Dhenzel's POV:
Nakita kong bumababa na ang mga tao sa barko kaya ginising ko na ang sleeping frog at bumaba na rin kami ng barko. Isang oras pa ang lalakarin namin bago makarating sa bahay nila Steph, medyo Madilim na rin at malamig na ang simoy ng hangin kaya't nagmamadali na kaming maglakad. Habang nasa gitna ng paglalakad ay may nakasalubong kaming matandang babae at tila takot na takot na nakatingin sa amin at maging kami ni Steph ay natakot, maya maya naman ay bigla itong lumapit sa akin at nagsalita.
"Hija bilisan mo na ang paglalakad" pagpapaalala ng matanda sa amin na halatang takot na takot.
"Bakit naman po" nagtataka kong tanong. Napansin kong kanina niya pa tinitingnan si Steph na antok na antok pa rin.
"Mag iingat ka , may sumusunod sa iyong maligno".takot na sabi ng matanda at agad kinuha ang Rosario niyang dala at itinapat kay Steph. Tila nawala naman ang pagka antok ni Steph ng marinig ang sinabi ng matanda.
"Wow manang ah makapanglait tayo ah" asar na sabi ni Steph. Natawa naman ako sa inasal niya at tiningnan si bakla na magulo nga talaga ang ayos. Inubos ko muna ang tawa ko bago nagsalita.
"Okay lang po ako manang, sanay na po ako sa mga maligno" sabay tawa ko ng malakas, tawa na parang mangkukulam. Biglang tumakbo naman si manang habang sumisigaw.
"Marami pang maligno ang katulad mo" sabay turo kay Steph ng matanda. Inis na inis namang pinandilatan ni Steph ang matanda at umarteng akala
mo ay sinasapian."Sa Ganda kong ito tatawagin lang akong maligno" sabay hawi sa imaginary hair.
"Tingnan mo kasi ang hitsura mo, mabuti nga maligno lang ang tawag sayo hindi palakang aswang" pang aasar ko sa kanya.
"Aba'y pasmado rin ang bunganga mo ah" inis nitong sabi saka nagpatuloy na sa paglalakad. Sumunod na lang ako kay bakla.
Alas diyes na nang nakarating kami sa bahay nila Steph. Madilim ang loob ng bahay nila at halatang tulog na ang lahat ng tao. Dahan dahan naman kaming kumatok , medyo matagal din bago kami pinagbuksan.
Medyo pupungas pungas pa ang nagbukas ng pinto kaya ng makita nito si Steph ay agad napasigaw.
"ASWAAAANGGGG!"Sigaw ng lalaki ng makita si Steph sa harapan ng pintuan. Hindi naman agad nakasagot si Steph dahil naubo ito dahil sa baho ng hininga ng sumigaw at maging ako na nasa likod ni Steph ay naubo rin. Grave kasi HEAVYYY!
"Ano ba naman Jordan 17 ka na ang baho pa rin ng hininga mo *cough *cough" hirap na hirap na sabi ni Steph. Nag iba naman ang ekspresyon ng mukha ni Jordan ng nakilala kung sino ang kanyang kaharap.
"Eh kasi naman kuya este ate isang linggo na nung huli kang magpadala"pagpapaliwanag ng bunsong kapatid ni Steph. Anim silang magkakapatid, 2 babae at 4 na lalaki at pang Lima si Steph. Ang dalawa niyang nakatatandang kapatid na babae ay bumukod na matapos makapag asawa.
Iniwan nalang nila ang kanilang magulang kay Steph. Ang pangatlo at pang apat kapatid naman niya na sina Angelo at Jimmy ay umaasa lang sa kanya habang si Jordan ay nag aaral pa rin at kasalukuyang grade 12 student.
"Kapapadala ko lang kay mama ah" agad na sabi ni Steph sa kapatid.
"Pero wala namang nakarating sa akin eh" pagpapaliwanag ni Jordan.
"Pinang inom na naman siguro ni mama" mahinang sabi ni Steph sabay napaupo at umiyak sa harap ng pintuan nila.
"Hindi lang naman siya ang nawalan , tayo rin!" Piyok na sabi ni Stephen. Isang taon na rin kasi ang nakalipas nung mamatay ang papa niya. At simula rin nun ay tila nagbago na ang ugali ng kanilang ina, palagi nalang itong nag iinom at lahat ng pinapadala ng pera ni Steph ay diretso lang sa alak. Alam kong sariwa at masakit pa rin ang nangyari kay Steph kaya sinarili ko na lang ang nangyari sa amin ni Andre. Ano yun Dhenzel siningit mo pa talaga si Andre ha!
Inalalayan namin ni Jordan si Steph at iniupo sa sofa nila. Bilib pa rin ako kay Steph kasi hindi halata sa hitsura niya na malungkot siya kasi naman matagal ng kulubot ang mukha niya chareng.
Agad akong kumuha ng tubig para ibigay kay steph. Unti unti namang pinapasok ni Jordan ang mga pagkain at gamit na dala dala namin ni steph. Saglit lang ay nahimasmasan na rin si Steph.
"Nasan sila kuya Angelo at kuya Jimmy?"tanong ni Steph sa kapatid.
"Si kuya Angelo po natutulog sa loob at si kuya Jimmy naman po nasa kaibigan niya" mahinahong sabi ni Jordan.
"Akala ko ba may trabaho si kuya Angelo?" Nagtatakang sabi ni steph.
"Eh kasi raw po gusto niya boss agad siya eh ang available lang na trabaho ay janitor" pagpapaliwanag ni Jordan.
Bigla namang naalala ni Steph ang Ina.
"Nasan si mama?" Nag aalalang tanong ni steph.
"Nasa ku--" hindi na natapos ni Jordan ang sasabihin ng biglang may kung anong nabasag sa kanilang kusina.
"SI MAMA!"
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019