ang pagiging stiff niya, ang mga nagtatagis na bagang, ang madiing pagkakasara ng bibig niya at ang mahigpit na pagkakasarado ng mga kamao niya.
Nagmukha namang maamong tupa lalo si Vincent.
Oh Lord please guide Raven. Please don't let him hurt Vincent.
"Sinigawan mo ba ako?" Sabi ni Raven na nakakakilabot.
Umiling si Vincent at sinabing "Hindi. Sorry." Ngunit mukhang natabunan na ng masama niyang aura ang pandinig ni Raven kaya nasuntok niya si Vincent.
"Oh my gosh!" Bulalas ni Thea nang tumalsik si Vincent sa mga bintana kasabay ng pagkabasag ng mga bubog nito.
Hindi pa nagpaawat si Raven at kinuwelyuhan pa niya ang kaawa-awang si Vincent at pinagsusuntok hanggang sa dumugo ang mukha nito.
Tumayo ako. Hindi ko na kaya pang manuod.
"Acel saan ka pupunta?" Agad hinawakan ni Thea ang braso ko.
"Wag mong ituloy kung ano mang binabalak mo Acel. I'm warning you." Seryoso niyang sabi na bakas din ang takot.
"Thea, I can't do this anymore. Hindi ko kayang manuod nalang. Baka mapatay nita si Vince!" Inalis ko ang pagkakahawak niya at pumunta kay Raven na wala pa ring sawang sumusuntok sa wala ng malay na si Vincent. Lalo akong natakot. Nagkakagulo na din sa classroom at yung iba ay sinundo na ang mga teachers.
"Raven tigilan mo na yan!" Sigaw ko pero mukhang wala siyang narinig.
Lumapit ako upang awatin siya pero the time na nahawakan ko ang braso niya'y tinabig niya ako dahilan ng pagkakatumba ko sa mga bubog na nagkalat.
"ACEL!"
Tumigil si Raven at tumingin sakin. Mas nakaramdam ako ng takot nung bitiwsn niya si Vincent at lumapit sakin.
"Bro kailangan na nating pumumta sa clinic, dumudugo ang kamay mo." Nakahinga ako ng maluwag ng pigilan ito ni Dylan at Cyrus at inilayo sakin.
"OMG! Acel Nichi! Anong katangahan yang ginawa mo!" Agad akong nilapitan ni Thea at tinulungang tumayo.
"Mamaya na Thea. Si Vincent muna." Tinulungan ako ng mga classmate naming lalaki na buhatin di Vincent palabas ng classroom.
![](https://img.wattpad.com/cover/23927902-288-k671873.jpg)