Dhenzel's POV:
Pagkatapos ng mahabang panahon charr ,pagkalipas ng anim na buwan na panliligaw ni Andre ay nakuha na niya ang matamis kong Oo. Lagi kaming magkasama at hindi kami nagsasawa sa isa't isa. Masaya kaming dalawa at pakiramdam ko siya na ang para sakin. Naplano na rin namin ang magiging future namin.
Sabay kaming pumasok ni Andre and Steph at sabay din naming haharapin ang bagong yugto ng buhay namin.
I'm a HUMSS student , gusto ko kasi ienhance yung communication skills ko.
Si Andre naman Stem student, gusto niya kasi maging engineer someday and magaling siya sa Math.
Si Steph naman Cookery, favorite nya kasi ang magluto .
Sa iisang school lang din kami nag aaral medyo malayo sa amin pero keri lang para sa future.
Every lunch time at uwian lang kami nagkikita kita, halos wala na kasi kaming oras dahil sa mga sandamakmak na projects, assignments, activities at ang pinakamalala ang RESEARCH! At syempre kailangan iprioritize namin ang acads.
"Anong gusto mong kainin?"tanong ni Andre habang inaalalayan ako sa pag upo. Nandito kasi kami sa isang canteen malapit sa school namin.
"Ikaw pwede ba?" Pagbibiro ko sa kanya dahilan para ngumiti sya na ikinalalaglag ng panty ko, mabuti na lang at naka P.E ako kaya hindi siya dire diretso HAHA KADIRI KA SELF!
"Ikaw talaga naughty girl" pang aasar nya sakin sabay kurot sa namumula kong pisngi hihihi.
"Masyado ka na kasing stress sa acads mo eh" pagpapaliwanag ko sa habang nakatingin sa mukha niya na halatang pagod na.
"Para naman ito sa future natin" sabay kindat niya sa akin Ommyy mahihimatay ako HELP!
Nag order na kami ng aming kakainin at habang naghihintay napansin kong parang hindi mapakali si Andre
"Zel, may sasabihin pala ako sayo"
kalmadong sabi niya. Hindi naman ako nangangamba kung ano mang ang sabihin niya."Ano yun?"
Masayang tanong ko. Sana goodnews yung sabihin niya."Kasi nakausap ko yung ex ko at nakikipagbali-" Naputol ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si Steph na sobrang laki ng ngiti. Mukhang maganda ang araw ng palaka HAHA!
"Wattsupp mga bakla HAHAHAHAH"
Tatawa tawa niyang sabi. Anong sabi niya bakla? Hoy nakakahiya siya mamaya malaman nilang bakla ako CHOS!"Oh nandyan ka na pala Steph , halika kain tayo" pag anyaya ko sa kanya sabay turo ng upuan sa tabi ko.
"Wow our favorite Porksteak! Yumyumyum" sabay upo ng palaka at saka nilantakan ang pagkain.
Madilim na nang makalabas ako sa school , tinapos ko pa kasi ang mga paper works na kailangan. Paglabas ko ng school ay natanaw ko si Andre na hinihintay ako ,nakauniform pa rin siya at may dala siyang flowers and teddy bear HIHIHI kinilig naman ako pero di ko pinahalata ,dali dali akong lumapit sa kanya at nagsalita
"Kanina ka pa ba dyan?" Pabebe kong sabi at saka siya nginitian.
"Medyo, tara hatid na kita sa bahay niyo" masaya niyang sabi. Ommyy ibig sabihin hindi niya dala yung kotse niya , siguro gusto niyang ienjoy ang moment na kasama ako HALA KINILIG AKO AHIHIHI!
"Okay" maikling sabi ko at sinundan na siya sa paglalakad.
Habang naglalakad kami ay nag aasaran ,nagkukulitan ,nag hahabulan at halos mahiga na kami sa kalsada dahil sa sobrang saya and that moment parang ayoko ng umuwi kasi ngayon ko nalang ulit naranasan ang maging masaya ng tunay yung hindi biro at nagpapanggap ,pakiramdam ko tuloy parang bumalik ako sa pagkabata.
" Thankyou Andre" masayang sabi ko kasabay ng pagpatak ng mga luha sa mga mata ko dahil sa sobrang saya. Lumapit naman siya sakin at yumakap. Nandito kami ngayon sa Amsterdam bridge at nakatanaw sa mga bituin at buwan na nagsisilbing liwanag namin.
"Hinding hindi kita iiwan at paiiyakin Zel, pangako" sa mga oras na 'yon ,pakiramdam ko safe na safe ako sa kanyang bisig.
"Basta yung iisang rule ko huwag mong kalilimutan ah" pagpapaalala ko sa kanya.
"Na huwag akong magsisinungaling at sasabihin ko sa iyo lahat--" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng magsalita ako.
"Pati na rin kapag may nagugustuhan ka ng iba"pagpapaalala ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango bilang pagsang ayon sa sinabi ko. At habang nakayakap ako sa kanya ay naramdaman kong mauutot ako kaya tumingin muna ako sa kanya na tumatawa ,nagtataka naman siyang nakatingin sa akin kaya umutot ako at sinalo ng kaliwang kamay ko at ipinaamoy sa kanya ,biglang kumunot at lumaki ang butas ng ilong niya.
" FIRST BLOOD!" Sabay tawa ko at saka tumakbo palayo sa kanya.
"Dhenzel!" Asar niyang sabi at saka sumunod na sa akin.
Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na siya at inabot niya ang lagas at lamog na mga bulaklak at ang teddy bear sakin.
" I love naughty girl na umuutot" masaya niyang sabi na halatang may hang over pa rin sa utot ko SORRY ANDRE!
"I love you too Andre" masayang sagot ko at niyakap siya.
"Bye" kalmado niyang sabi sabay hawak sa pisngi ko at maya maya ay tumawa ng malakas. Parang may ginawa siyang hindi maganda.
Nang hawakan ko ang pisngi ko ay naramdaman kong may malagkit at nang makita ko KULANGOT!
"Andre" asar kong sabi at hahabulin na sana siya pero agad naman siyang tumakbo palayo sa bahay na sumisigaw ng
"I love you DHENZEL JIMENEZ"
"I love you more Andre Villanueva " mahina kong sabi at pumasok na sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung paano ako magsisimula kapag nawala siya, ang katulad niya.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019