Dhenzel's POV:
Isang buong araw kong hinanap si Denver para humingi ng tawad dahil sa nangyari sa canteen kanina pero hindi ko na siya nakita. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang pag aalala sa isip ko nung makita kong may luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Mali ba ako na gumanti sa kanya o tama ako pero mali lang ang nararamdaman ko?
Tumayo ako sa kama ko at kinuha ang bag ko. Kinuha ko ang picture kasama si Rijo mula dito at idinikit ito sa pangalawang pahina ng blankong notebook ko. Binili ko ang kulay sky blue na notebook na 'to para gawin kong sulatan ng kahit ano kapag bored ako.
Finding Rijo
Nakasulat sa unahang pahina ng notebook ko. Isusulat ko lahat ng mangyayari sa buhay ko habang hinahanap si Rijo at sisiguraduhin kong puro masasayang pangyayari lang ang isusulat ko dito. Itinabi ko na ulit ang notebook ko sa ilalim ng unan ko at saka natulog nang maalala ko ang sinabi ni Steph kanina.
"Bakla hindi mo ba alam famous 'yan si Denver tapos kinalaban mo, lagot ka! Iba pa naman daw yun magalit HALA KAA!" Pagbabanta sa akin ni bakla. Iba magalit? Bakit parang hindi naman siya yung Denver na nakita ko kanina? Bakit umiiyak siya at hindi ako ginantihan? Ayun ba yung matapang?
"Saan mo naman nalaman 'yan?" Tanong ko kay steph." Sa mga tao sa canteen" tugon niya.
Bumalik ako sa realidad ng biglang tumunog ang phone ko, si mommy.
"Hello anak? Ayos ka lang ba dyan sa bahay?" Nag aalalang tanong ni mommy.
"Opo mommy" tugon ko. Nakakapagtaka dahil nagiging madalas na siyang nag aalala sa akin ng wala namang dahilan.
"Okay matulog ka na , siguraduhin mong naka lock ang pinto ah, late na ako makakauwi" Nag aalalang sabi ni mommy. Hays baka pagod lang siya kaya siya nagkakaganyan ,hindi tuloy ako makapagpaalam tungkol sa pagpunta sa Paris, France dahil baka hindi niya ako payagan.
Alas dose na ng madaling araw at hindi pa rin ako makatulog , mabuti na lang at wala akong pasok ngayong araw. Tumayo ako sa Kama at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Pabalik na sana ako ng kwarto ng narinig kong nagsalita si mommy mula sa labs ng bahay.
"Subukang mo lang" narinig kong sabi niya. Gusto ko man makinis sa usapan nila mommy pero pinili kong pumunta sa kwarto ko at natulog.
Alas diyes na ng umaga nang magising ako, ang sakit ng mga mata ko huhuhu. Pupungas pungas akong pumunta sa kusina kung saan abala si mommy sa pagluluto. Mukhang hindi rin siya nakatulog ng maayos. Lumapit ako sa kanya at yumakap.
"Good morning mommy"masaya kong sabi. Naramdaman ko namang yumakap din siya sa'kin pabalik. Ang sarap sa pakiramdam ng mayakap ng isang ina. Bigla kong naalala ang tungkol sa pagpunta namin sa ibang bansa ni Steph, siguro ngayon na ang tamang oras para magpaalam.
"Mommy pwede po ba akong sumama kay Steph na mamasyal?" Malambing kong sabi habang patuloy na nakayakap sa kanya.
"Oo naman , saan ba kayo mamamasyal?" Masayang tugon ni mommy. "Sa Paris, France po pero matagal pa naman po yun, sa Decem--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si mommy.
"Hindi pwede!" Galit niyang sabi. Nagulat naman ako sa inasal ni mommy kaya napatango nalang ako at saka umupo.
"Anak sorry , pagod lang kasi si mommy" Mahinahon niyang sabi. Siguro nga pagod lang siya at aasa pa rin akong papayagan niya akong sumama kay steph. Nginitian ko lang si mommy at yumakap.
Kinahapunan ay nagpasiya akong pumunta sa Amsterdam bridge dala ang shoulder bag ko na naglalaman ng phone, notebook at ballpen. Nagpaalam ako kay mommy at pinayagan naman niya ako. Kasalukuyan akong nakatingin sa mga bulaklak na tumutubo sa gilid ng tulay kung nasaan ako, ang ganda nila. Sunod ay kinuhaan ko ng litrato ang papalubog na haring araw. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin na dumadampi sa aking katawan. Kinuha ko ang notebook ko sa aking shoulder bag at nagsimulang magsulat sa ibabang parte kung saan nakadikit ang larawan namin ni Rijo.
'Kalbo masamang tao'
Unang beses palang kitang nakita , inis na agad ang naramdaman ko. Ang yabang mo kasi kalbo ka naman. Ang lakas pa ng loob mo na sumama sa larawang ito na nakadila pa habang natutulog ako. Mali pala ako ng sabihin kong mayabang ka kasi ang totoo, mabuti kang tao. Pinapasaya mo ako dito sa tagpuang ito kapag nalulungkot ako. Ang saya saya na natin kaso iniwan mo ako. Nangako kang babalik ka pero bakit hanggang ngayon wala ka pa rin. Huwag kang mag alala dahil kahit anong mangyari at kahit walang kasiguraduhan ang pangako mo , maghihintay at maghihintay ako at sa pangakong binitawan mo na magkikita ulit tayo dito, sa lugar kung saan una kong nasilayan ang makinang mong ulo. Dito sa lugar kung saan naramdaman kong importante ako sa'yo.
Maghihintay ako,
Dhenzel.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019