Chapter 7: Sorry

82 1 0
                                        

Napagkasunduan ng mga klase namin na sila Nicole, Sarah at Thea ang gagawa ng mga short stories and sila na din ang magdi-direk since mas alam nila ang story nila.

"Oh my gosh Besty! Imaginin mo yung story ko isasa-movie na. Isn't it amazing?!" Tuwang-tuwang sabi ni Thea habang naglalakad kami pauwi.

"Ta-trabahuhin ko talaga yun this weekend at ikaw ang gagawin kong lead character." Halos maibuga ko sa kanya ang iniinom kong sago't gulaman.

"Best naman! Wag ako. Si ano- si Erika nalang since siya yung president ng theater club."

"Ay hindi na siya available. Tsaka as if naman na papayag yun sakin eh siguradong hirap na hirap na yun pumili kung kanino kila Nicole at Sarah. Wag na natin siyang bigyan pa ng extra stress, ikaw nalang kasi."

"Best alam mo namang wala akong talent sa pag arte. Naalala mo ba nung once gumawa tayo ng mini act sa Filipino nung third year? Ang daming take bago ko nakuha yung hinihingi na kailangan kong gawin."

"Pero Best kahit maraming takes yung nangyari nakita mo naman yung result. Na-excempted tayo sa finals."

Naalala ko tuloy yung epic fail kong pag arte pero mukhang naawa sakin si Ma'am Sinuhin kaya inexcempted kami nun.

"But--"

"No buts Best. I know you can do it. Eto na yung bus, ingat ka pag uwe Acel. Byee!" Tumigil ang Ceres bus sa harapan ko at nakita ko nalang na nakasakay na siya at nag flying kiss pa.

Akmang maglalakad na ulit ako ng may tumigil na kotse sa harapan ko.

Mukha ba akong drive thru or check point? Tss.

Bumukas ang bintana ng kotse.

"Acel!"

"Uy Ms. Ghe ikaw po pala yan." Ngumiti ako. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat.

"Hop in."

"Naku wag na po Ms. Ghe, malapit na po ako eh."

"No. I mean we need to talk. Can you spare me some of your time?" Sa tono palang niya may kutob na akong it's about Raven.

Sumakay ako at nagpunta kami sa SM.

"Pasensya ka na ha? Wala na akong ibang kilala na makakatulong sakin eh." Sabi niya after namin umorder.

"Don't say sorry Miss Ghe. Gusto ko pong makatulong, lalo pa't para kay-- I mean para makagraduate kaming lahat ng sama sama."

"Thank you for that. Anyway, kamusta yung pina-project ko sa inyo?"

Oh geez!

"Amm.. actually po wala pa kaming nasisimulan. Humahanap pa kasi ako ng tyempo na kausapin siya na hindi siya nagtataas ng boses." Naalala ko na naman yung pagkahulog niya gawa ko. (;>_<;)

"I see. Don't pressure yourself Acel. Mahaba pa yung oras."

"Oo nga po. Pero maiba po ako, ano pong magagawa natin para iurong ng Sandoval family ang kaso sa board?"

"Wala na tayong magagawa Acel. Ang naisip ko lang ay dapat magbago na si Raven. At dapat makita yun ng board of directors. Malaki yung chance na maka graduate siya pag napatunayan niya ang sarili niya sa kanila."

***

"Raven?" Nagtatapon ako ng basura ng mapansin kong may lalaking naglalakad sa tapat ng bahay namin.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?"

Tumigil siya at humarap sakin.

"Ah may pinuntahan lang ako jan." Simpleng sagot niya.

"Ahh." Tumatango kong sagot.

Mahabang katahimikan.

"May sasabihin ka pa ba?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Uhmm.. Wala na siguro." Sagot ko pero msy sasabihin talaga ako sa kanta kaya lang parang umuurong ang dila ko.

"Okay." Tumalikod na siya at humakbang na palayo.

Tumalikod na din ako at isasara na dapat ang gate namin ng lumapit ulit siya.

"Uhh.. m-may nakalimutan ka pa ba?" Tanong ko. Seryoso siyang nakatingin sakin pero parang may bago. Yung mata niya. Parang nawala yung coldness o baka naman imagination ko lang?

Imagination nga lang siguro.

"So here, listen to me. I'm sorry for what I did before, you know the reason why. I did it though, and yeah I messed it all up and we all made mistakes, I had no idea what I was getting myself into. But anyways I just wanted to say that I really am sorry. I mean it."

Napanganga ako sa mga sinabi niya.

"Raven?"

"Umm yeah?" Napakamot siya ng batok.

"It's okay." Ngumiti ako bago muli magsalita.

"Hindi mo naman kasalanan yun eh. It's my fault na itulak ka, but believe me hindi ko sinasadya. Ginigising kita para bigyan ng papel kaso napalakas ata yung pagtulak ko so.. I'm sorry din."

"It's nothing. Hindi naman ako nasaktan, nagulat lang siguro."

"But still. I'm sorry." Napayuko ako. Bakit ganun nag sorry na ako pero ang laki pa din ng guilt ko.

"Okay nga lang yun. Anyway, regarding sa project natin. What's the plan?"

"Umm right! Actually may nabasa ako na makikilala mo lang ang isang tao pag lagi silang magkasama. I also think what if gumawa tayo ng lists ng mga impressions natin sa isa't isa then at the end ipagcocompare natin yun sa kalalabasan ng project natin."

"Wait. So you mean kailangan magkasama lagi tayo?"

"Umm hindi naman siguro lagi maybe weekends? If that's okay with you."

"No. I mean, ikaw? Okay lang ba sayo na makikita ng ibang tao na kasama mo ako?"

"What's wrong with that?" Actually wala akong nakikitang masama dun. Meron ba?

"That. That's wrong! Kilala ako ng lahat ng tao na bad boy in town. So what do you think na iisipin nila pag nakitang kasama kita?"

"So? Who cares?' Sagot ko.

"Raven, wala akong pakialam kung ano man ang sasabihin nila. Kaya ikaw wag kang magpaapekto sa sasabihin ng iba. Tandaan mo, mas kilala mo ang sarili mo kaysa ibang tao."

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon