Dhenzel's POV:
"Sino siya pare?" Tanong ni Drake na halatang naguguluhan. Ang akala ko naikwento ako ni Andre sa mga kaibigan niya yun pala hindi,sinikreto niya lang ang relasyon namin.
"Ah eh Drake and Sabrina si Dhenzel nga pala, ka-" biglang naputol ang sasabihin ni Andre ng sumingit ako.
"Dhenzel ,kaibigan niya" mapait kong sabi at pinilit pigilan ang mga luhang nagbabadya. Tumango lang si Andre sa sinabi ko .Agad naman akong bumaling kay Drake at nagtanong.
"Nasan yung cr niyo,pwedeng makigamit naiihi na kasi ako eh" pagsisinungaling ko. Tinuro naman ni Drake ang cr. Nagkunwari akong sumasakit ang pantog ko pero ang totoo hindi pantog ang masakit sa akin , kundi ang puso ko.
Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng lahat. Pakiramdam ko pati si Andre inabandona rin ako at hindi man lang sinalungat ang sinabi ko. Umaasa kasi akong ipagmamalaki niya ako pero hindi. Sa loob ng cr ako umiyak ng umiyak , halos kalahatimg oras na akong nasa cr bago magpasiya na lumabas na dahil baka mahalata na nila. Naghilamos ako at nag ayos bago lumabas. Iniisip ko na baka sosorpresahin ako ni Andre kaya ganun ang inasal niya.
Paglabas ko ng banyo nasorpresa nga ako dahil nakita kong naghahalikan sina Andre at Sabrina. Nadurog ang puso ko ng mga sandaling iyon. Nagkunwari akong walang nakita at nagpatuloy sa paglalakad papuntang kotse ni Andre ng umiiyak at muntik pa nga akong mabangga sa pintuan dahil hindi ko na halos makita ang nilalakaran ko dahil sa mga luha ko. Ang masakit pa ay kahit nakita akong umiiyak ni Andre ay nagpatuloy siya sa ginagawa nila.
Mula sa kotse tanaw ko silang lahat na nagsasaya, pati si Andre nakalimutan na atang may kasama siya. Narinig ko ring nag cheers ang lahat dahil kay Andre at Sabrina. Gusto ko mang umuwi mag isa pero binabaan ko nalang ang pride ko dahil malayo pa bago ako makauwi kung ako lang mag isa.
Tapos na ang party at papunta na rin si Andre at Sabrina sa kotse niya, naghahalikan pa rin sila. Binuksan ni Andre ang pintuan ng kotse niya at nagpanggap akong natutulog, nagulat silang dalawa ng makita ako. Nung mga oras na yun hindi ko alam kung sinasadya ni Andre na saktan ako o ano. Nagpaalam na si Andre kay Sabrina at nag wika
"Iloveyou" rinig na rinig ko ang salitang binitawan ni Andre kay Sabrina. Kunwari'y nagising ako at nagkatinginan kami pero siya ang unang umiwas. Kita ko sa mata niya ang saya na para bang hindi na niya ako kailangan. Nagkunwari akong walang nakita at naging tahimik ang biyahe hanggang sa nagsalita si Andre.
"Zel? Naaalala mo ba yung sinabi mo sakin na sabihin ko sayo kung may nagugustuhan na akong iba" pagpapaalala niya sa akin. Gusto kong magkunwaring hindi alam ang sinasabi niya dahil natatakot akong sabihin niyang mahal niya na ulit si Sabrina.
"Oo naman bakit meron ka na bang nagugustuhan" pag manang maangan kong sabi.
"Oo ,Nagugustuhan ko na ulit si Sabrina"masayang sabi niya na ikinasikip ng dibdib ko at parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit. Sinabi ko sa sarili ko na panaginip lang lahat ng ito pero pati sarili ko pinagtaksilan ako. Totoo pala ang lahat.
Naisip ko ,totoo pala yung sinasabi nilang kapag mahal mo handa kang magparaya para makita siyang masaya,kahit sa piling pa ng iba. Handa kang magbulag bulagan para sa kanya. Tahimik akong umiiyak sa loob ng kotse ,ang tanging iniisip ko ay paano na yung pangako niya ,paano na ang mga plano namin at
Paano na kami?.
Hating gabi na nang makauwi kami sa bahay at doon natapos ang tatlong taon naming relasyon. Unti unti nalang naglaho ang kotse niya at naiwan akong mag isa.
Madilim na pala ng matapos ako sa pagkukwento at itong si Steph ,ayun tinulugan ako kung sabagay pagod ito sa trabaho at sa eskwela pero hindi pa rin nawala ang inis ko kaya kahit tulog siya ay kinaltukan ko sa noo. Huli na ng mapagtanto ko ang ginawa ko kaya natawa nalang ako. Nagising naman si bakla at napahawak sa noo , mukha atang napalakas ang kaltok ko.
"Ang sakit ng noo ko, parang may matigas na bagay na bumagsak dito" pagrereklamo nito. Natawa naman ako dahil mukhang ininda niya yun.
"Malikot ka kasing matulog kaya nauntog ka" Pagpapalusot ko at nagpatuloy siya sa pagtulog.
Pinagmasdan ko naman ang paglubog ng haring araw at napaisip.
Paano kaya kung hindi ko siya sinukuan?
Paano kaya kung hindi ako nagparaya?
Paano kaya kung ipinaglaban ko siya kahit mahal niya pa yung isa?
Siguro kami pa
Siguro hindi ako nasasaktan
Siguro hindi ako nahihirapan pero siguro mali ang iniisip ko kasi sa umpisa palang ako nalang ang lumalaban at nagpapakatanga para sa relasyong hindi ipinaglaban.
Sa relasyong kami lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019