Rose's POV:
"I miss you too anak" mahinang sambit ko at alam kong hindi niya narinig kaya't nagpatuloy na sila sa paglakad.
Alam kong mali ang pagtrato ko sa kanya at mali ang sisihin ko siya sa pagkawala ng daddy niya pero yun lang ang alam kong paraan para mailayo ko siya sa nagbabadyang kapahamakan.
Kinailangan kong lumayo sa kanya para sa ikabubuti naming dalawa. Natatakot ako na baka pati siya mawala kaya kahit mahirap, kailangan kong gawin.
Alam kong makasarili ako dahil hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanya at alam ko rin na balang araw iiwan din siya ng lalaking kasama niya. Pinapangako ko na sa sandaling mangyari yun, nandoon na ako sa tabi nya.
"Daddy?dinalhan ka ng baby girl mo ng cake, naalala niya birthday mo,nakalimutan naman niya ako"bulong ko sa puntod ni jack.
Kinuha ko ang cake na nakalagay sa tabi ng puntod niya upang buksan at sindihan ang kandila nito.
Happy birthday Daddy and Mommy
nakalagay sa cake na dala ni Dhenzel , akala ko nakalimutan na niya ang birthday ko.
Napangiti ako sa kawalan at nagpunas ng mga luhang kanina pa tumutulo sa lapida ni Jack.
"Anong tinitingin tingin mo dyan, oo nga pala natutulog ka na?" Para akong baliw na kinakausap ang lapida niya.
"I really miss you my Jack, hayaan mo kapag nakita ko na si Rijo pwede na kitang tabihan" Pagbibiro ko sa kanya.
Dumidilim na rin kaya nagpasiya na akong umuwi, hindi sa bago kong tinutuluyan kundi sa bahay na aking iniwan, sa bahay ni Dhenzel.
Mabuti nalang at yun pa rin ang padlock ng bahay nito kaya't nakapasok ako. Mula sa pintuan ay natanaw ko ang loob ng bahay kung saan nagsimula lahat ng masasayang alaala. Nilibot ko ang loob at hindi pa rin nagbago ang ayos nito mula sa sala , sa kusina, at ang ayos ng kwarto namin ni Jack.
Inaalagaan pa rin ni Dhenzel ang kwarto namin kahit wala ako, ang mga litrato ay tila bago at walang makikitang alikabok ,pati ang kama maayos pa rin. Naalala ko tuloy ang mga panahon na nagjejerjeran kami ni Jack hihihi.
Pinuntahan ko ang kwarto ni Dhenzel at nakita kong magulo ito, nagkalat ang mga papel sa buong kwarto, pumulot ako ng isa at binasa
I'm sorry mommy,uwi ka na po
tila nabasag ang puso ko nang mabasa ang nasa papel. Hindi ko lubos maisip kung bakit sa amin pa nangyayari ang mga ganito.
Naghihirapan na ako sa sitwasyon ko. Gusto ko nang hawakan ,yakapin o kahit malapitan man lang siya pero hindi ko magawa dahil sa putanginang aksidente nung mawala ang daddy niya.
Hating gabi na pero nandito pa rin ako sa bahay ni Dhenzel gusto ko kasi siyang makita kahit ayoko, gusto ko siyang hawakan at yakapin kahit galit ako.
Biglang bumukas ang pinto at narinig kong umiiyak si Dhenzel kaya dali dali akong lumabas ng kwarto at nakita ko siya sa sala.
Sa mga oras na yun gusto ng sumabog ng puso ko dahil nakikita ko siyang umiiyak at hindi ko alam kung bakit.
"Anak" mahinang sabi ko. Napatingin naman ako sa labas ng bahay bago siya sumagot.
Napatingin naman siya sakin at ngumiti ,ngiti na parang batang binigyan ng candy at ngiting parang sabik na sabik sa kanyang Ina.
"Mommy,tinawag mo akong anak" nakangiti niyang sabi habang patuloy ang pag tulo ng kanyang mga luha.
"Anak ng puta, bakit ka umiiyak! ,Huwag mo akong tingnan ng ganyan baka mapatay kita!,TANDAAN mo wala kang kwentang anak!"Sigaw ko sa kanya.
Agad naman nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.Kinuha ko ang aking bag at lumuluhang lumabas ng bahay, labag man sa kalooban kong sabihin ang mga katagang iyon pero alam kong tama ang ginawa ko.
"Let's go" masayang sabi ni Fernando.
"Okay!" Mahinahon kong sabi at nagpatuloy na sa paglalakad kasama siya.
Naiwang mag isa si Dhenzel sa loob ng bahay, nadudurog ang puso ko sa ginawa ko sa kanya kanina pero yun lang ang alam kong ikabubuti namin dalawa.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
Genel KurguPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019