Rose's POV:
Nabalitaan namin ni Fernando na nasa Vizayas ang driver ng bus na sumagasa kay Jack at dahilan ng kanyang pagkamatay kaya't dali dali kaming pumunta ng Vizayas pero sa kasamaang palad, matagal na palang lumipat ng tahanan ang aming hinahanap.
Kasalukuyan na kaming nakasakay sa barko papuntang Manila. Biglang sumagi sa isipin ko si Dhenzel. "kumusta na kaya siya" sa isip isip ko. Nasa harap kami ng barkong sinasakyan namin ng makita kong nagmamadaling pumunta si Fernando sa kinaroroonan ko. Sinalubong ko siya at nagtanong.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ko sa kanya.
"N-nakita ko si D-hen-zel sa gilid ng barko ka-sama si S-teph" nahihirapan sabi ni Fernando. Gusto ko siyang makita at tanungin kung okay lang siya.
"Nasaan siya?" Masayang tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya bago nagsalita.
"Hindi ba't nag usap na tayo na huwag mong lalapitan si Dhenzel dahil baka--" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla akong tumakbo papunta sa gilid ng barko at hinanap si dhenzel. Nakita ko namang sumunod si Fernando sa akin hanggang sa nakita namin si Dhenzel. Nagulat naman siya ng makita ako. Nagpangiti ako ng makita ko siya na maayos ang kalagayan niya.
"MOMMY" para siyang bata na nagsusumbong na may nang away sa kanya at humakbang palapit sa akin. Gusto ko siyang yakapin at sabihing miss na miss ko na siya pero lumapit si Fernando sa akin at bumulong.
"Binabalaan kita sa pwede kong gawin kay Dhenzel kapag trinato mo siyang anak" pagbabanta sa akin ni Fernando kaya't nang makalapit si Dhenzel ay isang napakalakas na sampal ang ibinungad ko sa kaniya.Nawala ang mga ngiti ko sa labi at tiningnan ko ng masama si Fernando na nasa tabi ko.
"BAKIT KA NANDITO!"galit kong sabi pero hindi siya sumagot.
"TINATANONG KITA SUMAGOT KA!" Sa puntong iyon nakita kong may pumatak na luha sa kaniyang mga mata gusto ko man siyang patahanin pero hindi pwede. Dahan dahan siyang lumapit sa akin pero agad ko siyang tinulak sa gilid ng barko. Inawat naman siya ni Steph at sinabing huwag na siyang lumapit sa akin pero hindi niya ito pinakinggan.
"WALA KANG KWENTANG ANAK!PINATAY MO ANG DADDY MO!" Nanggagalaiti kong sabi sabay hatak sa buhok niya, wala siyang ibang ginawa kundi umiyak lang habang hawak ko ang buhok niya hanggang sa maitulak ko siya dahilan para nalaglag siya sa barko. Tumigil ang mundo ko ng makita kong nalulunod ang anak ko ng dahil....... Sa AKIN.
Gusto ko siyang tulungan pero nakatingin sa akin ng masama si Fernando kaya't wala akong ibang nagawa kundi tingnan siyang nalulunod. Narinig kong nagsisigawan ang mga tao sa barko lalo na si Steph. Hinampas ko nang hinampas ang dibdib ni Fernando at sinisisi sa nangyari. Nakita kong tuluyang lumubog si Dhenzel sa ilalim ng tubig.
"DHENZEL!!"Sigaw ko sabay dating ng mga life guard. Agad silang tumalon sa tubig at nang maiahon nila si Dhenzel ay agad isinakay sa ambulansya, mabuti na lamang at malapit na ang barko sa daungan.
Dalawang oras na pero hindi pa rin siya gumigising. Napaluha na lang ako at pinagmasdan ang namumutlang anak ko.
"Anak, patawarin mo ako sa lahat ng mga masasamang nangyari sa buhay mo,Patawad kasi hindi ako naging mabuting ina sa iyo kaya sana hayaan mo akong maging ina ulit sa iyo"pilit kong sabi habang hinihimas ang buhok niya. Nagsisisi ako dahil sinunod ko si Fernando kaysa sa anak ko kaya mula ngayon hindi na ulit ako papayag na malayo kay Dhenzel.
"Hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawala kaya sana lumaban ka"pagmamakaawa ko sa tulog na si Dhenzel kasabay ng pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Steph kaya't agad kong pinunasan ang luha ko.
"Alam niyo po tita mahal na mahal po kayo ni Dhenzel ,lagi niya po kayong ikinukwento kay mama nung nasa Vizayas kami at lagi niya pong ipinagdarasal na sana umuwi na po kayo dahil miss na miss na po niya kayo"Piyok na sabi ni Steph. Nginitian ko siya at niyakap.
"Simula ngayon , hindi na ako mawawala sa piling mo anak"nakangiting sabi ko habang kausap ang natutulog na si Dhenzel.
*kring *kring
Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot.
"Hello Fernando, anong kailangan mo!" Agad kong tanong sa kanya. Narinig ko namang Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"May importante akong sasabihin sayo, nandito ako sa labas ng ospital" seryosong sabi niya. Nagpaalam ako kay Steph at sinabing may bibilhin lang sa labas.
Paglakad ko ng ospital ay agad akong hinatak ni Fernando papunta sa loob ng kotse niya.
"Ano pa bang gusto mo! Ang mamatay din ang anak ko!" Sigaw ko sa kanya, agad naman siyang lumapit sakin at sinakal ako.
"Huwag mo akong sinisigawan Rose baka hindi mo alam ang kaya kong gawin!" Nanggagalaiti niyang sabi sabay bitaw sa akin.
"Kailangan mong layuan si Dhenzel kung hindi-" hindi na niya natuloy ang susunod niyang sasabihin ng magsalita ako.
"Kung hindi ano? Papatayin mo ako,sige!"Pananakot ko sa kanya.
"Baka nakakalimutan mong alam ko ang totoo kaya kung ako sa iyo gawin mo ang gusto ko"nakangisi niyang sabi sabay nilapitan niya ang mukha niya sakin.
"Ano bang gusto mo!" Galit kong sabi. Alam kong makapangyarihan si Fernando at marami siyang kilalang killer na pwedeng gumalaw sa amin ni Dhenzel pero sa puntong to hindi na ako natatakot na makapiling ang anak ko kahit kapalit pa ang buhay ko.
"Make me happy" nakangisi niyang sabi sabay hawak sa pisngi ko. Bumwelo naman ako bago nagsalita.
"In your dreams!" Sabay tadyak ko sa tiyan niya dahilan para mamilipit siya sa sakit. Agad akong lumabas ng kotse niya at dali daling pumasok sa loob ng ospital.
Nakasalubong ko si Steph na tila natataranta at humahagulgol sa pag iyak at nang makita niya ako ay agad siyang napalapit sa akin.
"T-ITA S-I D-HEN-ZEL PO" hagulgol niyang sabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya dali dali kaming tumakbo papunta sa kwarto ng kinalalagyan ni Dhenzel.
"Dhenzel anak hintayin mo ako" nanghihina kong sabi habang patuloy kami sa pagtakbo.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019