Chapter 11

26 8 1
                                    

Dhenzel's POV:

1..2..3..4..5, ilang linggo na ba akong nagkukulong sa kwarto na ito?. Ilang linggo na bang basa ang unan ko?. Ilang linggo na bang sumasakit ang puso ko?. Ilang linggo na ba simula ng iwan niya ako?. At ilang linggo na bang wala siya sa tabi ko?. Hindi ko alam.

Tumulo na naman ang mga luha sa mga mata ko. Pagod na yung puso ko pero yung mga mata ko,hindi pa.Bakit ba kasi kailangang masaktan kapag nagmamahal? Bakit kailangang pagtagpuin eh hindi naman nakatadhana. Bakit?

*kring *kring

Bakit ba kasi may baklang maninira ng momentum, Nakakainissss!.Kaagad kong kinuha ang phone ko at sinagot.

"Bakla ano na?anong petsa na ?ilang linggo ka ng hindi pumapasok, ano bang problema?" Nag aalala na may halong sermon na tanong ni Steph.

Mabuti nalang at hindi alam ni Steph ang nangyari dahil busy sya sa school works at sa pagtatrabaho sa isang restaurant sa gabi. May edad na rin kasi si tita Maggie yung mama ni Steph  at iniwan naman sila ng papa niya  I mean sumakabilang buhay na kaya si Steph na ang nagpapakapagod para makapag aral silang apat na magkakapatid.

"I miss you Steph" mabuti pa siya naaalala ako kahit busy siya eh si Andre,simula nung makita niya ulit si Sabrina ito basura nalang ako. Bakit? Huhuhu

"Papasok ka ba o hindi , babanatin ko yang pempem mo!"nanggagalaiti niyang sabi.  Natawa naman ako sa inasal niya bigla ko tuloy na miss si bakla. Siguro kailangan ko munang magpanggap para hindi ako mukhang nasasaktan sa harap ng lahat.

"Oo papasok na madam". Mahinahon  kong sabi. Kaya mo yan Dhenzel fight fight the great pretender!

Agad akong nagbihis at pumasok sa school, ito kasing si Steph may ikukwento raw na mahalaga. Halos maubusan na ako ng hininga ng makarating sa university, kitang kita ko ang mga ngiting hanggang batok ni bakla na papalapit sakin , mukhang wala   talaga siyang ideya sa nangyari samin ni Andre.

"Bakla bakla!" Sigaw niya habang palapit sakin. Akala mo naman sobrang tagal bago nagkita.

"Teka bakit hingal na hingal at pawis na pawis ka?" Nag aalalang tanong niya.

"Tumak-bo lang ka-si ako para naka-pa-sok ng maaga, may im-por-tante  kang sasabihin diba?" Naghihingalo kong sabi, naghihingalo? Pinagsasabi mo Dhenzel WAAH!

"Hindi ka hinatid ni Andre?" Takang tanong niya. Titig lang  ang naisukli ko sa kanya. Ayokong magsalita dahil baka maluha lang ako sa harap niya.

"Haynaku halika kakain tayo sa canteen para mawala ang pagod mo". Nagmamadali niyang sabi sabay hatak sakin. Napangiti nalang ako sa ginawa ni bakla, naisip ko napakaswerte ko kasi nakahanap ako ng tulad niya na kayang tiisin yung ugali ko.

Habang naglalakad kami ay abala ako sa pagtingin sa bawat paligid. Napansin naman ito ni Steph.

"Bakla anyare sayo?naengkanto ka ba?" Pang aasar sakin ni bakla.

"Ah eh may hinahanap kasi akong importante , iniwan niya kasi ako este naiwan ko kasi"mahina kong sabi.

"Anong tinira mo katol? Siguro gutom ka lang, bilisan mo maglakad malapit na tayo" naaatat na sabi ni Steph.

----------

"Ayun na nga, nagtatrabaho ako sa restaurant diba medyo pagod na ako nun pero keri lang. Magsasarado na sana kami pero biglang may bumili , akala ko binili ng ulam yung pala gustong bilhin yung puso ko ahihihihi" kilig na kilig niyang sabi.

"Tapos akala ko kakain siya yung pala ako ang kakainin niya HAHAHAHAHA" sabay halakhak niya.

"Bastos  ka talaga" tatawa tawa kong sabi.

Nagpatuloy sa pagkukwento si Steph , sa puntong yun nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko at napalitan ito ng saya, kahit papaano.

"HAHAHAHAHAHAHA" sabay kaming nagtawanan.

"Bakla sandali lang ah mag ccr lang ako". Pagpapaalam ni Steph. Natawa ako sa isip ko , paano ba naman kasi kapag nagjebs si Steph ay siguradong mananatili ang amoy nito sa cr baka nga pati inidoro sukuan siya HAHAHAHHA. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hinintay na bumalik si Steph. Kaya ko naman palang ngumiti kahit kaunti kahit na nasasaktan ako, nakuuu Dhenzel ang drama!

"Kumusta bakla? Naisuka ba ng inidoro yung jebak mo?" Tatawa tawa kong tanong nang bumalik siya.

"Bakla? Bakit hindi mo sinabi sakin"biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ,naging seryoso ito. Naisip ko baka alam niya ang nangyari samin ni Andre.

"Ah eh yun ba ,ayoko lang kasi na mag-" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Na magbabakasyon kayo ni Andre sa America, I'm so happy for you bebegurl" masayang sabi ni Stephen.

"At mamaya na kayo aalis,kaya pala nagmamadali ka ah,pasalubong ko ah"dagdag pa niya. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig.

"AALIS NA SI ANDRE!,KAILANGAN KO SIYANG MAKAUSAP!" Sigaw ko sabay iniwan ko si Steph na kumakain.

Habang nagmamadali ako palabas ng canteen, narinig kong may sumigaw sa cr.Napatingin ako kay Steph na nanginginig at nagmamadali na kumukuha ng pera at inilagay sa table at sumunod sakin.

"Sama ako sayo zel"tarantang sabi ni Steph. Aalis na sana kami ng biglang may sumigaw.

"ANG BAHOOOOO!" Tinig na nanggagaling sa cr. nagkatinginan kami ni Steph. Alam naming dahil yun sa kabahuan ng tae ni bakla WAHHH!

"PATAY,TAKBOOOO!" Sigaw naming dalawa palabas ng canteen habang tumatawa.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon