"You'll be okay ,RD" sabay tapik ni Sabrina sa balikat ko. Kahit ilang beses na akong nag undergo sa chemotherapy ko ay hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Hindi dahil takot ako sa mga med tools kundi natatakot ako na baka hindi ito umepekto at hindi na madugtungan ang buhay ko."Thankyou" masayang sambit ko sa kanya bago ako pumasok sa kwarto kung nasaan si Dr. Tan. Ngumiti siya sa'kin at nagsalita.
"See you later beanie boy" sabay wave ng kamay niya. Alam kong huli na para gawin 'to pero gusto ko pang madagdagan ang buhay ko para makasama ko pa ng matagal si Dhenzel. Alam kong ang duwag ko sa part na hindi ko sinabi sa kanya na may sakit ako. Eh anong magagawa ko, ayaw ko siyang mag alala at saka ayokong makita siyang umiiyak kung sakaling nalaman niya ang totoong sitwasyon ko. Mas mabuti ng hindi ko na sinabi sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ko siya iniwan. Masakit din sa loob ang mang iwan, lalo na kung hindi mo nasabi yung totoong dahilan. Pota! Ang bakla pakinggan.
Dalawang taon na rin kaming nag-stay ni Sabrina dito sa States at dalawang taon na rin simula ng makagraduate kami at maiwan ko si dhenzel, na mag isa at naguguluhan. Nilinaw na rin namin ni Sabrina sa isa't isa na isa kami sa milyong tao na pinagtagpo pero hindi itinadhana. Naging masaya na rin kami bilang magkaibigan lang. Umamin din siya sa'kin na hindi siya ang babaeng pinangakuan ko. Nagkataon lang daw na parehas sila ng pangalan. Sa loob din ng dalawang taon, mas lalo kong nakilala si Sabrina. Hindi naman pala siya ganun kasama, ang hinihiling niya lang daw ay atensyon ng mga taong mahal niya. Nainggit daw siya kay Dhenzel kaya niya nagawa ang lahat ng iyon sa kanya.
Nagbago na si Sabrina at nangako siyang makikipag aayos siya kay Dhenzel 'pag balik namin sa Pilipinas.
"Malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang buhay mo Rijo, basta't patuloy lang ang chemotherapy mo at patuloy din ang pag alaga mo sa sarili mo" masayang sabi ni Dr. Tan paglabas namin ng kwarto.
"Narinig mo ang sinabi ni Dr. Tan, Rijo? Gagaling ka na" biglang dating ni Sabrina na narinig pala ang usapan namin.
"Yap yap yap Ms. Princess Sabrina" nakangiting sagot ko. Nagpatuloy pa ang pag uusap namin. Tinutukso pa rin ako ni Sab na kalbo. Nung una ay naiinis pa ako pero nasanay na ako. Totoo naman kasi kaya nga nakasuot ako ng beanie.
"So, tutubo na ulit ang buhok ko? Sabay tinanggal ko ang beanie na suot ko. Sabay naman silang tumawa dahil sa ginawa ko. Natawa nalang din ako sa sarili ko. Ang sabi sa'kin ni Dr. Tan, isa daw sa mga epekto ng chemotherapy ay ang malagas ang buhok ko. Hindi naman ako nangamba. Gwapo pa rin naman ako kahit kalbo na ako.
Pagkatapos ng pag uusap namin ay nagpaalam na kami kay Dr. Tan na babalik na ng Pilipinas. Matagal na naming plinano ni Sabrina ang pagbalik sa Pilipinas, siya ay para kunin ang mga gamit na naiwan niya at upang sunduin na rin si Tito Fernando, ako naman ay para balikan ang nag iisang tahanan ko, si Dhenzel.
Nagbilin naman sa'kin si Dr. Tan na huwag pabayaan ang sarili ko at nangako naman ako. Handa na akong ipagtapat kay Dhenzel ang tunay kong nararamdaman para sa kanya ng walang halong takot at pangamba.
"Thankyou for everything" sapat na siguro ang mga katagang to para magpasalamat sa lahat ng sakripisyo at paghihirap na naranasan niya sa loob ng dalawang taon na kasama ako bilang kaibigan. Siya ang nagsilbing nakatatandang kapatid ko. Ang sarap sa pakiramdam na itinuring na naming kapatid ang isa't isa. Kinalimutan na rin namin kung anong meron kami sa nakaraan.
Natawa naman siya sa inasal ko bago sumagot. "Hindi mo kailangang magpasalamat. Libre mo nalang ako ng dinner 'pag dating natin sa Pilipinas" sabay tawa niya. Nakakatuwang makita na nagbago na talaga siya. Na gusto na niyang magbagong buhay hindi lang para sa sarili niya kundi para na rin sa daddy niya.
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019