Chapter 22

33 7 0
                                    

Dhenzel's POV:

Isang malakas na hampas ng agos sa dagat ang gumising sa akin. Teka nasan ako! Ommyy anong nangyari?huhuhu. Bakit ako napunta dito,wait oo nga pala nalunod ako sa dagat so ibig sabihin nasa isang isla ako mygaaaddd! Steph !mommy help!.

Sobrang natataranta ako jussme mamaya may mga taong gubat na kumuha sa akin at gawin akong pagkain katulad ng mga napapanood ko NOOO!.

Sa sobrang pag iisip ko , hindi ko nakita kung gaano kagandahan ang islang ito, puro puno , iba't ibang halaman at tanging lagaslas lang ng tubig dagat ang maingay. Paano ba ako napunta dito?huhuhu.

Napalingon naman ako sa dagat na kulay asul , napakaganda talaga at  nakagagaan ng loob. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang  simoy ng hangin *enhale *exhale . Ilang saglit lang ay naramdaman kong may hunawak sa balikat ko, jussme huwag sana taong gubat!. Dahan dahan akong lumingon sa likod at nakita ko........ Si DADDY!

Gustong tumalon ng puso ko dahil sa sobrang saya dahil nasa harapan ko na ang taong gustong gusto kong makita, agad akong lumapit kay daddy at yumakap. Napakasarap maramdaman ang yakap ng isang ama. Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Wala na akong pakialam kung kunin man kami ng taong gubat basta kasama ko si daddy HEHEZ.

"Imissyouprincess" masayang sabi ni daddy habang nakayakap sakin. Ito naman si daddy ang laki ko na princess pa rin ang tawag sakin hihihi nakakahiya!

"Imissyoumoredaddy" napakasaya ko ngayon dahil nakita ko ulit si daddy Ommyy!nananaginip ba ako teka! Mukhang panaginip nga ito SANA HINDIII!.

"Daddy nasaan po tayo?" Tanong ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Nandito tayo sa lugar kung saan sinusundo ang  mga patay" mahinahong sabi ni daddy na nagpakabog ng dibdib ko whattt sinusundo ? Patay? Nooooo!

"Ibig sabihin po sinusundo niyo na ako" may halong tuwa at lungkot na sabi ko. Tuwa dahil mala kasama ko na si daddy na matagal ko ng gusto at lungkot dahil maiwang mag isa si mommy. IKENNAT!

"Mukhang ganoon na nga aking prinsesa"masayang sabi ni daddy. Biglang may kung anong kumirot sa puso ko nang maisip kong maiiwan si mommy mag isa at walang kasama, paano na siya? Hindi ko kayang makita siyang mag isa kahit na lagi niya akong sinasaktan at sinisigawan. Napayuko na lang ako at ngunit kahit pilit.

"Hindi ka ba masaya aking prinsesa?" Nag aalalang tanong ni daddy. Naguguluhan na akooo! Gusto kong sumama kay daddy pero paano si mommy? Helpp!

"Masaya po pero paano na po si mommy?" Nag aalalang tanong ko. Napatingin naman sakin si daddy at ngumiti bago nagsalita.

"Kahit na lagi ka niyang sinisisi sa pagkawala ko at lagi ka niyang sinasaktan ay talagang hindi mo magawang magalit sa kanya" nakangiting sabi ni daddy. Mukhang naiintindihan niya ako, kahit kailan ay hindi ko kayang magalit kay mommy. Napangiti na lang ako saka yumuko.

"Gusto mong bumalik?" Tanong ni daddy.

"Gusto po pero gusto ko rin po kayong ma-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si daddy.

"Kung anong dahilan ng pagkawala ay siya rin paraan ng pagkabalik" masayang sabi ni daddy. Naguluhan ako sa sinabi niya, masyado talaga siyang malalim mygadd !

"Hindi ko po kayo main-" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit si daddy.

"Basta lagi mong tatandaan na lagi ko kayong gagabayan ng mommy mo dahil mahal na mahal ko kayo, hanggang sa muli aking prinsesa"madamdaming sabi ni daddy kasunod ay ang unti unti niyang paglaho na dumurog ng puso ko.

"Hanggang sa muli dad" Piyok kong sabi at napaupo sa buhangin. Paano ako? Paano ako tatawid o paano ako babalik? Hindi ko maintindihan. Napayakap nalang ako sa sarili ko sa sobrang takot, paano paano? Paulit ulit kong tanong.

Kung anong dahilan ng pagkawala ay siya rin paraan ng pagkabalik

Kung anong dahilan ng pagkawala ay siya rin paraan ng pagkabalik

Alam ko na! Dali dali akong pumunta sa lugar kung saan ako nagising, kailangan ko ulit magpahampas sa agos. Agad akong humiga at maghintay ng malakas na agos at ilang saglit lang natanaw ko ang malakas na agos na papunta sa akin

*Flash*

*cough *cough

Napapikit  ako dahil sa sobrang sakit ng ilong ko at ulo ko, napadami ata ang nalunok kong tubig pero pagdilat ko ay nandito pa rin ako. Mygadd ano na! Ano to variety show , bugtong o ano? Hellpsss!. Yata to na sana ako ng may kung anong kumapit sa paa ko at hinatak ako papunta sa dagat mygadd! Ano to chokoy huhuhu! Naramdaman kong unti unting lumulubog ang buong katawan ko sa dagat habang hawak pa rin ng chokoy ang paa ko MAMA!

Napakunot naman ang noo ng chokoy at may sinabi.

"Itong anb sabgotb" hindi ko na intindihan ang sinabi niya kaya binigyan ko siya ng anong sinasabi mo look.

"Itong anb sabgotb" ulit niyang sabi pero hindi ko pa rin maintindihan.

"Bib muli blab ngb cottonb buds paggisingb mob"hanudaw! . Lalong humigpit ang hawak ni chokoy sa paa ko kaya napasigaw ako at huli ko ng napagtanto na nasa ilalim ako ng tubig kaya't napadami ang inom ko ng tubig dahilan para hindi ako makahinga at unti unti na akong naubusan ng  hininga.

"AAAHHHHHHHH" napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at naghabol ng hininga.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon