Chapter 50: Christmas Party

43 0 0
                                        

"Hi." Pinilit kong wag ngumiti ng malawak nung sabay kaming lumabas ng unit namin ni Ven.

"Hi. Good morning." Bati ko din.

"I can't contact you yesterday. Where have you been?" Kaswal na tanong niya nung makasakay kami ng elevator. Pinindot niya ang letter 'G' bago tumabi sa akin.

"Oh. Sorry nga pala about dun. Umm.. binisita ko kasi sila Mama kahapon. I'm sorry sa pag-AWOL ko, I tried to contact Desiree kaso may nangyari eh." Tumingin siya sakin na parang na-alarma.

"Anong nangyari?" Kunot ang noo niya habang ang kanang kamay ay nasa bulsa niya at ang kaliwa ay hawak ang laptop bag niya.

"Umm.." Napakagat ako ng labi.

Shet. Magagalit ito sakin.

"Hmm?" Tinaasan niya ako ng kilay. Grabe!

"Eh kasi ano.." Sasabihin ko ba? "Umm.."

TING!

Ay goodness! Save by the elevator ako ngayon.

Lumabas na kami ng elevator. Pero nagulat ako nung kinuha niya sakin ang bag ko at naglakad palayo.

"Hoy Ven! Akin na yang bag ko." Hinabol ko siya.

Oh sheez! Bakit kasi nag-heels pa ako eh. At bakit kasi ang hahaba ng legs niya. Ang bilis niya maglakad!

"Sakin ka sasabay and you will tell me what happen yesterday." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Pinatunog niya ang kotse niya at binuksan ang pinto ng passenger seat.

"Hop in." Turo niya sa kotse niya.

"Uhh.. ano kasi Ven, may kotse naman ako. I can drive you know, at isa pa parang ang panget naman na makikita ng mga empleyado mo na sabay tayong papasok?"

"Anong masama dun? We're business partners Nichi. You're not my employee, you're a part owner of my business kaya walang masama dun."

"Ven, representative lang ako."

"Kahit na. You're still not my employee. Hindi ka kasali dun sa rule kong bawal ang PDA sa opisina." Nanlalaking mata na hinampas ko siya.

"PDA ka dyan!" Tumawa naman siya.

"You may be a representative now, but I promise you na lahat ng meron ako ay mapapasayo when we get married. Isa pa—"

"Wait. What?"

Married?

Huminga siya ng malalim bago isara muna ang pinto ng kotse at sumandal dito at mataman na tiningnan ako sa mata.

"You know my feelings for you Nichi. And whether you like it or not you will be mine. I will do everything, mahalin mo lang din ako and starting this day I will officially courting you."

***

"So ano nga ang nangyari kahapon?" Napalunok ako nung bigla siyang nagsalita. Like what he likes, nandito kami ngayon sa kotse niya. Kasama daw sa 'panliligaw' niya ang maging driver at body guard ko.

Imagine ang CEO ng C&G ay personal driver at body guard ko lang? Masarap isipin but hindi naman niya sinabi na kasama sa trabaho niya ang maging interrogator. -___-

"Uhh.. kasi kahapon naisipan kong mag-commute— AY LECHE!" Napasigaw ako nung bigla siya pumreno.

"The heck Ven? Buti nalang may seat belt kundi nangudngod nako sa dashboard." He glares at me kaya napaiwas ako ng tingin.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon