Chapter 37

27 7 0
                                    

Dhenzel's POV:

"Hoy babae! Napapansin ko lagi na kayong magkasama ng Denver na 'yan ah! Akala ko ba siya yung kinaiinisan mo aber" sermon sa'kin ni Steph habang naglalakad kami papunta sa canteen. Gutom lang siguro ang palaka kaya nagdadadakdak, hindi siguro nakahuli ng insekto HAHAHHA.

"Hindi ko nga rin alam eh pero kasi dumating na lang sa punto na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ang palaka. "Huwag mong sabihing KAYO NA!?" Grabe ang OA magreact akala mo naman inano hays sabagay ang bilis din kasi ng pangyayari kaya hindi ko namalayang kami na pala CHARENG!

"Baliw kaba? Walang kami dahil magkaibigan lang kami okay" pagpapaliwanag ko sa kanya. Tila hindi naman sumang ayon si bakla sa sinabi ko." Mamatay!" Agad niyang sabi." Mamatay ka man!" Tatawa tawa kong sabi.

"Pero maiba ako, sa susunod na linggo na ang punta natin sa Paris, France ah don't forget" pagpapaalala ni Steph sa'kin. HALA oo nga pala! December na pala sa susunod na linggo at hindi ko namalayan dahil sa dami ng gawain sa school hays.

Pagtapos naming kumain ay sunod kaming pumunta sa library upang magbasa basa ng mga libro, wala na rin kasing ginagawa sa room namin at bukod sa napakaboring ay napakaingay din kaya mas magandang dumito kami sa library kung saan tahimik at walang epal.

"Hi babe" masayang  sabi ni Denver na ngayo'y papalapit sa direksyon namin ni Steph. Nakakainis akala ko ligtas na ako, may mang aasar na naman pala tsk! "Pwede ba Denver kung mang aasar ka lang please! Wag ngayon" bulong ko sa kanya dahil bawal nga ang maingay dito sa library." Paano kung sabihin kong ayaw ko, may magagawa ka ba?" Pang aasar nito sa'kin. "Bahala ka" mataray kong sabi at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng libro. Akala ko titigilan niya na ako pero panay ang kalabit at pagtitig niya sa'kin na siyang dahilan para mailang ako pero habang hindi ko siya pinapansin ay lalo siyang nagpapapansin kainisssss!

"Denver ano ba!" Napasigaw na ako sa sobrang galit, napatingin tuloy sa akin ang lahat ng taong nasa library shocks!" Sorry" paghingi ko ng paumanhin sa mga estudyanteng kasama namin. Napatingin naman ako kay Denver na kasalukuyang tumawa, bakit? Anong nakakatawa?

"Psst? Bakit ka tumatawa?bulong ko sa kanya, tumabi naman siya sa'kin bago nagsalita. "Ang cute mo kasi kapag naiinis" sagot niya na siyang dahilan para mamula ako OMYYYY! Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ni Steph ng makita akong namumula. Napailing na lang siya at saka nagpatuloy sa pagbabasa. Kainiss kasi 'tong lalaking to! Kung kailan naiinis ako saka niya ako pakikiligin HALA! Kilig? Ano yun? Diko alam 'yun.

Alas 5 ng hapon ng nagpasiya kaming umuwi na, napakaboring na kasi sa loob ng buong campus. "Mauna na ako" pagpapaalam ni Steph sabay ngumiti sa'kin at kay Denver na nasa tabi ko. "Ingat" masaya kong sabi kay Steph habang kumakaway. Nagsimula na kaming maglakad ng biglang humarang ang isang lalaki sa harap namin. "Denver? Girlfriend mo? Ang ganda niya" Manghang mangha ang lalaking nasa harap namin ngayon dahil sa ganda ko kaya napa flip ako ng hair at ngumiti sa kanya. "Hindi pa" masayang tugon ni Denver at hinawakan ang kamay ko at naglakad. Wait? Tama ba yung narinig ko? Hindi PA? Omggggg! So ibig sabihin ! no Dhenzel wag mag assume.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng biglang natanggal ang sintas ng rubber shoes ko kaya inayos niya ito,omyyy kinikilig ako dahil para akong girl na binabasa ko sa  wattpad hehehehe. Huminto kami sa isang kanto at bumili ng fish ball at kikiam at kwek kwek , sobrang nagutom ako kaya naubos ko agad ang sa akin at sinubuan niya ako ng isang kwek kwek mula sa kanya YUM YUM! Itlog mula sa kanya hehez. Pagkagat ko ng kwek kwek ay biglang sumirip ang sauce nito dahilan para umapaw sa bibig ko pero agad naman niyang pinunasan, katas mula sa itlog niya ehe ehe. "Dahan dahan lang kasi sa pagsubo baka mabulunan ka" kagat labi niyang sabi. HALA! subo? Mabulunan? May kung ano tuloy na gumalaw sa kalamnan ko dahil sa sinabi niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nag aasaran at naghaharutan hanggang sa may kotseng dumaan malapit samin at muntik na akong mabangga , mabuti na lang at nahila agad ako ni Denver na ngayon ay nasa ibabaw ko Noooo! Agad akong napatayo at nag ayos ng sarili at ganun din siya.

"Sa susunod huwag ka na kasing bibitaw sa'kin" nakangiti niyang sabi habang nakalahad ang kamay niya sa'kin. Biglang tumigil ang pagtakbo ng oras kasabay ang Pagbagal ng buong paligid maliban sa kanyang mukha na kasalukuyang nakatitig sa'kin.

I wish I could stand on a star
I wis I could be where you are
They say "don't you ever give up"
It's so hard to be something when you're not

Akala ko habang buhay na akong mag isa.  Akala ko mag isa na lang akong maglalakad sa madilim na kalsada.Akala ko hanggang dito nalang ako, mali pala ako.


But I have walked alone
With the stars in the moonlit night
I have walked alone
No one by my side



Dahil may kasama na ako at nangakong hindi na bibitawan ang kamay ko kaya kakapit na ako ano man ang kahihinatnan nito.




Now I walked with you
With my head held high
In the darkest sky
I feel so alive

Siguro ito na ang pangalawang pagkakataon , ang pagkakataon kung saan handa na ako, handa na akong sumugal sa taong nasa tabi ko.

Nasanay na akong mag isang naglalakad sa ilalim ng buwan at mga bituin, mag isang naglalakad at walang kasama pero ngayon kasama ko na siyang naglalakad sa madilim na kalsada habang hawak ang kamay ko ng walang pag aalinpangan, siguro ito na nga, natatakot man ako pero wala namang masama kung...........

Susugal ako.

But I have walked alone
With the stars in the moonlit night
I have walked alone
No one by my side

Now I walked with you
With my head held high
In the darkest sky
I feel so alive


"Pangako, hinding hindi na ulit ako bibitaw" masayang tugon ko.

Featured Song:

Walk with me by: BELLA THORNE

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon