Chapter 45

24 6 0
                                    

Dhenzel's POV:

Ilang beses akong kinulit ni Andre na kausapin siya pero hindi ako pumayag, iniwan ko nalang siya at dumiretso na sa bahay. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung bakit hindi ako sinundo ni Denver sa room kanina. At bakit ako kailangang kausapin ni Andre kung matagal na kaming tapos? Wala na dapat pang pag usapan. Wala si mommy ng dumating ako sa bahay, Umakyat  na ako ako sa kwarto at nagpahinga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tiningnan ko ang phone ko pero walang kahit text si Denver, saan na siya nagpunta? Babalik na sana ako sa pagtulog ng mapansin kong tila may katabi ako. Napalingon ako dito at nakita kong mahimbing na natutulog si Denver. Bakit siya nandito? Mamaya maabutan siya ni mommy. Pinagmasdan ko ang mukha niya, mukhang pagod na pagod siya kaya hindi ko nalang siya ginising.

Pumunta ako ng kusina para maghanda ng almusal at nang tapos na ako maghanda ay nakita kong pababa na ng hagdan si Denver.

"Hindi na kita ginising kasi mukhang pagod ka" nakangiti kong sabi at pinaupo siya. Napangiti lang siya ng bahagya bago nagsalita." Sorry ah hindi kita napuntahan kahapon dahil may inasikaso akong importante" Napakamot pa siya sa ulo sa sobrang hiya. "Okay lang basta next time, magpapaalam ka ah"pagpapaalala ko sa kanya. Napangiti naman siya at sumaludo.

"Yes po ma'am" sabay tawa niya. Nakagagaan talaga ng araw kapag nakikita ko siyang masaya.

"Btw, may lakad ka ba ngayong araw?" Agad niyang tanong sa'kin. "Ah eh wala naman,bakit mo naitanong?" Mahinahon kong tugon. "Gusto ko sanang ipakilala ka sa parents ko, kung pwede ka lang naman pero kung hindi pwede, dapat pwede ka" sabay tawa ulit niya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Oo nga pala, saglit palang kaming nagkakilala at hindi ko pa siya lubos na kilala pati ang magulang niya. "Ah eh nahihiya ako" mahinang sabi ko. Lumapit naman siya sa'kin at yumakap. "Huwag kang mag alala kilala ka na nila, lagi kasi kitang ikinukwento sa kanila simula nung, unang araw tayong nagkita" natatawa niyang sabi habang nakayakap sa'kin. Shocks! So ibig sabihin alam na ng  parents niya yung kahihiyang ginawa ko sa anak nila mygad Dhenzel!.
"Alam mo lagi kong sinasabi sa kanila na ihaharap ko sa kanila yung babaeng papakasalan ko" masayang sabi niya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Dhenzel 'wag kang umaasa baka mamaya nasaktan ka na naman. "Baka magtampo sila kapag hindi ka pumunta" with matching paawa effect pa."Okay tara  na!" Masaya na medyo kinakabahan kong sabi at nagsimula na kaming  mag almusal at nagbihis.

Habang nasa biyahe, hindi na talaga ako mapakali. Natatakot ako baka hindi ako magustuhan ng parents ni Denver. Tahimik lang ako sa biyahe habang nagkukwento naman si Denver ng mga happy memories nilang mag anak. Nakita ko sa mga mata niya  kung gaano siya kasaya habang nagkukwento. Napakaswerte ng parents ni Denver dahil may anak silang mapagmahal.

"Alam mo ba na sobrang saya namin nung pumunta kami sa enchanted kingdom nung 7th birthday ko at - at-
hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla kaming huminto at nagsimula siyang umiyak. Tila nabasag ang puso ko ng makita siyang umiiyak, hindi ko alam kung dahil ba 'yun sa sobrang saya o dahil sa isang problema. Wala akong nagawa kundi ang lapitan siya at yakapin.

"Ayos ka lang ba Denver?" Nag aalalang tanong ko. Tumango lang siya bago nagsalita." Masaya lang ako dahil makikilala ka na nila" hirap niyang sabi habang nakayakap sa'kin. Ngayon ko lang napagtanto kung nasaan kami, isang mansion ang nasa harap namin at tila luma na rin pero hindi halata dahil sa magandang disenyo nito. Nang matapos umiyak ni Denver ay pumasok na kami sa loob ng mansion. Nagulat ako dahil akala ko ay isa talagang mansion ang aming pinasukan pero hindi pala. Biglang sumikip ang puso ko ng mapagtanto ang dahilan ng pag iyak ni Denver habang ikinukwento ang masasayang  alaala ng pamilya niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa tumigil kami sa dulo ng bahagi ng mansion. Umupo si Denver sa sahig at nagsimulang magsindi ng kandila sa tabi ng dalawang malaking puntod at inilagay ko naman ang mga bulaklak na dala ko.
"Mommy, daddy nandito na po kami ng babaeng ikinukwento ko sa inyo" masayang sabi ni Denver habang patuloy ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mata.  Hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin lalo na ngayon na nasa harap na kami ng mga magulang niya. Ang sarap isipin na makikilala ko na sila  pero ang sakit isipin na puntod nalang  sila. Pero para kay denver, natutulog lang sila dahil patuloy niya pa rin itong kinakausap at sinasabihang gumising na. Hindi ko namalayang umaagos na pala ang mga luha sa mga mata ko. Akala ko sa mansion ko sila makikilala yun pala sa sementeryo na.

"Mommy, daddy si Dhenzel po pala yung babaeng sinasabi kong nagtapon ng spaghetti sa mukha ko" nahihirapan  niyang sabi. Pinilit kong magpakatatag at pigilan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko at nagpakilala. "Hello po Tito at tita" at saka hinalikan ang lapida nila. Nakatingin lang sa'kin si Denver at nakangiti.

"Alam mo ba yung sinabi ko sa'yong pumunta kami sa enchanted kingdom, yun na yung huling beses ko silang nakitang buhay" madamdaming sabi ni denver. Hinawakan ko ang kamay niya at pinunasan ang mga luha sa mukha niya. " pagkatapos nun inampon ako ng pamilya ni Andre, yung pinsan ko" sunod niyang sabi. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng sabihin niya ang pangalang Andre. Napansin naman niyang tila napako ako sa kinauupuan ko. "May problema ba? Dhenzel?" Nag aalalang tanong niya habang pinupunasan ang mga luha niya. "Ah eh wala may naalala lang kasi ako sa pangalan na andre" agad kong tugon. Inisip ko nalang na nagkataon lang na kapangalan ng lalaking nanakit sa'kin ang pinsan ni denver. Pero mas lalong tumibok ang puso ko ng biglang tumayo si Denver at nalaglag ang isang piraso ng papel mula sa kaniyang bulsa.

Princess Sabrina J.

Agad ko itong pinulot at ibinulsa at sumunod na sa kanya.

Hindi maaaring nagkataon lang ang mga pangalan na nakita at narinig ko. Andre at Princess sabrina. Hindi, baka nagkataon lang talaga pero kung hindi nga. Sino ba talaga si sabrina? Bakit hanggang ngayon ginugulo niya pa rin ako? Ano bang kasalanan ko sa kaniya at ginagawa niya sa'kin 'to?

Sino si sabrina?

Hapon na ng nakauwi kami at nag desisyon kaming dito na siya sa bahay maghapunan. Papasok na sana kami sa loob ng bahay ng may tumawag sa phone niya.

"Okay, pupunta na ako dyan" agad niyang sabi at ibinaba ang telepono. Nagpaalam siya sa'kin na aalis na siya at hindi na siya maghahapunan sa bahay na ikinalungkot ko.

"Next time nalang, bye" sabay halik niya sa noo ko at pumasok na sa kotse at umalis. Nagpahinga ako ng malalim at napahawak sa bulsa ng pantalon ko ng makapa ko ang isang papel. Agad ko itong kinuha at nakita ang nakasulat dito.

Princess Sabrina J.
At may kasamang cellphone number. Naguguluhan ako, si Sabrina ba ito? O ka pangalan niya lang? Pero paano kung siya nga? Anong meron sa kanila ni Denver? Hays. Ibinulsa ko nalang ulit ang papel.Papasok na sana ako ng pinto ng may tumawag sa'kin.

"Dhenzel, kausapin mo naman ako" nagmamakaawang sabi nito. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Pagod ako Andre
at saka wala na tayong dapat pag usapan pa" walang ganang sabi ko. Naramdaman ko namang humakbang siya palapit sa'kin.

"Kaya kong sagutin ang mga tanong mo" mabilis niyang sabi. Napangisi naman ako bago sumagot. "Matagal ko ng alam ang sagot simula ng iwan mo ako" natatawang sabi ko at akmang papasok na sa loob ng pigilan niya ako. "Sandali, hindi 'yun ang ibig kong sabihin" pagpuputol niya sa'kin. "So, akong ibig mong sabihin?" Sa pagkakataong 'yon ay humarap na ako sa kanya at tinanggalan ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero lalo niya lang hinigpitan.

"Ito" sabay turo niya sa kanang kamay ko kung saan nakapaloob ang papel na hawak ko.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon