Chapter 8

30 10 1
                                    

Dhenzel's POV:

'I miss you Zel'

'I love you Zel'

'How are you naughty girl?'

'Anong oras ka uuwi ututin, susunduin kita ah'

Mga salitang unti unti ng nawawala at tanging sa messenger ko nalang nakikita at nababalikan.

Kasama ko siya Oo ,pero wala na yung dating saya, yung dating kilig, yung dating spark na ibinibigay  nya.

Binitawan ko nalang ang phone ko at tumingin sa bintana ng kotseng minamaneho ni Andre, ang sarap pagmasdan ng kulay asul na langit.

"Malapit na tayo" kalmadong sabi ni Andre. Papunta kami ngayon sa isang birthday party ng barkada ni Andre at dahil malapit lang ito sa pinaglibingan ni daddy, pinilit ko siyang puntahan muna ito.

"Hello dad,kumusta ka na po? Bumalik ako diba, surprise!, HAPPY BIRTHDAY DADDY" bulong ko sa puntod ni daddy at ibinaba ang dala kong cake.

"Ikaw anong surprise mo sakin, gising ka na dyan"sabay tapik ko sa puntod nya.

Hanggang ngayon ang hirap isipin na yung unang lalaking minahal ko, iniwan na ako.

"I miss you dad :<" huling salitang nasambit ko kasunod ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko.

Sabi niya kasi lalaban siya kasi ayaw niya akong umiiyak pero hindi niya tinupad. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa kasi alam kong ako ,ako ang may kasalanan kung bakit siya nawala.

"I'm sorry, I'm sorry" paulit ulit kong sabi habang nakatingin sa pinaghihimlayan niya.

Hanggang ngayon tila sariwa pa rin ang mga nangyari sa kanya.

"Daddy gusto ko po nun" paglalambing ko kay daddy sabay turo sa isang magandang dress sa kabilang kalsada.

"Dhenzel ang dami mo pang magagandang dress sa bahay ah" pag aawat ni mommy kay daddy.

"Pero gusto ko nun eh,daddy bili mo ko nun please" paglalambing ko kay daddy. Napakamot naman siya sa ulo bago nagsalita.

"Sige na nga basta pangako mo kay daddy na mag aaral ng mabuti at magiging good girl ka na kay Rijo ah" pagpapaliwanag ni daddy.

"Ah yung kalbo na yun"bulong ko.

Nang nabili na ni daddy ang dress ay sobra akong natuwa , nandoon siya sa kabilang kalsada nakangiti at iwinawagayway ang nabili niyang damit para sakin

"I love you anak" Sigaw ni daddy sabay tawid sa kalsada.

" I love--" naputol ang sasabihin ko ng biglang nawala sa paningin ko si daddy kasunod nito ang mga sigaw galing sa mga tao sa kalsada, napatingin ako kay mommy na tumatakbo sa direksyong palayo sakin.

"Jackkkk!"Sigaw ni mommy habang hawak hawak ang kamay ni daddy na nakahiga sa kalsada na punong puno ng dugo. Sumunod ako kay mommy at doon nakita ko si daddy , na nag aagaw buhay. Biglang umalis ang  itim na van, ang van na sumagasa kay daddy.

Hinawakan ako ni daddy at sinabing

"Tinupad ko ang pangako ko sayo ah sana tuparin mo rin yung pangako mo sakin" pautal utal niyang sabi sabay abot ng binili niyang dress para sakin.

Sana hindi ko nalang siya pinilit, sana nakuntento nalang ako sa kung anong meron ako edi sana nandito pa siya sa tabi ko.

Ang tanging magagawa ko nalang ay tuparin ang pangako niya, teka ano nga ulit yun? Ah yung mag aral ng mabuti. Pangako dad tutuparin ko ang pangako ko.

"I Love you too ,dad" hindi ko nasabi ito sa kanya nung maliit ako, kahit minsan hindi ko nagawang sabihin ang simpleng katagang yan o kahit nung huling sandali kong nasilayan ang buhay niyang katawan.

"Nandito lang ako Zel"mahinang sabi ni Andre sabay hawak sa kanang kamay ko.

"I really miss my dad, Andre" mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya.

"I know"sagot naman niya at niyakap ako.

Kring*kring*

"Hello" agad na sabi ni Andre pagkakuha ng phone niya.

"Okay papunta na kami diyan" dagdag nito.

Patuloy pa ako sa pag iyak ,halos wala na akong makita dahil sa aking mga luha.

Lalong hinigpitan ni Andre ang pagyakap niya at pinilit akong pakalmahin pero sadyang nangingibabaw ang kalungkutan sa puso ko, basang basa na rin ang damit niya dahil sa mga luha ko pero dedma lang siya.

Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang babaeng nakatingin samin at tila umiiyak. Hindi ko na lang pinansin at nagsimula na akong nag ayos  para umalis papunta sa birthday party ng kaibigan ni Andre at nagpaalam na rin kay papa.

"Bye daddy , mahal na mahal kita lalo na si mommy kahit lagi siyang hindi umuuwi at lagi niya akong sinisisi sa pagkawala mo, namimiss ko na rin siya pakisabihan naman dad oh, joke!" Pagbibiro ko na akala mo buhay pa ang kausap ko.

Habang palayo kami sa kinaroroonan ng puntod ni daddy ay may narinig akong nagsalita  na galing sa kung saan, hindi ko ito naintindihan kaya't nagpatuloy na kami sa paglakad  at sumakay na sa kotse ni Andre.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya. Nginitian ko lang siya na nagsasabihing ayos lang ako at mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating kaya't nagsimula na siyang magmaneho.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon