"Magpahinga na muna tayo, mamayang pa hapon naman tayo mag shoot since ang drama ng unang scene." Sabi ni Kuya Ruel nung makababa kami ng van.
Nandito kami ngayon sa isang rest house resort ng Tito ni Royce. Dito kami mag shu-shoot in a week. Buti nalang after pa nitong sembreak gaganapin ang Seniors week, may time pa kaming magprepare.
"So far iyan ang pinaka gusto kong sinabi mo Kuya." Pabirong pinat ni Thea ang balikat ni Kuya Ruel.
"Naawa lang ako sayo Direk." At tumawa ng malakas si Kuya Ruel. Mukhang may joke na sila lang na naman ang nakakaintindi ang dalawang yun. -____-
Tulad ng usapan, kinontrata na namin si Kuya Ruel bilang camera man/ assistant director since may alam siya sa filming.
"Akin na yang bag mo." Biglang kinuha ni Ven ang bag ko sa balikat.
"Naku wag na magaan lang naman yan." Pilit kong inaagaw sa kanya yung bag pero inilalayo niya, tapos nung nagpupumilit ako lalo ay pinanlakihan niya ako ng mata.
Bigla akong natawa.
"Ang pangit mo. Hahahaha!" Pabiro kong itinulak ang mukha nya.
Natawa din siya.
"Pangit ba? Ha?" Ginawa niya ulit kaya lalo akong natawa. In the end nagtawanan kami sa daan.
***
"I saw you kanina Best." Nakahiga ako sa kama ko nung nagsalita si Thea na nag aayos ng gamit NAMIN sa cabinet. Oo, pati gamit ko. OC kasi yang si Thea ayaw ng makalat lalo na sa cabinet, and since isa lang ang cabinet nitong room namin ngayon siya na daw ang mag aayos ng gamit ko.
Bumangon ako at dumapa habang pinapanuod siya.
"Anong nakita mo?" Humalumbaba ako. Lumingon siya sandali tapos pinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Marunong palang tumawa si Raven no?" Nung matapos siya ay sinara na niya ang cabinet tsaka tumabi sa akin.
"And I'm quite impressed na ikaw lang ang nakakagawa nun. How did you do that?"
"Best, wala akong ginagawa. Sinabi ko naman sayo na mabuti siyang tao."
"Acel I don't get you. Ano bang ipinakain nun sayo at kung maipagtanggol mo yun parang kilalang kilala mo na siya?"
"Wala. Let's say na oo. Kilala ko siya more than the others. Thanks to Ms. Ghe's project pero Best yung ginawa niya kay Vincent, I think Vince deserves it." Kumunot ang noo niya at kinuwento ko sa kanya ang pambubugbog ni Vincent sa lalaki noon.
"OMG!! Sigurado ka ba jan Best? Kasi kung totoo yan major turn off yun. Sayang crush ko pa naman sya, mas masama pa pala kesa dun sa Tatlong pugo. Psh!"
"Kaya nga sinasabi ko sayo. Ven is nice. Kilalanin mo lang siya."
"Woah wait. So you have pet name sa kanya huh?" Ngumiti siya ng nakakaloko. Napatungo nalang ako.
"Best tell me. Gusto mo ba siya?" Gulat akong napatingin ulit sa kanya.
"What? I'm just asking?" Lalo siyang ngumiti dahil sa reaksyon ko.
"Alam mo Thea tara munang kumain. Gutom lang yan." Bumaba ako ng kama at narinig ko siyang tumawa na parang nagtagumpay.
"I knew it! I knew it Acel. You like him!! Gosh first time kitang makitang mamula ng ganyan." Lumundag-lundag pa sya sa kama.
"Shht! Hoy ano ba Thea bumaba ka nga jan para kang sira!" Hinahatak ko siya pero patuloy parin siya sa pagtawa.
"So you like him nga?" Tanong pa ulit nya.
"Ewan ko sayo Thea." -____-
"Hahaha! Finally dalaga ka na Acel Nichi. Congrats!" Niyakap niya ako bago lumabas ng kwarto namin. Napailing nalang ako.
***
"And...cut!" Sigaw ni Direk Thea. "Good job guys!" Nag thumbs up siya at muling pinanuod ang nakunan ni Kuya Ruel.
"Ang kati naman nito." Rinig kong reklamo ni Ven kay President habang nirere-touch ang foundation niya.
"Tiisin mo nalang, isang scene nalang naman after nun pwede ka ng maghilamos." Umirap nalang si Ven. Napailing ako.
"Ang galing mo palang umacting Acel dapat nag apply ka sa drama club." Tiningnan ko si Dylan sa salamin tapos simpleng ngumiti.
"Thank you pero mas forte ko talaga ang arts eh." Mukhang nagrerecruit na naman si Dylan. Nasa drama club kasi siya. Nung naayos ko na ang retouch ng make up ko lumapit ako kina Pres.
"Tama na nga! Ang kati sabi eh." Inilayo ni Ven ang mukha niya.
"Wag ka kasing malikot para matapos na, malapit na kayo magtake ulit." Sabi ni Pres at ipinagpatuloy ang pagretetouch kay Raven.
"Mukhang mainit ang ulo natin ah?" Sabi ko sa kanila. Tiningnan ko sila gamit ang salamin sa harap nila.
"Hay naku Acel ikaw nga ang mag make up jan. Ang likot-likot kasi." Reklamo ni Pres bago umalis ng dressing room. Nakita ko namang sinamaan siya ng tingin ni Ven.
"Mukhang napuno mo ang patience bar ni President ah?" Nakangiti kong kinuha ang foundation na ibinaba ni Pres kanina.
"Eh ang kulit niya eh. Sinabi nang tama na kasi makati yung pulbong inilalagay niya pinagpatuloy pa din." Lalo akong napangiti kasi para siyang batang nagsusumbong.
"Eh pano yan ang pangit ng make up mo? Tingnan mo hindi pantay o."
"Okay na yan. Tsk!"
"Ay wait!" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"T-teka anong gagawin mo?" Nanlaki ang mata niya.
"Wait lang. Wag kang magulo." Lalo akong lumapit.
"N-nichi.."
"Tadaa!!" Pinakita ko ang nakuha kong nalaglag na pilik mata niya sa pisngi niya.
Kumunot ang noo niya.
"Ano yan?"
"Pilik mo. Make a wish!" Masaya kong sabi.
"Tss. Naniniwala ka jan?"
"Oo kaya dali mag wish ka na!"
"Ayoko hindi naman yan totoo." Umiwas siya ng tingin.
"Ang KJ mo po. Sige na! There's no harm in trying." Tumingin siya sakin, tinaas-baba ko ang kilay ko habang nakangiti ng malapad. Excited ako eh, matagal ko ng hindi ito nagagawa.
"Tss. Sige na nga." Napangiti siya.
"Wait! Make it louder."
"Ha?"
"Your wish. Lakasan mo para marinig ko."
"Bakit mo naman gusto marinig?"
"Eh kasi naniniwala ako na mas malaki ang chance na matupad ang wish kung isinasa boses ito. So go ahead. Tell me your wish." Ngumiti ako to tell him to go on.
"Ang demanding mo. Sige na eto na." Tumingin siya sa aking mata tapos sa hawak kong pilik mata niya bago pumikit.
"Sana... maka-graduate ako."