Dhenzel's POV:
Gustong gusto ko ng pumunta sa Eiffel Tower kaso kailangan daw munang magpahinga dahil pagod sa biyahe kaya no choice ako kundi maghintay. Kasalukuyan kaming nasa iisang kwarto ni bakla habang nasa kabilang kwarto naman si Denver at Jhonson. "Bakla? Anong oras na tayo pupunta sa Eiffel Tower?" Pangungulit ko kay Steph na kasalukuyang nakahiga sa kama."mamayang gabi pa siguro kasi pagod si Jhonson sa biyahe kaya magpahinga ka muna para more energy mamaya okay" tugon ni Steph. Hays, nakakaboring ang mag stay dito sa loob ng kwarto ano kayang magandang gawin? HALA! Oo nga pala yung diary ko! Agad kong kinuha ang maleta ko at saka hinanap ang notebook ko. Mabuti na lang at nadala ko siya.
Rijo,
Sorry kung matagal bago ako nakapag sulat ulit, alam mo kahit wala ka pa, kahit hidi pa kita nakikita, may nakilala akong katulad mo na mapang asar sa umpisa pero mabait naman pala ,ang pangalan niya ay Denver huwag lang magseselos ah kasi mag kaibigan lang kami nun pero alam mo minsan kinikilig ako sa kanya HALA sana hindi ka magselos ah kasi ikaw pa rin yung hinihintay ko. Pangako 'yan. Pero baka may asawa ka na or girlfriend hays.
-Dhenzel
At saka ko idinikit ang picture na kuha ni Denver kanina pagbaba namin ng eroplano kung saan sobrang laki ng ngiti ko na halos map unit na ang buong mukha ko. Nakaramdam ako ng antok kaya itinabi ko na ang notebook ko at natulog.
"DHENZEL! DHENZEL! GUMISING KA NA PUPUNTA NA TAYO SA EIFFEL TOWER!" Paggising sa'kin ni Steph habang niyuyugyog ako. Napaunat naman ako at nagtanong." Nasan na ba sila?" Walang gana kong tanong." Nasa labas na naghihintay" masayang sabi ni Steph na ngayon ay nakasuot ng simple pero galanteng damit panlalaki, ayaw kasi ni Johnson na nagsusuot siya ng pambabae kasi ayaw niyang nababastos si Steph awa how sweeet!. Bigla naman akong bumalik sa realidad ng mag sink in sa utal ko ang sinabi ni steph.
Nasa labas na naghihintay
Nasa labas na naghihintay
Wtf* dali dali akong napatayo at saka nagtungo sa banyo para maligo at saka dali daling nag ayos ng sarili. Simpleng make up lang ang ginawa ko para hindi na ako tumagal. Paglakad namin sa kwarto ay bumungad sa amin ang dalawang gwapong lalaki na naghihintay sa amin. Nakasuot sila ng casual lang pero ang lakas ng dating dahilan para matulala kami ni steph.
"Let's go" sabay nilang sabi at saka palang kami natauhan ni Steph.
Halos kalahating oras lang lumipas at nakarating na kami sa Eiffel Tower at kasalukuyan kaming nasa paanan nito. Grabe sobrang ganda talaga niya, mas maganda pa sa larawan at sa inaakala ko. Sobrang liwanag ng paligid dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw at ang napakalakas na tower na nasa harapan namin ngayon. Ang ingay na nagmumula sa mga taong dumadaan at mga taong nagkukumpulan. Sobrang dami na naming pictures bago kami nagpasiya na tumigil na at pagmasdan na lang ang tower at Samhain ang simoy ng hangin. Nagpaalam din silang tatlo na bibili lang ng pagkain at naiwan akong mag isa.Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad natuon ang atensyon ko sa mga taong nagkukumpulan at nagtatawanan ng makita ko isang lalaking pamilyar......... Si Andre. Kahit maraming tao ang dumadaan ay hindi ko pa rin maiwas ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakatingin na rin sakin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at parang nagslowmo ang paligid dahil sa mga ngiti niya.
May mga bagay talaga na nagbabago ng tuluyan ngunit hindi natin namamalayan pero bakit ganito ang nararamdaman ko ? Imposibleng hanggang ngayon siya pa rin ang tinitibok nitong puso ko dahil matagal na siyang kinalimutan nito. Hindi kaya............
"Ikaw pa rin" bulong ko sa hangin habang nakatingin ako kay Andre.
Ipipikit aking mata............
At magdarasal na makapiling ka....
Umaga man, o gabi......
Hindi magsasawang sa'yo ay babalik...Balik- balikan ang ala-alang kay tamis........
'Wag na 'wag ka sanang umalis.......Ilang ulit kong sasabihin sa'yo na
Ikaw pa rin...........
Ikaw lamang ang natatanging pag ibig
Ikaw pa rin...........Awatin ko man ang isip ko, bakit siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko , paano ang nararamdaman ko kay denver? Hindi pwedeng dalawa ang mahal ko? Naguguluhan ako , sino ba ang pipiliin ko?ang lalaking binuo ko pero sinira ako o ang lalaking binuo ako pero sisirain ko?
Hindi ko namalayang na tumatakbo na siya Palapit sakin ngayon habang nakangiti kasunod nun ang pag lingon ko kay Denver na kasalukuyan ding tumatakbo palapit sa'kin.Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Sino ang pupuntahan ko? Ang sumira o ang bumuo?
Halika na, sumama ka...........
Sabay nating haharapin ang bawat pagsubo ko ng mundo..........
Hanggang dulo.........
Hindi ipagpapalit.......
Magaling paulit-ulit.....Uulit-uliting sambitin.........
Ikaw at ikaw pa rin.........Gusto kong itaboy si Andre pero hindi ko kayang gawin kasi gusto ko rin siyang makasama.
Ilang ulit kong sasabihin sa'yo na
Ikaw pa rin...........
Ikaw lamang ang natatanging pag ibig
Ikaw pa rin...........Gusto ko siyang lapitan pero kay Denver lumakad ang mga paa ko. Nang makalapit ako kay Denver ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. "Tara doon sa restaurant, naghihintay sila" hingal niyang sabi at saka naglakad palayo sa tower kung saan nandoon si Andre. Lumingon ako sa kinaroroonan niya at nakita kong nakatayo lang siya habang nakatingin sa'kin pero agad siyang natabunan ng maraming tao.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa restaurant, isang restaurant na napaka ganda, sobrang laki at punong puno ng mga kumikinang na palamuti, iba't ibang disenyo ng upuan at iba't ibang tao ang aming kasama. Umupo ako sa tabi ni Steph habang katapat naman namin ang sila Johnson at Denver na kasalukuyang umoorder." Bakla? Bakit ang tagal niyo?" Bulong sa'kin ni stephen." Nakita ko si Andre" tugon ko naman. Biglang nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Bigla namang napalingon sa amin ang dalawa kaya umayos kami ng upo.
Magsisimula na kaming kumain ng biglang may umupo sa tabi ng table namin. Siniko ako ni Steph at saka ngumuso. "Ang Bastos mo naman bakla" bulong ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo at saka itinuro ang taong tumabi sa amin gamit ang kaniyang tinidor. Kahit na ayaw ko ay napilitan akong lumingon dito ay nakita ko si
Andre.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya habang nakangisi lang siya sa gawi naman. Ngayon ko lang ulit siya natitigan at masasabi kong walang nagbago sa kanya.Ilang saglit akong natulala sa kanya nang dumating ang isang napakagandang babae na nakasuot ng mamahaling damit , si Sabrina. Kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na lumingon sa kanila. Patapos na kaming kumain nang nagpaalam ako na mag ccr at akmang tatayo na ako ng bigla akong nadulas dahil sa natapong tubig
at nauntog ang ulo ko sa sahig at nahilo. Umiikot ang buong paligid ko hanggang sa may narinig akong dalawang tinig na pamilyar."DHENZEL!" Sigaw nilang dalawa at tuluyan ng magdilim ang paningin ko.
Featured Song:
Ikaw pa rin by: RAFFY CALICDAN
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019