Chapter 43

28 7 0
                                    

Denver's POV:

Matapos ang nangyari kay Dhenzel, paulit ulit kong sinisisi ang sarili ko dahil hinayaan ko lang siyang ihatid ng Tito niyang baliw!. Pinangako ko na rin sa sarili ko na hindi na ako mawawala sa tabi niya. Pero dumating ang araw na kinatatakutan ko.

Araw araw ay dumadalaw ako kay Dhenzel at pagkatapos ay dumidiretso ako sa doctor ko simula nang naramdaman ko ulit ang mga sintomas ng sakit ko.

"I'm sorry pero bumalik ang sakit mo, Mr. Dela Cruz" malungkot na sabi ni Dr. Yan na nagsilbing doctor ko simula pagkabata. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pakiramdam ko anumang oras pwede akong mawala. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para kay Dhenzel, alam kong sa'kin siya kumukuha ng lakas at ayokong malaman niya ang sakit ko. Pero naguguluhan ako, bakit pakiramdam ko ay nahuhulog na ako kay Dhenzel kung ang pakay ko ay gamitin lang siya para gumanti kay Andre at para bumalik sa'kin ang babaeng pinangakuan ko ,, si Princess Sabrina. Hindi ko namalayang unti unti ng nawawala ang nararamdaman ko kay Sabrina at kay Dhenzel na ulit umiikot ang mundo ko.

"Me. Dela Cruz, are you listening?" Paglilinaw ni Dr. Tan. Napatango nalang ako bago nagsalita.

"Wala na po bang paraan para malabanan ulit ang sakit ko?" Nagbabakasakali akong kaya pang tumagal ang buhay ko pero nang marinig ko ang sinabi ni Dr. Tan ay tila gumuho ang mundo ko.

Isang taon nalang ang itatagal mo

Isang taon nalang ang itatagal mo

Kinabukasan ay agad kong pinuntahan si Dhenzel. Bago ako pumasok ng bahay nila ay inayos ko muna ang sarili ko. Ayokong malaman ni Dhenzel ang sakit ko dahil alam kong  madadagdagan lang ang problemang iniisip niya at 'yun ang hindi ko gugustuhing mangyari dahil siya na ang mundo ko.

Awtomatikong ngunmiti ang mga labi ko ng makita ko siya , ewan ko ba pero nawala lahat ng problema ko ng makita ko siyang nakangiti.

Bumalik na ang dating lakas niya at nangungulit na pumunta sa Amsterdam bridge. Gustuhin ko man na magpahinga nalang siya pero makikita talaga siya.

"Ayos ka lang ba talaga? Mukhang malalim ang iniisip mo ah" nag aalalang tanong ko sa kanya na kasalukuyang nakatingin sa kawalan at tila natauhan siya ng magsalita ako. Ngumiti lang siya at natulala ulit. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Nandito lang ako, handang makinig sayo" nakangiting sabi ko. Alam kong iniisip niya ang mga problema niya kaya gusto kong sabihin na nandito lang ako kasama niya. Tiningnan ko siya ng mabuti. Napangiti ako ng maisip kong siya ang babaeng makakasama ko hanggang sa huling hininga ko, kung papalarin ako.

"Nandito lang ako kasama mo hanggang sa pagtanda mo" salitang biglang lumabas sa labi ko. Mahal ko na nga siguro siya.

"Umabot man tayo ng 3001?"mahinang tanong niya.

"Umabot man tayo ng 3001" masayang sabi ko at saka hinalikan ang kamay niya. Napakasarap nga kung iisiping siya na ang babaeng makakasama ko habang buhay pero masakit isiping baka hindi na ako umabot sa panahon na 'yon.  Nakangiti siyang humarap sa'kin bago nagsalita.

"Sana maging katulad ng titanic yung pag ibig natin ,yung tipong kahit saglit lang sila nagkakilala pero sila na yung itinadhana, tapos ako yung Rose mo at ikaw ang Jack ko" mahinang sabi niya na ikinatuwa ng puso ko. Pakiramdam ko anumang oras sasabog na ang puso ko sa sobrang saya. Sana tama ang iniisip kong mahal niya rin ako, sana tama akong totoo ang mga katagang lumalabas sa labi niya, sana nga. Ang sarap isiping magsasama kami sa iisang bubong, gagawa ng sariling pamilya at magiging masaya. 

"Pangako, ako ang magiging Jack mo" masayang sabi ko. Ang sarap isiping ako ang Jack at siya ang Rose ko sa mala titanic na istorya pero ang lungkot kung iisiping mangyayari sa'min ang nangyari kay Jack at Rose sa orihinal  na istorya, ang mawala si Jack at maiwang mag isa si Rose.

"Pipilitin kong hindi mawala agad sa piling mo"  bulong ko sa sarili ko. Napakunot naman ang noo ni Dhenzel kaya ginaya ko siya dahilan para matawa siya.

Gabi na at medyo umuulan ng makauwi kami sa kanila, medyo nabasa rin  at nilalamig, nalaman ko namang wala si tita Rose  dahil may inaasikaso daw ito. Sobrang lamig ng paligid at tila kusang dumampi ang labi ko sa labi ni Dhenzel na mukhang nagulat , hindi naman siya nagreklamo kaya itinuloy ko na ang ginagawa ko kasunod ang paggalaw ng kamay ko sa buong pagkatao niya. Nadala na rin kami ng emosyon dahilan para mangyari ang hindi dapat. Alam ko ang ginagawa ko pero hindi ako nag take advantage sa karupukan ni dhenzel, ginawa ko 'yun biglang tanda ng pagmamahal ko at handa akong panagutan ang magiging resulta nito.

Nagising ako at nakita kong wala si Dhenzel sa tabi ko kaya dali dali akong tumayo para hanapin siya. Nakita ko siyang umiinom sa kusina at saka ko lang napagtantong nakahubad lang siya pati ako. Pinagmasdan ko ang hubad niyang katawan , malaboteng katawan, at ugh!.....At nakaramdam ako ng panginginig dahilan para tumayo ang alaga ko. Nakakagat labi akong lumapit sa nakatalikod na si Dhenzel at dahan dahan siyang itinulak sa kitchen sink bago nangyari muli ang masarap na karanasan.

Madaling araw ng tumawag sa'kin ang taong kinaiinisan ko. Ang dahilan kung bakit nawala sa'kin si Sabrina at ang dahilan para mapunta ako sa taong nasa tabi ko..... Si Andre.Kahit may galit akong nararamdaman sa kanya ay sinagot ko pa rin ang tawag niya. Akala ko makakausap ko na siya ng maayos , 'yun pala hindi.

"Magkita tayo sa campus niyo bukas" mabilis niyang sabi sabay baba ng telepono. Umalis ako ng tulog si dhenzel, hindi ko na siya ginising dahil alam kong pagod siya. Bago ako umalis ay pinagmasdan ko muna ang hubad niyang katawan RAWR!

Bago ako pumunta sa campus  ay dumiretso muna ako sa kay mommy at daddy. Medyo tumagal ang pag uusap namin dahil ipinakilala ko muna si Dhenzel sa kanila at mukhang masaya naman sila sa desisyon ko.

"Iloveyou mom and dad" masayang sabi ko pero katahimikan lang ang bumalot sa paligid ko.

"Babalik po ulit ako dito kasama na ang babaeng mahal ko" pagpapaalam ko kay mommy at daddy bago tuluyang umalis.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon