Dhenzel's POV:
Nagising ako sa isang kwarto sa kung saan. Napansin kong naging kulubot ang balat ko kaya't napatingin ako sa gilid ko kung saan mayroong salamin at nakita kong puti na ang buhok ko at kulubot na rin ang mukha ko. Naguguluhan ako kung bakit ako nandito sa ibang kwarto.
May mga litrato ng isang batang babae at lalaki sa isang lugar at nang makita ko naman ang litrato ng babae at lalaki na wacky face ay biglang may kung anong kumirot sa puso ko. Wala akong maalala kung bakit ako napunta sa lugar na ito.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan ako at bumungad sa akin ang isang lalaki na tinatawag ang pangalang Dhenzel.
"Dhenzel gising! Dhenzel!"
napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Mygaad nananaginip lang pala ako pero parang totoo. Agad ko namang tiningnan ng masama si Steph na mukhang kadarating lang."bakit mo ba ako ginising!?"pagdadabog ko. Nagpipigil naman siyang tumawa bago magsalita.
"Nandyan jowa mo" tatawa tawang sabi niya. Mygaddd nasan siya nasan! Bigla naman akong natauhan dahil naalala ko.
"Siraulo wala akong jowa!"
qiqil mo si aquoh ah bente sinquoh. Pero umaasa pa rin ako na meron huhuhu kawawang Dhenzel."Sorry na HAHAHHA" siraulo talaga at sa gitna ng pagtulog ko ah.
Natulala naman ako saglit at inisip kung sino yung lalaking tumawag sakin sa panaginip ko."Hoy bakla!" Pasigaw niyang sabi na ikinagulat ko.
"Ay baklang palaka! jussme bakit ka ba nanggugulat? muntik na akong atakihin sa puso eh" sermon ko sa kanya. Kahit wala siyang costume mukha siyang aswang HAHAHA!
"Wow ah! ako talaga mukhang palaka , btw sino yung sinasabi mong lalaki ah may jowa ka na" pang aasar niya OMGG! narinig niya yung nasa isip ko iba talaga kapag sinaunang tao HEHEZ.
"Wala yun huwag mong intindihin yun ,teka nasaan na yung siomai ko?" Nagugutom na kasi ako at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at ang sama pa ng panaginip ko hays , sana hindi na yun maulit huhuhu.
" Charaannnn!" sabay abot niya sakin ng siomai na nakalagay sa plato kasama ang sawsawan nito. OMG YUMYUM!
"Maanghang ba yan? " dagdag ko ,masarap kasi kapag maanghang rawr!
" Ofcourse, alam mo ang dami mong tanong kumain ka na nga lang kaya"sermon nito sakin at sabay kuha ng siomai.
Habang kumakain ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa panaginip ko.
"Dhenzel okay ka lang ba? hindi ba masarap yung siomai?" nag aalalang tanong ni Stephen. Hindi naman sa hindi masarap kasi nakikita ko yung mukha niya kaya natatae ako HAHAHA!
"Ahhh, ay hindi , masarap kaya " sagot ko sa kanya sabay palihim na tumawa.
"Eh bakit parang malalim ang iniisip mo ,share mo naman" pangungulit niya. Naku echosera pa naman tong baklang toh! Mamaya ipagkalat niyang nababaliw na ako NOO!
"Bakla? sa tingin mo pwede bang maging totoo ang panaginip?"
ewan ko ba pero para kasing totoo. Hindi naman masama kung mag tatanong diba."Hmmm ang sabi sa'kin ni Lola, ang mga panaginip daw ay pwedeng nangyari sayo nung past life mo or pwede ring mangyari sa future mo, teka bakit ba?"pagtatanong nito. Mukhang may naaamoy si bakla na hindi maganda.
"Wala nacurious lang ako hehez" Pagpapalusot ko para hindi na siya mangulit.
"Kumusta naman pakikipagdate doon sa nakachat mo sa Near Group!"Pag iiba ko ng topic. Alam kong ligwak ganern na naman itong si bakla.
"Ayun sabi niya ang ganda ko raw at sobrang saya ko raw ka chat"nakangiti niyang sabi. Mukhang inaalala niya pa yung nangyari kanina habang kasama niya yung guy.
"Tapos" pagputol ko sa momentum niya. maganda daw yakkk HAHAHA.
"Tapos sabi niya in person hindi raw siya deserving para sakin" malungkot niyang sabi. Naku alam ko na yung mga ganyan kapag nakita nilang panget ,lalayuan ka Ops! Wala akong nasabing masama.
"Hayaan mo na yun , makakahanap ka rin ng kamukha mo, HAHAHAHAH" pambobola ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama na nagsasabihing tumahimik ako.
"Ganun ah ganun ano bang gusto mo, banatin ko yang pempem mo eh"
nag jojoke lang naman ako tapos nagalit siya ,hindi ko talaga kasundo ang mga palaka HAHAHA!"Char lang" pagbawi ko naman. Inirapan niya lang ako.
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Medyo malalim na rin ang gabi kaya umuwi na rin si Stephen.
"Bakla mag iingat ka dyan ah, hintayin mo nalang malay mo umuwi na si tita diba" pagpapaalala niya sakin. Napayuko nalang ako sa sinabi niya.
Hindi naman umuwi si mommy dito kahit minsan, mas pinili pa nyang lumayo sakin.
"Ikaw rin"maikling sagot ko.
Pagpasok ko sa kwarto ay kaagad akong nanood ng isa sa paborito kong movie na TITANIC ewan ko ba pero kapag nanonood ako nito lagi kong naaalala si Daddy ,isa kasi siyang seaman and he passed away nung 5 years old palang ako.
Sobra akong nalungkot dahil hindi na niya ako makikitang may hawak na diploma at nakasuot ng toga, yun pa naman ang pangarap niya and after na mawala si daddy , everything changed lagi ng wala si mommy sa bahay dahil ayaw niya akong makita dahil ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni daddy . Naiintindihan ko naman siya at sinisisi ko rin ang sarili ko dahil sa nangyari kay daddy. SANA NAKUNTENTO NALANG AKO!
Binuhos nalang ni mommy ang lahat ng oras niya sa trabaho samantalang ako , ito lagi nalang mag isa mabuti nalang laging nandiyan si Stephen ,kung nandito yun sesermunan ako nun kasi umiiyak nanaman ako.
"I'm sorry daddy "
bulong ko sa hangin kasunod ng tuloy tuloy na pagpatak ng luha ko.kring*kring*
"Hello stephen bakit ka napatawag?"
Pinilit kong pakalmahin ang boses ko para hindi niya mahalatang umiiyak ako."Umiiyak ka nanaman ba? gusto mo puntahan kita" pag aalala niyang sabi.
"Baliw ka ba! kauuwi mo lang kaya , hindi na keri ko na to teh pahinga ka na"
hindi ko na siya pinapunta dahil gusto ko ring mapag isa. Marami pa rin siyang gagawin kaya ayokong makadagdag pa sa isipin niya."okay, tawag ka lang kapag may kailangan ka ah" pagpapaalala niya.
"Thankyou Stephen"
lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko, halo halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon sumabay pa ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan."tangina! ang hina hina ko, hindi ko na kaya!"
blag*
"Dhenzel!"
BINABASA MO ANG
Just like Titanic (COMPLETED)
General FictionPaano kung ang dalawang pusong nasaktan ay nasa iisang tagpuan, mga pusong sawi at naghahanap ng masasandalan. Sa tagpuan ba magsisimula ang kanilang pagmamahalan o ito'y hahadlangan ng buhay at kamatayan. ALL RIGHTS RESERVED 2019