Manila, Philippines
*Thea's POV*
Last 5 years I made a big mistake. I lost someone who is very dear to me.
I lost a sister.
A mother.
A partner.
A best friend.
I lost Acel. Just for one reason---I'm selfish.
Totoo nga ang sabi na 'You never know what's their important until you lost them.' And maybe--no, it's late. It's too late to apologize.
Pati ata sila Tita at Tito na parents niya ay galit sakin. I tried a hundred times na pumunta at tanungin sila kung nasaan si Acel pero ang dami nilang alibi. So in the end tumigil na ako.
Matagal na ang panahon, siguro may bago na siyang best friend. Naiinis man akong isipin pero kasalanan ko naman eh. Tinaboy ko siya at I really regret it.
*Kriing! Kriing!*
"Hello Althea Alcatraz speaking." Sabi ko habang pinaglalaruan ang ballpen na may star sa itaas na parang wand sa lamesa ko.
"Althea.." Naitaas ko ang isang kilay ko nung makilala ko ang boses sa kabilang linya.
"Cannavarro."
"I found her." Bigla akong nanlambot at nasiyahan sa narinig ko.
"Let's meet. I'll contact Cy."
***
"So where is she?" Tanong ko agad habang papaupo sa upuan na nakareserve sakin.
"Woah! Chillax muna Engr. Alcatraz." Biro ni Dy.
"Che!" Inirapan ko siya bago tumingin kay Cannavarro.
"Inom ka muna Thea." Inabot ni Jen ang iced tea niya sakin.
"Thanks Ma'am Jen." Nakangiti kong sabi matapos mag-sip.
5 years had pass and now we're all have our different career paths.
Ako at si Cy ay engineer na. Magkaiba lang kami ng forte. Ako ay sa Civil siya ay sa Electrical.
Si Jenny Lopez o mas kilala ni Acel na Pres ay Highschool teacher na.
Si Dylan Cruz ay isa ng architect.
Si Royce Gomez ay may sarili ng resort business.
Si Erika Alcaraz ay isa na ngayong artista pero wag ka! Ang humble niyang bruhang yan.
Si Sara Santos at Nicole dela Cruz ay mga writers na sa ibang bansa.
At ang one and only bad boy in town?
He's now one of the hottest bachelor in town. He's still the bad boy but in his own way. Bad boy kasi inaaway ako palagi kaya hindi na kami magkasundo.
By the way he's now a very good businessman. He now managed their father's corporation. Si Ms. Ghe ngayon ay manager ng HR nila. Langya talaga si Cannavarro na ito mas mataas pa ang posisyon kesa sa Ate niya. Napaka-baluga!
"So back to my question, where is she?" Nandito nga pala kaming anim: Ako, si Cy, Dy, Royce, Jen at Cannavarro, sa isa sa mga chain restaurants ng C&G corporation na under lang naman ng pamamalakad ni Cannavarro. Siya na ngang powerful. Tss.
"She's in Korea." Sagot ni Cannavarro na mukha ng kagalang-galang sa kanyang three-piece suit. Although lahat naman kami'y naka-uniform/naka corporate attire except kay Royce na F na F ang Hawaiian inspired getaway. May bago na naman kasing resort na binuksan.
"Sino naman na ngayon ang informant mo? Baka palpak na naman yan tulad noon. Naku!" Reklamo ko.
"Alam mo para kang hindi engineer. Dapat sayo sa palengke ang ingay mo! Hoy Cyrus paano ka nakakatagal sa bunganga nito?" See? Sabi sa inyo e bad boy padin yang kutong-lups na yan.
"Immune na yang si Cy, araw-araw ba namang kasama." Panggagatong pa ni Royce. Tumawa lang noong sinamaan ko ng tingin.
"Sus! Araw-araw ba talaga? Baka nga pati gabi eh. Hoy kasal-kasal din pag may time!" Isa pa'tong Dylan na ito. Hay naku!
"Asus inggit ka lang Dylan kasi hanggang ngayon di ka pa sinasagot ni Yumi. Aba! Bilis-bilis din pag may time." Tumawa ako sa sinabi ni Cy. Good job boyfriend! May kiss ka sakin. Chos!
"Hoy--" Magsasalita pa sana si Dy nung nagsalita si Jen.
"Guys saka na tayo mag-asaran may klase pa'ko." Tumingin siya sa relo niya.
"Oy ayusin na kasi." Sabi ko pa.
"So Bro, sino ngang informant mo ngayon? Magaling na ba yan?" Tanong ni Cy. Tumango naman ako. Aba syempre kailangan supportive girlfriend ako! Tsaka nadala na kasi kami. Ilang beses na kami nagoyo. Yung una namin--I mean ni Cannavarro na binayaran para maghanap ang sabi nasa Singapore daw. E kaming si tanga napasugod ng Singapore yun pala wala naman. Yung iba tinuro kami sa Germany, Paris, US, Dubai, Lebanon at kung saan-saan pa. Kulang nalang buong mundo ikutin namin.
"Si Erika ang nagsabi sakin." Sagot ni Cannavarro.
"Ohh si ex mo pala ang nagsabi." Sabi ko.
"Tanga sabing hindi ko ex yun. Kulit mo din ano?"
"Owkey! Sabi mo eh."
"Paano niya nalaman na nandun Raven? Tara, puntahan natin." Tanong ni Jen.
"Nagkita daw sila sa isang concert ng EXO dun sa Seoul."
"Grabe! Patay na patay talaga yang si Erika dun sa maitim na koreanong yun ano?" Tanong ni Dy.
"Patay ka dun pag narinig niyang sinabihan mo ang boyfriend niya ng ganun." Pananakot ni Jen.
"Eh sila na?" Di makapaniwalang tanong ni Royce.
"Yep!"
"Hoy hoy! Si Acel ang topic dito hindi si Erika." Sabi ko. Grabe ang dadaldal nila ano?
"Uy ano yan Raven? Porn?" Tuwang-tuwang sabi ni Dy na nasa tabi lang ni Cannavarro na nakikitingin sa laptop.
"Mukha ka nang porn Dylan. Utak mo berde na." Sabi ni Cannavarro tapos iniharap ang laptop sa amin.
"Hindi na natin siya kailangan puntahan.." Sabi pa niya.
Tutok lang kami sa screen ng laptop niya maya-maya pa ay may nagsalita at lumabas ang babaeng naka-bangs na may mahaba at kulay
brownish na buhok. Simpleng shorts at long sleeves na polo ang suot niya pero mapapanganga ka dahil sa amo at ganda ng mata niya.
"Kamusta Philippines? Ako si Acel! At inaanyayahan ko kayong samahan ako sa October 19 at exactly 8 ng gabi sa MOA Arena para sa concert ko entitled 'Goodnight'. Let's spread the Filipino talent all over the world. See yah!"
"Si Acel ba talaga yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Royce. Yan din ang gusto kong itanong.
Kahit black na ang screen nakatitig lang kami dun. Gusto kong umiyak.
"Lalong gumanda ang best friend ko." Wala sa sarili kong sabi.
"At hindi ko alam na sikat na pala siya." Sabi pa ni Jen.
"She's one of the shining acoustic artist sa Korea." Sabi ni Cannavarro.
"We really need to watch her concert." Tumango kami sa sinabi ni Cy.
October 19. It's her birthday. It's one week from now.