Dhenzel's POV:
"MGA BABOY!" Sigaw ng may ari ng caffe. Dali dali naman kaming napalabas ng caffe at mabilis na tumakbo papasok ng campus WHOO! Success!
Mabuti na lang at nakaabot kami sa kanya kanyang first class namin WHOOO!. Sa totoo lang sirang sira ang unang araw ko simula doon sa guy na nasa caffe at pati na rin sa may ari ng caffe hays. Hindi ko rin pala naikwento kay Steph yun nakakahiya ng nangyari doon sa caffe grrrr ! Busy kasi siya kaya mauna na siyang umuwi kaya ako nalang mag isa umuwi. Natakot tuloy ako ng maalala yung sinabi nung guy bago siya umalis.
Pagbabayaran mo to
Pagbabayaran mo to
Bigla tuloy akong kinilabutan, ano kayang gagawin niya sakin parang kakaiba ah ahihihihi, hoy Dhenzel ang bastos ng naiisip mo Erase Erase!. Haynaku bakit ko ba iniisip yun. Sandali akong natulala ng biglang pumasok si mommy sa kwarto ko.
"Anak? Bakit hindi ka pa natutulog?" Nag aalalang tanong ni mommy. Ngumiti lang ako sa kanya.
"May problema ka ba anak?" Nag aalalang tanong ni mommy at lumapit sakin. Napangiti nalang ako kay mommy.
"Alam mo anak kung paano ko nakilala ang daddy mo, nagsimula yun nung nasa library ako ng school namin tapos siya naman nandoon sa sulok ng library sa medyo Madilim na part pero hindi ko siya agad napansin kaya nang makalapit ako sa kanya ay nagulat ako akala ko kasi multo. Muntik ko pa nga siyang masapak nun eh" masayang sabi ni mommy na halatang kinikilig habang nagkukwento.
"Ano pong nangyari at bakit po siya nasa sulok? " natatawa kong tanong kay mommy. Todo ngiti naman siya ngayon na parang kinikiliti HAHAHAHA ANG KYUTTT!
"Ayun nga rin yung unang tinanong ko sa kanya pero hindi agad siya sumagot kaya isinumbong ko siya sa office HAHAHAHAH tapos pagpunta namin sa office alam mo ba ang sinabi niya? Ahihihi"natatawang sabi ni mommy." Ang sabi niya nagdradrawing lang daw siya sa sulok eh hindi naniwala yung principal namin kaya kinuha yung drawing book na hawak niya at nakita naming iginuhit niya ako habang nagbabasa ng libro kaya simula noon lagi na kaming tinutukso sa isa't isa. Hanggang sa umamin na siya sakin , natorpe pala baka daw kasi hindi ko pansinin HAHAHAHAHAHA!"dagdag pa ni mommy. Nakakatuwa na kay mommy pa nanggaling ang mga bagay na ito hihihi. Pakiramdam ko ay buong bio na ulit ako. Nagpatuloy lang si mommy sa pagkukwento hanggang sa inabot na kami ng madaling araw, ang sarap palang ka late night talk si mommy. Dito na rin siya matulog sa kwarto ko at ako ,ito hindi makatulog dahil sabi ni mommy may ikukuwento daw siyang importante sa akin bukas sa Amsterdam bridge kaya nag overthink agad ako, ano kaya yun? At sa sobrang curious ko umaga na nang makatulog ako.
"Anak gising na" masayang sabi ni mommy habang hinihimas ang buhok ko. Agad naman akong nagising dahil sa ginawa niya.
"Anong oras na po mommy?" Pupungas pungas akong tumayo habang kinukusot ang mga mata ko."10:00 a.m na anak" mahinahong sabi ni mommy. Ommyy malalate ako!!! Agad akong tumayo at dali daling naligo. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nagluluto si mommy ng paborito kong Porksteak! YUMYUM. Dali dali akong pumunta sa kusina at naupo. Natatawa naman si mommy sakin at parang hindi nag aalala na malate ako.
"Wala kang klase kapag Tuesday ,Thursday , at Saturday diba" pagpapaalala sakin ni mommy. Biglang nawala naman ang kaba ko ng maalalang wala nga pala akong klase sa mga araw na yun. Oo nga pala Monday , Wednesday at Friday lang pala ang schedule ng pasok ko hays!
"Hays nasanay lang po siguro ako sa schedule ko dati" sabay kumain na ng marami HAHAHAHA MY FAVORITE!
"Hinay hinay lang baka hindi ka marina wan sige ka hindi tayo pupunta sa Amsterdam bridge" Pagbibiro ni mommy. Natigilan naman ako sa pagkain ng maalala ang sinabi ni mommy kagabi na may importante siyang ikukuwento sakin sa tulay. Ommyyyy! Naeexcite ako HIHIHI!
"Mommy tungkol saan po ba yung importanteng bagay na ikukuwento niyo?"tanong ko. Napahinga naman ng malalim si mommy bago nagsalita.
"Hindi mo na talaga siguro maalala dahil bata ka pa nung huli mo siyang makita" mahinahong sabi ni mommy. Ano daw? Bata ? Huling nakita? WHATTT?
"A hmmm sino po ba yung tinutukoy niyo mommy" tanong ko at nagpatuloy sa paglaho ng paboritong kong pagkain. Bigla naman napangiti si mommy bago nagsalita.
"Si Rijo anak yung kababata mo, hindi mo na pala talaga siya naalala" nakangiting sabi ni mommy. Biglang nabuga ko naman yung kinakain ko, sino si Rijo? Ommyy nakakacurious HUHUHUHU baka hindi na naman ako makatulog nito WHAAAAA!
"Huwag kang mag alala anak mamaya ikukuwento ko sayo sa Amsterdam bridge"masayang sabi ni mommy. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya at nagpatuloy na sa pagkain.
Rijo
Rijo
Rijo
Mygadd wala akong maalala tungkol sa kanya HUHUHUHU!
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019