Chapter 36: Buhay Korea

41 1 0
                                    

*Acel's POV*

"Anyeonghaseyo!" Bati sakin ni Ji Eun.

"Annyeong!" Nag bow ako.

"Are you free this lunch? Can you accompany me to cafe nearby? Eun Neul is busy with her yeobo so..."

"Arasso arasso!" Natatawang sabi ko. "You're so cute Jiji." Pinisil ko ang pisngi niya, na ikina-pout naman niya.

Si Kwon Ji Eun, classmate ko dito sa Seoul international school. Thankful ako dahil required ang English speaking dito kundi baka naubusan ako ng dugo sa mga koreanang ito. Si Jiji at Eunie (Kang Eun Neul) ang itinuturing kong mga buddy dito.

"By the way where is Vincent?" Tanong niya noong kumakain kami sa isang resto malapit sa school.

"I think he's on the library. It's his sanctuary." She giggles. Crush niya kasi si Vince pero like the other girls, nahihiya siyang kausapin siya kasi ang suplado daw. Naalala ko pa yung tinawag niya dun dati: Keonbanjin Saram, meaning snob. Hindi ko talaga makalimutan yun. I chuckled.

"Wae? You have your own inside joke there, mind if you tell me?" At dahil natutuwa ako sa kanya umiling ako. Trip ko talaga siyang asarin.

"Yah! You're so unfair." (´・з・')

"Hahaha! Kyeopta." ^___^

"Ehem. Annyeonghaseyo!" Tumigil kami sa pag-aasaran nung may biglang nagsalita at nagbow sa tabi namin.

"Annyeonghaseyo!" Sabay kaming bumati ni Jiji.

Ngumiti sakin yung lalaki tapos nagsalita. Oh em! Ito na nga po ang sinasabi ko. Dudugo na ang ilong ko. (XqX)

"Kyaahh! Jinjja jinjja? Waah!" Napatingin ako kay Jiji nung umirit siya. Nagsalita naman siya at kinausap yung lalaki. Ano ba pinag-uusapan nila?

"Oh. Mianhamnida~" Nag-bow yung lalaki at automatic na nag-bow din ako.

"I'm sorry I didn't know that you don't speak Korean. It's my fault. I'm sorry." At nagbow na ulit siya.

Ano bey? Magba-bow nalang ba siya forevs?

"Again I'm Kang Mineong, I'm an agent from EC entertainment. Neh.." Pinakita niya ang I.D niya. Naka-hangul ang sulat ng pangalan niya pero kilala ko ang logo ng company nila--EC entertainment.

"에이슬 (Acel), he wants you to be their trainee. He watched you once when you sing acoustic here then you really interests him." Tuwang-tuwang sabi ni Jiji.

0% LOADING...

De joke lang! Gets ko yun no! Gusto niya akong maging trainee nila dahil nagustuhan niya yung performance ko dati dito sa resto na ito nung napagtripan naming kumanta.

Pursigido si Koya kaya sinabi kong tatawagan ko nalang siya kapag pinayagan ako ng guardian ko na si Vincent.

***

"Acel kanina ka pa? Kumain ka na?" Tanong ni Vince pagkapasok niya sa apartment namin.

"Hello Vince. Hindi pa, inaantay kita eh. Gusto ko yung luto mo. Namimiss ko na ang Filipino foods, baka magka almuranas na ako kakakain ng maanghang." Sumimangot ako tapos kiniss niya ako sa noo.

Normal na sa amin ang ganitong scenario. 1 year na din mula ng napunta kami sa ganitong set up. 1 year na nakatira sa iisang apartment syempre may consent ito ng parents namin. Sweet kami sa isa't-isa at talagang tulungan kami everyday. Para ngang Kuya ko na siya eh. Minsan sa school napagkakamalan kaming couple pero dedma lang kami.

"O sige magluluto ako. Ano gusto mo?" Tanong niya habang nag-aalis ng sapatos.

"Hmm.. Caldereta o kaya estofado. Hmm yum!" Natawa naman siya talos ginulo ang buhok ko bago pumunta sa kwarto niya.

"Okay Estofado nalang."

***

"Uhh Vince may lumapit samin ni Jiji kanina na lalaki--"

"Lalaki? Sino? Anong ginawa sa inyo?" Natawa ako habang kumakain kaya ayun nasamid ako. Dali-dali naman siyang kumuha ng tubig.

"Ayan kasi, sige tawa pa!" Sermon niya habang tinatapik ang likod ko.

"Eh pano ang OA mo po. O see it yourself." Inabot ko sa kanya yung calling card na iniwan ni Mr. Kang.

Kunut-noong tiningnan niya yun. Mukha na siyang lawyer. Law kasi kinukuha niya.

Huminga siya ng malalim.

"So gusto ka niyang kawing trainee?" Tumango ako habang patuloy lang sa pagkain.

"Gusto mo ba?" Tumingin ako sa kanya.

"Sana. Sayang kasi yung opportunity. Tsaka malay mo sumikat ako." Kumindat ako. Natutunan ko yun kay Eunie. Pag humihingi daw siya ng favor kahit kanino kindatan niya lang umo-oo na. Sana effective din sakin.

"Bahala ka na that's your life. And please don't wink at me, lahat naman ng gusto mo sinusuportahan ko e. Eh pano yung pag-aaral mo?"

"Kakausapin ko pa si Mr. Kang. Gusto mo ikaw kumausap? Nauubusan kasi ako ng dugo pag kausap ko yun. Buti nalang kasama ko si Ji Eun kanina may translator ako."

"Oh sige. I'll call that man later. Ill tell him that I'm your lawyer."

"Push Vince, push!"

***

Kinausap nga ni Vince si Mr. Kang that night and everything settled. I can continue my studies while I'm a trainee. But bago ako naging trainee ay dumaan muna ako sa audition. I sung Almost ni Jessica Jung and the panel impressed. Binigyan na nga nila ako ng parang taning kung kailan ako magde-debut. Sabi nila may talent na daw ako so baka daw 2 years maging star na din ako.

At first mahirap maging trainee at maging estudyante na kailangan ma-maintain ang grades but somehow I did it naman.

"I'm really impressed with your compositions Asur (Ganyan sila mag-pronounce ng name ko -___-). My composers will be delighted to arrange this." Natutuwang sabi ni Mr. Eun Choi, CEO ng EC entertainment matapos ko kantahin sa harap niya ang isa sa mga kinompose ko.

"I'm so glad you like it Sir." Natutuwang sabi ko.

"Be ready. I'll make you as one of my star in a month." Ngumiti siya. Ako nama'y napa-palakpak.

This is it.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon