Chapter 12

28 8 0
                                    

Dhenzel's POV:

*kring *kring

*kring *kring

"Ano sumagot na ba?"tanong ni Steph habang patuloy pa rin kaming naglalakad palayo sa canteen.

"Hindi pa nga eh, ay ayan na sinagot na, hello Andre" Mahinahon kong sabi.

"Sorry this is Sabrina, what can I do for you?" masayang sabi ni Sabrina.

"Ako ito si Dhenzel kaibigan niya, nasan ba siya?" Tanong ko. Tiningnan ako ni Steph na parang naguguluhan nang sabihin ko ang salitang KAIBIGAN HUHUHU. Ngingitian ko lang siya, ngiting nagpapanggap.

"He is busy , nag aayos siya ng mga gamit, sasama na kasi siya sakin sa America"masayang sabi ni Sabrina. Hindi ko alam kung matutuwa o nalulungkot ako dahil tuluyan na akong lalayuan ni Andre ng walang closure.

"Pakisabi tumawag siya kapag may time siya ah,thankyou" Mahinahon kong sabi. Lagi naman akong nanghihingi ng oras niya HUHUHU

"Okay"maikling tugon nito.

Agad namang humarap sakin si Steph.

"Anong nangyayari aber? Ikukwento mo o babanatin ko pempem mo?" Sa tono ng boses niya mukhang hindi siya galit kundi naawa at nalulungkot.

"Mamaya ko nalang sasabihin Steph,kailangan kong makausap si Andre" maluha luha kong sabi. Niyakap ako ni Steph na nagsasabihing nandyan lang siya at handing maging sandalan ko.

"Naintindihan ko be,nandito lang ako ah" sa puntong ito sunod sunod ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko.Mabuti nalang  laging nasa tabi ko si Steph kaya todo rescue sya sakin.

Naglalakad kami pauwi ng bahay pero hindi ako mapakali. Akala ko okay lang na mawala siya sa paningin ko ,akala ko kaya kong wala siya sa buhay ko,hindi ko pala kaya. Ang daming tumatakbo sa isip ko.

"Bakla?paano kung iiwan niya talaga ako?paano kung hindi niya ako kausapin?paano kung hindi ko masasagot yung mga tanong sa isip ko?paano ako makakamove on nito?"sunod sunod kong sabi na ikinalungkot ni steph.

"Be,huwag ka muna kasing mag isip ng kung ano ano huh, hintayin nalang muna natin kung tatawag siya okay? And remember ALWAYS THINK POSTIVE" pagpapayo niya sa akin na ikinagaan ng loob ko.

"Opo madam auring" Pagbibiro ko sa kanya.

"At nagawa mo pa talagang magbiro ah,broken ka ba talaga?" Sagot naman niya sakin.

----------

*kring *kring

"Steph Steph tumatawag na si Andre" natataranta kong sabi. Dali daling pumunta si Steph sa kwarto ko.

"Maging mahinahon Zel ,okay" pagpapakalma sa akin ni Steph.

"Hello Andre" Mahinahon kong sabi. Sa totoo lang natatakot ako sa kung anong sasabihin ni Andre pero dapat hindi ko ipahalata.

"Hello Zel" mahinang sabi ni Andre.

"Pwede ba kitang makausap mamaya sa-sa Amsterdam bridge" Taranta kong sabi. Gustong gusto ko kasi siyang kausapin para masagot na ang mga bakit sa isipan ko.

"Okay sa Amsterdam bridge 7 pm" Mahinahon niyang sabi. Parang may nabunot na tinik sa aking dibdib ng marinig ko ang sagot niya. Sa wakas masasagot na lahat.

"Maghanda ka na ,5:30 p.m na" pagpapaalala sakin ni Steph.

Natataranta na ako dahil ilang oras nalang, anong susuotin ko? Anong sasabihin ko? Kinakabahan ako?.

"Zel? Maging Mahinahon" pagpapaalala sa akin ni Steph.

"Kaya mo yan" sabay tapik niya sa balikat ko.

Papunta na kami sa Amsterdam bridge, kinakabahan, natatakot, natutuwa, nalulungkot ako pero kailangan ko muna itong ipagsawalang bahala at sulitin ang natitirang oras na kasama ko siya. Natanaw ko si Andre na naghihintay sa tulay.

"Sige na Steph,hintayin mo nalang ako sa bahay" nakangiting sabi ko.

"Basta ano man ang mangyari, tatanggapin natin huh" pagpapayo sakin ni Steph.

"Okay" maikling tugon ko.

Hindi muna ako lumapit kay Andre,gusto ko kasing pagmasdan ang kabuuan niya kahit sa huling Sandali. Abala siya sa pakikipag usap sa telepono , kitang kita ko ang ngiti sa kanyang labi. Alam kong si Sabrina ang kausap niya.

"Okay, I love you" masayang sabi niya.

May kung anong kumirot sa puso ko. Gusto ko siyang yakapin pero inisip ko, kailangan munang masagot ang mga tanong ko.

"Kaya mo to Dhenzel"sabi ko sa isip ko at lumapit na sa kanya.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon