Chapter 21

35 7 0
                                    

Rose's POV:

"T-ITA S-I D-HEN-ZEL PO" hagulhol niyang sabi.biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"ANONG NANGYARI SA KANYA?" Nag aalalang tanong ko, pati ako natataranta na tuloy.

"Uma-lis lang po a-ko sag-lit tapos pagbalik k-o po" nahihirapan niyang sabi. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil sa inasal ni Steph.

"Ano" tanong ko sa kanya na may halong Sigaw.

"Hindi na po tumitibok yung puso niya" sabay hagulgol niya at napaupo sa lapag. Hindi naman ako naniniwala sa kanya.

"Ano? Huwag mo akong niloloko Steph ah" pagbabanta ko sa kanya at nakita kong nagmamadali ang mga doktor papunta sa kung saan. Inalalayan ko si Steph at dali dali kaming tumakbo papunta sa kwarto ng kinalalagyan ni Dhenzel. "Kailangan ako ng anak ko" paulit ulit kong sabi sa isip ko.

"Dhenzel anak hintayin mo ako" nanghihina kong sabi habang patuloy kami sa pagtakbo. Hindi ko iniinda ang pagod sa pagtakbo dahil gusto kong maaabutang buhay ang anak ko pero.....

Pakiramdam ko sa bawat hakbang ng mga paa ko...

Sa bawat isang segundo...

Sa bawat pagpatak ng luha sa mga mata ko...

Sa bawat kantong dadaanan ko...

Hindi ko na maaabutang buhay ang anak ko.

Nagsisisi ako, natatakot ako, at hindi ko kayang pati ang anak ko, huwag naman sana...

Nang makarating kami sa kwarto ni Dhenzel ay agad kaming hinarang ng mga doktor at sinabing hindi kami pwedeng pumasok . Mula sa labas nakatanaw kami ni Steph habang patuloy na nirerevive ng mga doktor sa loob si Dhenzel. Wala kaming magawa kundi ang umiyak at maghintay. Alam kong hindi kami iiwan ni Dhenzel ,hindi pa ako handa, hindi ko pa kaya at ayokong maiwang mag isa. Ayokong sa ganitong paraan lang matatapos ang buhay niya dahil marami pa siyang pangarap.Naramdaman kong niyakap ako ni Steph na katabi ko na ngayon.

"Hindi po niya tayo iiwan tita, alam ko pong lalaban siya"pilit na sabi ni Steph. Medyo gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni Steph pero patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko.Maya maya ay bumukas na ang pinto at iniluwa ang mga doktor na agad naming sinalubong.

"Patawad po" malungkot na sabi ng isang doktor. "Hindi po siya lumaban"dagdag pa nito at doon nakita kong nakatalukbong ng puting kumot ang anak ko, tila binuhusan ako ng malamig na tubig at naestatwa sa aking kinatatayuan. "Hindi pwede ito ,hindi ito totoo, buhay pa ang anak ko, nananaginip lang ako"paulit ulit na sabi ko sa isip ko habang umiiling pero ang realidad na ang mismong gumising sa akin.

"DHENZEELLL!" Agad akong lumapit sa kinaroroonan ni Dhenzel at umiyak ng umiyak sa harap niya. Ang tanga tanga ko, ang hina hina ko , ang duwag ko dahil hindi ko ipinaglaban ang anak ko. Nakahawak ako sa kamay niyang malamig at pinipilit siyang gisingin.

"Anak bangon na nandito na si mommy " sabay tapik ko sa balikat niya. Narinig ko namang inaaway ni Steph ang mga doktor.

"Anak please" pagmamakaawa ko sa kanya pero hindi siya nagising. Nakita kong lumapit na rin si Steph kay Dhenzel na umiiyak.

"Zel gising ka na, may pasok pa tayo diba, pupunta ka pa sa kasal ko diba, sabi mo walang iwanan kaya bumangon ka na huwag ka ng magbiro"Piyok na sabi ni Steph pero wala pa ring nangyayari. Pumunta si Steph sa gawi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Paano na ako ngayon Steph, iniwan na ako ni Dhenzel, hindi ko na alam ang magiging takbo ng buhay ko, Steph gisingin mo nga ako" pagmamakaawa ko kay Steph. Hindi naman siya kumibo dahil patuloy din siya sa pag iyak.

Naramdaman kong biglang nagdidilim ang paligid ko kaya tumayo ako at nagpagewang gewang hanggang sa naramdaman kong bumagsak ako sa sahig kasunod ang paglapit ni Steph sa akin.

"Patawad Dhenzel" mahinang sabi ko at nagsimula ng bumagal ang takbo ng oras kasunod ang tuluyang pagdilim ng paligid.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon