After nung pagtulong ni Cookie sa amin naging close na kami pati kay Thea. Kay Ven lang talaga siya aloof.
"Cookie, bakit nga pala yun ang pangalan mo?" Tanong ni Thea sabay subo ng fries niya. Break time namin at nakita kami ni Cookie kaya tumambay muna 'tong isang ito dito sa table namin.
"Yung parents ko kasi mahilig sa ice cream. Cookies and cream to be specific kaya ipinangalan saming magkapatid yun. Ang talino nila ano?" Natatawang sabi niya sabay dukot ng Piatos ko -___-
"Oo nga ang talino nila, mana ka talaga sa kanila. Tingnan mo oh, inaaliw mo kami sa kaku-kwento mo tapos inuubos mo Piatos ko." Nakanguso kong sabi.
"Ahehe sorry! Favorite ko kasi yan eh." Nag-peace pa siya. ^____^v
"Eh favorite ko din 'to eh." (TзT)
"Hahaha. Pasensya ka na Cookie. Adik kasi talaga yan sa Piatos, kaya pag kumakain siya niyan galit-galit muna." Natatawang sabi ni Thea.
Eh bakit ba? Kailangan din namin magka quality time ni Piatos 'no.
***
"Acel makikisuyo naman ako. Pwede bang ikaw nalang magkabit ng poster natin dun sa taas? Ipinakuha ko na kay Roice yung hagdan. Kailangan ko pa kasi ayusin yung sound system e." Tinuro ni Pres yung itaas ng tent a.k.a booth namin.
"Sure no problem Pres!" Nakangiti kong sabi.
Sobrang busy na yung class namin kasi sa Monday na yung start ng Seniors week so kailangan na namin itayo yung isa sa mga booth namin-- jail booth. Ito yung naisip naming booth aside sa Theater booth kasi hindi na namin kailangan ng fund.
Hinati namin yung class namin. Yung iba nasa auditorium para ayusin ang sound system doon at i-decorate na din. Mabuti nalang napakiusapan namin si Ms. Ghe na kami nalang ang gagamit nun.
"May maitutulong ba ako?" Napatalon ako nung biglang may nagsalita sa likod ko. Hay! Buti nalang nakababa na ako ng hagdan.
"Papatayin mo ba ako?" Tanong ko kay Ven na mukhang nag e-enjoy sa reaction ko. Langyang 'to may pag ngisi pang nalalaman.
Napakamot siya ng batok. Isang araw na ang nakalipas mula nung magkasakit siya pero ngayon parang wala lang nangyari. Malakas pa sa kalabaw.
"Dun ka nalang sa auditorium. Medyo patapos na kasi kami dito. Andun na sila Thea, susunod nalang ako." Sabi ko habang pinupulot yung nagkalat na crêpe paper.
"Okay." Paalis na siya nung pinigilan ko siya at pinadala ang iba pang decoration na natira. Wala namabg angal na kinuha niya iyon. Napangiti nalang ako.
He changed.
Dati kasi pag uutusan mo siya tatarayan ka niya at kung anu-ano pa sasabihin pero ngayon oo lang sya ng oo.
"Uy PRO para kang baliw jan. Ba't ka nakangiti?" Tanong ni Nicole.
"Paano, kinikilig yan kay Raven. Ayee!" Pang-aasar ni Sara.
"Kilig ka dyan. Hindi 'no."
"Weh? Bakit ka nagba-blush?" Tanong pa ni Erika.
"Hay naku kayong tatlo kung anu-ano pinag iiisip nyo. Dyan na nga kayo baka kailangan nila ako sa auditorium."
"Ayee! Ang sabihin mo pupuntahan mo lang si Raven." Pang-aasar pa nila.
"Baliw! Hahaha. Bye." At lumakad na nga ako papuntang auditorium.
Pagdating ko ng auditorium nagpe-paint sila ng styrofoam na pangalang ng booth. Sila Thea nagkakabit ng kurtina, sila Pres inaayos yung mga upuan tapos sila Raven ang nag-aayos ng mga stereo sa gilid ng stage.
