Chapter 19: YOLO

63 2 0
                                    

"Ano bang kakantahin niyo?" Tanong ko kay Ven habang namamahinga kami matapos ang three shots ng movie namin.

Tumingin siya sa mata ko bago sumagot.

"Gusto mo ng sample?"

"Talaga? Pwede?" Nae-excite kong sabi. I've never heard his singing voice at ngayon inaalok niya ako ng sample. Waaah!! This is new! I feel so special.

"Of course not." Ngumisi siya dahilan ng pagkawala ng ngiti ko.

Hmp! Paasa. Psh!

"Damot." Nginusuan ko siya. Ang damut-damot talaga. Nakakainis.

"Hindi na yun magiging special kapag binigyan kita ng sample. Manuod ka nalang ng laban."

"Ayoko nga. Madamot ka." Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Nakakatampo po. (๑--́ ₃ --๑)

"Tampo ka na niyan?" Naramdaman kong lumapit siya sa likod ko. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Ewan ko sa--Ven?" Naputol ang sasabihin ko sa gulat nung niyakap niya ako mula sa likod. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nabato ako.

"V-ven.."

"Shhh.. Ganito muna tayo." Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at inilapit ang mukha niya sa leeg ko. Shocks! Ang init niya.

*dug dug! dug dug!*

"U-uhhh baka.. b-baka may makakita V-ven ano pa ang isipin." Grabe ganito ba talaga ang epekto niya sakin? Nabubulol ako!

Hindi siya nagsalita kaya medyo gumalaw ako kasabay nun ang paghilig ng katawan niya sa likod ko dahan dahan hanggang sa..

"Ven!"

Nagulat ako nung natumba siya. Hinawakan ko ang mukha niya. Tulog siya.

"Shocks! Nilalagnat ka!" Hinipo ko ang leeg niya at mukha niya. Sobrang init niya.

Inalalayan ko siyang maupo sa isang upuan. Kami lang kasi ang tao dito sa room namin kaya walang tutulong sakin.

"Hala anong gagawin ko?" Dadalhin ko ba siya sa clinic?

"Ven? Ven huy gising Ven?" Nagmumulat siya ng mata pero ipinipikit parin niya. Hinarap ko siya sakin hawak ang mukha niya.

"Ven makinig ka? Dadalhin kita sa clinic ah? Wag kang matutulog hindi kita kayang buhatin. Naiintindihan mo ba?" Hindi siya sumagot at  iniakbay ko siya sa akin.

"Stand up Ven! We need to walk." Kaya ko ba 'to? Hindi pa masyado magaling ang paa ko baka mahulog kami sa hagdan. Nasa 4th floor pa naman ang clinic eh nasa 3rd floor lang kami.

"Keri ko'to!" Half ng bigat niya ay nasakin at thankful ako na naitayo ko siya kailangan nalang namin maglakad.

"Raven walk! Pupunta tayong clinic. Come on!" Ang bigat niya.

Nakalabas na kami ng classroom at walang tao sa hallway.

Pag minamalas ka nga naman. Madadaanan namin ang CR ng boys at biglang may lumabas na lalaki doon.

"Hey!" Lumingon siya sa amin. Nagtaka siya sa hitsura namin  pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Nakatingin lang siya.

"Hey tulungan mo kami. Nilalagnat siya. Kailangan nyang mapunta sa clinic please."

"Yan si Raven Cannavarro di ba?" Tanong niya.

"Oo at nilalagnat siya. Please tulungan mo kami."

"Ha! Alam mo bang ang galing nyang mam-bully? Inaraw-araw nga niya akong inaagawan ng baon e. So bakit ko siya tutulungan?" Kita ko ang galit sa mata niya. Mukhang lower year siya pero kitang kita mo ang pagka muhi sa mata niya.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon