Chapter 47

24 7 0
                                    

Dhenzel's POV:

Buong gabi akong hindi nakatulog. Hindi ko alam na ang taong akala kong tatama sa buhay ko ,mali pa rin pala. Ang hirap mabuhay sa salitang akala at bakit pero heto ako pinipilit isaksak sa utak ko na panaginip lang ito, na magigising din ako at  malalaman na hindi totoo ang lahat ng ito. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na nagsisinungaling lang si Andre at si Denver mismo ang magsasabi ng totoo. Kinuha ko ang diary ko at nagsimulang magsulat.

Dear diary,
Nakilala ko ang isang tao na bumuo sa sira kong pagkatao. Nakilala ko siya sa pinakaworst na paraan at simula nun siya na ang pinakakinaiinisan kong tao. Sabi ni Steph na famous daw siya pero 'di ko naman siya kilala siguro tutok lang talaga ako sa pag aaral kaya wala akong pakialam sa nangyayari sa campus. Mula sa pinakakinaiinisan , siya na ang pinakamamahal kong tao na nagsilbing sandalan ko sa anumang hamon sa mundo. Siya na rin ang naging mundo ko. Akala ko mundo niya rin ako pero may nauna pala sa'kin. Pangalawa lang pala ako. Kung sabagay wala naman akong karapatan dahil sino ba ako, kaibigan niya lang. Pero umaasa pa rin ako na lahat ng tanong ko ay masasagot niya. Na sasagutin niya ng walang halong kasinungalingan at galing sa puso niya. Umaasa akong mahal niya rin ako kahit alam kong mahal niya pa yung isa.  Umaasa sa alam kong wala namang kasiguraduhan.
- Dhenzel

Kinabukasan ay nakita kong natutulog si mommy sa kusina. Nag alala ako kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap. Nagising naman siya dahil sa ginawa ko.

"Oh anak gising ka na pala" matamlay niyang sabi."Ipaghahanda  kita ng almusal"dagdag pa niya. Naramdaman kong mainit siya. "Mommy, huwag na po may sakit po kayo, mas mabuting magpahinga na lang po kayo" nag aalalang sabi ko sa kanya at inalalayan siya papuntang kwarto. Kahit masakit ang mata ko kaiiyak kagabi ay pinilit kong magluto. Nakita kong nagring ang phone ko at nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Denver. Biglang bumalik ang mga nangyari kahapon at nagsimula na namang lumandas ang mga luha ko. Hindi ito ang tamang oras para magdrama, kailangan ako ni mommy at wala akong ibang gagawin kundi ang alagaan siya.

Buong araw akong nasa tabi ni mommy, hindi na rin ako pumasok dahil mas gusto kong tutukan si mommy hanggang sa gumaling siya. Wala na akong pakialam kung  pagalitan ako ng prof namin basta ang mahalaga, nasa tabi ako ni mommy. Nawala na si daddy ng dahil sa'kin at hindi ko  hahayaang mawala si mommy ng dahil sa'kin.

Nagising ako ng may narinig akong kumakatok sa pintuan sa labas. Gabi na pala at natutulog pa rin si mommy, tiningnan ko muna ang temperatura niya bago ako lumabas. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko ang dahilan ng pag sakit ng puso ko. Biglang namuo ang mga luha sa mata ko.

"Hi" nakangiting sabi niya at humalik sa noo ko. Ang galing niya magpanggap na okay lang ang lahat. Gusto ko siyang tanungin kung totoo ba ang sinabi sa'kin ni Andre. Pero inunahan ako ng emosyon ko at hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko. Nakita kong nag alala siya dahil sa pag iyak ko. Napangiti ako at napaisip, napakagaling niyang magpanggap na concern siya pero ang totoo ,malapit niya na akong iwan sa ere.

"Ayos ka lang ba? May problema ba?" Nag aalalang sabi niya. Naiinis ako sa kanya bakit ang galing niya magpanggap. Sanay na ba siyang manloko ng tao at wala talaga siyang konsensiya. Imbes na sagutin ko siya ay ibinalik ko sa kanya ang tanong,isang tanong  na kahit  alam kong wala akong karapatan, kailangan kong malaman.

"Ano ba tayo?"diretsong sabi ko dahilan para magulat siya. "Huh? Diba magkaibigan tayo" agad niyang tugon na nagpabigat ng loob ko. Akala ko sasabihin niyang mahal niya ako, mali pala ako. "Kaibigan lang talaga?" Piyok kong sabi. Naging seryoso ang mukha niya at napayuko. " kaibigan lang" sa puntong 'yun ay hindi ko na napigilan ang bibig ko na magsalita.

"Ano  yung mga masasayang araw na pinagsamahan natin, wala lang sa'yo 'yon?" Pangangalandakan ko sa kanya. Nahihirapan na ako at gusto ko ng masagot ang mga tanong sa isip ko, kung bakit niya ako ginaganito.

"Ganun naman kapag kaibigan diba, ikaw lang ang nagbigay ng malisya" agad niyang sabi habang nakayuko. Parang may tumusok na matulis na bagay sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ganyan ba talaga siya magsalita? Sobrang sakit.

"Paano yung- paano yung  plok plok" kailangan kong malaman kung anong ibig sabihin ng ginawa namin, ano 'yun friends with benefits?.

"Hindi ko 'yun hiningi, kusa mo yung binigay"  nabingi ako sa sinabi niya. Ano? Kusang binigay? Hindi hiningi? Putangina so ano, ako lang ang nasarapan?  Tama na,sawang sawa na akong masaktan. Sawa na akong maiwan. Sawa na akong paglaruan.

"Bakit niyo ba ako dinadamay sa kagaguhan niyo ng pinsan mo!" Nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko pero agad niya rin itong binawi. Mukhang may ideya na siya sa kung ano ang sinasabi ko. "Bakit kailangan niyo akong gamitin para lang makuha si Sabrina! Putang inang buhay 'to! Bakit kailangan niyo akong gamitin para lang makuha niyo ang gusto niyo BAKIT!" Piyok kong sabi. Hindi naman siya kumibo at pinagsasapak lang ang pader.

"Sorry pero mas pipiliin ko pa rin ang babaeng pinangakuan ko, si Princess Sabrina" salitang nagpahirap sa paghinga ko. Bakit sa kabila ng lahat ng ginawa ko, sa kabila ng pagsugal ko parang ako pa ang talo. Sinalo ko sila pero nahulog lang ako. Sinaktan na sila ni Sabrina pero siya pa rin ang mahal nila! Bakit? Ano bang meron si Sabrina na wala ako!

"Paano ang mga pangako mo sa'kin na hindi mo ako bibitawan? Na sa samahan mo ako hanggang sa pagtanda? Na ikaw yung Jack ko at ako ang Rose mo" pinilit kong magpakatatag at tinanong ang lalaking nasa harap ko kahit alam ko na ang kasagutan. Gusto ko lang marinig mismo sa kanya. Alam kong lahat ng 'yon ay puro kasinungalingan pero gusto kong siya mismo ang magsabi.

"Magising ka na sa katotohanan Dhenzel, wala tayo sa fairytale hindi lahat ng Prince Charming makakatuluyan ng isang Princess at hindi lahat ng story ay may happy ending" sunod sunod niyang sabi na siyang dahilan para tuluyan akong mawasak. Fuck! Denver , ganito ka ba talaga kamanhid para saktan ako ng ganito. Ayoko na! Ayaw ko na siyang makita.

"Umalis ka na!" Utos ko sa kanya at saka nagpunas ng luha."Sandali, gusto ko lang sanang ibigay sayo 'to" sabay abot ng isang wallet. Anong ibig niyang sabihin? na kaya niya akong bayaran sa lahat ng sakit na ginawa niya. Na kalimutan ko nalang ang nangyari sa pamamagitan ng pera niya at magpanggap na hindi siya kilala gamit ang pera niya! Putangina niya!

"Hindi ko kailangan ng pera mo" Matigas kong sabi at saka sinarado ang pinto.


Halos Tatlumpong minuto rin akong nakasandal sa pintuan at umiiyak. Bakit? Bakit lahat na lang ng taong mahal ko ay iniwan ako sa ere? Bakit hindi nila kayang panindigan ang mga ipinangako nila?  Bakit kailangang masaktan ako ng wala namang kasalanan? Bakit kailangan niya akong bayaran , teka! yung wallet kanina. Biglang  pumasok sa isip ko ang wallet na binigay niya kanina.OMGGGG!

Wallet ko pala yun!

Agad kong binuksan ang pinto pero madilim na kalsada lang ang nakita ko. Lalo tuloy akong naiyak, Huhuhuhu. Isinara ko na ang pinto at nagulat ako dahil nasa harap ko na si mommy na nag aalala.

"Nakita ko ang lahat anak, sorry kung nahihirapan ka na" madamdaming sabi ni mommy saka yumakap sa'kin.

"Mommy yung wallet ko huhuhu" mahinang sabi ko.

Just like Titanic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon